Quinn is acting weird. Nang maglapat ang mga labi namin ay napansin kong nagbago na ang trato niya sa akin. Kagaya ngayon. He's so attentive of me.
"What do you want, Margaux? More pancakes?" Malambing ang pagkakatanong nito sa akin.
Tumikhim ako at napatingin kina Mela at Kuya Peter. Mukhang nalilito silang dalawa sa inaasal ni Quinn sa akin. Si Shawn naman ay walang pakealam kung hindi ang kumain.
"I'm full." Iyon ang sagot ko.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "You've barely eaten. Come on, Gogo. Eat more."
Napatigil ako nang tawagin niya akong Gogo. It was what he calls me before. Siya lamang ang tumatawag sa akin nang ganoon. It used to piss me off especially in the beginning moments but I've gone used to it and loved it even.
Nang maghiwalay kami ay kinalimutan ko na ang palayaw kong iyon sa kanya. What's the use of that nickname anyway? It's stupid!
Wala na akong nagawa dahil naglagay siya ulit ng isang pancake sa plato ko. Kinagat ko ang labi ko bago ko nilingon si Quinn. He's directly and intently looking at me. His eyes are full of concern. Almost like the eyes he used to look at me before.
Wala akong nagawa kung hindi ang kainin ang mga karagdagang nilagay niya sa plato ko. I swear masusuka na ako sa kinakain ko. Well, I love pancakes but seeing him this cheesy makes my stomach churn.
"Mommy," nakuha ni Shawn ang atensyon ko. Napatingin kami ni Quinn sa kanya.
"What is it, baby?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "When am I going back to school?" Simangot niya.
Nang makalabas siya sa ospital ay lagi na lamang siya sa bahay. Alam naman ng mga teachers niya ang nangyari kaya hindi na rin kailangang magpasa ng medical certificate. Ang sabi ni Dr. Loesco ay kakailanganin pa ng dalawang linggo bago siya maaaring makisalamuha sa ibang bata. Mahirap na kasi at baka masagi ang kamay niya. It's going to lead to some complications.
"Next week, baby." Sabi ko. "Do you miss school?"
Tumango siya. "Yes. And I miss Kinsella, too." Sumimangot siya.
Rinig ko ang mahinang tawa ni Quinn sa tabi ko samantalang ako naman ay nakakunot lang ang noo. Nilingon ko Quinn at nagkibit lamang ito.
Tumikhim ako. "Who's Kinsella?" The possessive mother in me surfacing.
Shawn blinked at me. "My best friend." Inosente niyang sagot.
Nanliit ang mga mata ko.I don't know what's in me. Siguro ay sobrang advanced lang ng mga iniisip ko. Shawn is just five years old for chrissake!
"Is she pretty?" Mapagbirong tanong ni Quinn.
I hit his arm at lalo lang siyang tumawa.
Ngumiti si Shawn tila hindi naintindihan ang ginawa ko. "She's pretty, of course!" Aniya.
Mas lalong lumakas ang tawa ni Quinn. Ngayon, pati sina Mela at Kuya Peter ay tumatawa na rin. Humugot ako ng malalim na hininga at hinimas ang sentido ko. What are they doing to Shawn! He's just a kid!
Ramdam kong pumalupot ang braso ni Quinn sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya. "Loosen up, Margaux. It's just puppy love." Mahinahong bulong niya bago ako hinalikan sa tainga.
Halos malaglag ang puso ko sa ginawa niya. Nakatingin sina Mela at Kuya Peter kaya mas lalo akong nahiya. Kung pupwede lang akong lamunin ng lupa ngayon ay maluwag akong magpapaubaya.
Natapos ang breakfast at nagdesisyon si Shawn na manood na lamang ng TV. Si Quinn naman ay nasa tabi niya. Maayos silang nanonood habang ako ay nagpasyang maglakad na lang sa garden.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
RomanceQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...