Kanina pa ako inis na inis sa Dr. Loesco na ito. Hindi niya tinatantanan ng titig si Margaux. Kita na ngang nandito ang anak namin at nandito ako, hindi pa rin nagpapaawat sa pagtitig!
Matatalim na titig ang ipinukol ko sa kanya habang todo ngiti ito kay Margaux. Just what the fuck?!
"Inexplain ko naman na sa'yo, 'di ba?" Aniya kay Margaux.
Ngumiti si Margaux at tumango. "Thank you, Dr. Loesco." She told him.
Dr. Loesco nodded and smiled before tapping her shoulder and winking at her. I clenched my fist when I saw that. Tangina! Hindi ba niya ako nakikita?
How dare he flirt with Margaux in front of me and my son? Gaguhan lang?!
Nang umalis siya sa kwarto ay doon lamang ako kumalma. Kinukuha ni Margaux ang mga papel sa bag niya at inaayos iyon para mas mapadali ang paglalakad ng discharge ni Shawn.
"I have my car outside. Magpapatawag ako ng tutulong para dalhin ang mga gamit doon." Sabi ko.
Tumango si Margaux habang binabasa ang kanyang mga IDs. Nagtungo ako sa may telepono at nagtawag ng pwedeng tumulong sa amin sa pagbababa ng gamit.
"Daddy!" Tawag ni Shawn sa akin habang naglalaro ng mga trains nito.
Binihisan ko na siya at inayos para sa discharge niya. Ang sabi ni Margaux ay ayaw niyang nagpapabihis pero mabilis naman itong pumayag sa akin.
Naglakad ako papunta kay Shawn at nakipaglaro habang naghihintay ng mga kasamang maghahakot ng gamit.
"Bababa na ako. Hintayin niyo na lang ako sa lobby." Ani Margaux.
Nilingon ko siya at umiling. "Hintayin na natin iyong mga maghahakot ng gamit para sabay na tayong bumaba."
Tumikhim siya at tila tututol pa pero tumingin kay Shawn. Humugot siya ng malalim na hininga at tumango. "Alright." Aniya at umupo muna sa kama.
Napakagat ako sa aking labi para itago ang ngiting sisilay na. I won't let her walk alone there with all the men looking at her and thinking she's single. I've seen how that Loesco eyed her. I won't let others look at her that way.
Ang buong akala ko ay si Theo ang problema—hindi lang pala siya.
But why am I thinking too much about that anyway? Hindi naman kami ni Margaux. Nandito lamang ako dahil kay Shawn...nothing more.
May kumatok sa pinto. Ito na siguro iyong mga maghahakot ng gamit.
Binuksan ni Margaux ang pinto para makapasok ang mga maghahakot.
"Shawn, keep your toys. We're going." Ani Margaux sa anak namin.
Mabilis namang inayos ni Shawn ang mga gamit niya at tumayo para lumapit kay Margaux. Sumunod ako at tumayo malapit sa mag-ina ko.
Lalaki ang mga maghahakot kaya naman ayaw kong tumayo malayo sa kanila. I don't know why I feel so protective of Margaux. We're not in a relationship or anything!
"Doc, saan po namin ilalagay ito?" Tanong ni Hayes, iyon ang nakalagay sa badge niya.
Nilingon ako ni Margaux.
"Sa lobby na lang muna. Magbabayad pa kami." Sagot ko.
Tumango naman ang mga lalaki at nagsimula nang i-load ang mga gamit namin sa trolley.
"Let's go." Pag-aya ko nang matapos nang ilagay ang mga gamit. Nauna kami nina Margaux at nakasunod ang mga gamit. Kinarga ko si Shawn habang naglalakad papuntang elevator.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
RomanceQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...