Margaux

5.7K 75 7
                                    

"Don't let me go again," ani Quinn nang hilain niya ako at niyakap ng mahigpit.

My heart is almost going to explode with all the emotions I am feeling right now. Miss na miss ko siya. I missed his hugs. I missed his kisses. I missed his touch. I miss him.

Rinig ko ang lalim ng paghinga niya habang hinahalikan niya ang gilid ng ulo ko.

"Please don't let me leave you again, honey," ulit niya habang hinihigpitan pa ang yakap niya sa akin.

Inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha niya. His eyes are red from crying, of professing how he loves me so much. And to be honest, I only believed him now. Ngayong kitang-kita ko kung gaano siya nawawasak habang pinipilit akong huwag ko siyang ipagtabuyan, habang sinasabi niyang huwag ko siyang bibitawan.

I smiled weakly and caressed his face with my hands. I stared at his face, trying to let it all sink in me. I stared at his face and tried to make myself believe that the only man I loved all of my life is also in love with me...again.

Quinn looked at me, confused and questioning. Para bang pilit niyang iniintindi kung bakit hindi ko siya sinasagot.

I looked at his eyes and smiled. I think he has the most beautiful pair of brown eyes I have ever seen up close. I shut my eyes and connected our foreheads and our noses touched. "Mahal kita, Quinn...hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo."

I felt his grip on me tightening. "Kung gano'n, bakit mo ako ipinagtatabuyan?"

Parang nababasag ang puso ko habang tinatanong niya iyon sa akin. Pero kailangan kong tibayan ang sarili ko ngayon dahil ito na lang ang nakikita kong paraan para maayos namin ang lahat. If I mess up this chance again, he would probably just leave me alone. He would probably stop fighting for me.

And that mere thought brings me horror.

Humugot ako ng malakas na hininga bago ko siya tiningnang muli. "Dahil natatakot akong mahalin ka ulit, Quinn. Una iiwan mo ako para sa iba, tapos ngayon babalik ka sa akin dahil nakasama mo ako ng ilang linggo." Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang mahulog. "Paano kung hindi pala talaga pagmamahal iyang nararamdaman mo? Paano kung iiwan mo na lang ulit ako?"

Tumigas ang tingin niya sa akin dahil sa tanong ko. "You're doubting me..."

I bit my lip and looked down. Hindi ko iyon maalis sa isip ko. Hindi ko kayang isiping magiging masaya kami dahil sa dami ng sakit na dinanas ko sa pagmamahal sa kanya, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ulit magtiwala.

"Margaux, look at me..." utos niya habang hinahawakan ang baba ko at idinirekta sa kanya ang aking mata. "I'm sorry." His voice was so soft that I feel like I would melt in his arms.

"I'm sorry that you feel that way for me. Alam ko, kasalanan ko lahat at pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa'yo. Walang araw na hindi ko inisip kung magbabago ba ang lahat kung hindi ko siya pinili noon. Kung ikaw ba ang pinili ko, hindi tayo magkakaganito? Kung inintindi ba kita noon, hindi magiging ganito kagulo?"

More Than Anything [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon