Ilang araw pa si Shawn sa ospital. Bawat araw ay naroon si Quinn. Tuwang tuwa si Shawn dahil lagi niyang nakakasama ang daddy niya. Mas lalo pa itong natuwa nang malaman niyang titira sa amin si Quinn.
Hindi pa ako pumapayag doon. Pero kapag nakikita kong sobrang saya ng anak ko ay wala rin naman akong magawa.
"He's the father." Deonna told me. Nasa opisina niya kami ngayon dahil nagtatanong ako kung ano ang gagawin ko sa kagustuhan ni Quinn na tumira sa bahay.
"Gusto niyang tumira kasama namin ng anak ko."
Deonna nodded. "Syempre. Siya ang ama." Sagot niya.
I shook my head. "Hindi ganoon iyon. Hindi dahil siya ang ama ay dapat na kaming tumira sa iisang bubong."
Nagkibit lamang si Deonna. "Pero gusto niya kayong makasama sa iisang bubong. Is that not a sign? Maybe he wants to get back with you." Aniya.
Gusto kong masuka sa sinasabi ni Deonna. Get back with me? Is she insane?
"Nasabi ko naman na sa iyong may girlfriend siya." Sabi ko. "Pinili nga niya ang babaeng iyon kaya naaksidente ang anak ko."
"Anak niyo." She corrected. "maybe you should start acknowledging him as the father."
"I acknowledge him."
"Pero inaangkin mo ang anak niyo." Aniya.
I narrowed my eyes at her. "Anak ko si Shawn. I've been a father and a mother to him. I have the right to call him my son."
"So does he," ani Deonna. "Ginawa niyo si Shawn. You didn't conceive alone."
"He left me."
"You didn't tell him you have a child." She shrugged.
I rolled my eyes. Kaibigan ko ba talaga si Deonna? Bakit parang kampi siya kay Quinn?
"I already told you why I kept Shawn from him." Sabi ko.
She nodded. "Yes. Pero ngayong alam na niyang may anak kayo at hindi naman niya tinatalikuran ito, why do you have to keep your son away? He looked responsible." Aniya.
Tumikhim ako. Quinn takes care of Shawn, I know that. Pero mahirap nang magtiwala sa kanya gayong alam kong hindi niya pipiliin ang anak ko kapag pinagpili ko siya sa pagitan nila ni Louise.
I don't want to hurt my son when that time comes. Paano kung sobrang attached na si Shawn kay Quinn pagkatapos ay iwan niya lang ito dahil mas pipiliin niya si Louise kaysa sa anak ko? I can't see my son hurting. I'd kill if that happens.
"I saw how he took care of you and Shawn. He seemed genuine. Lalo na noong niyayakap ka niya dahil sobrang umiiyak ka."
Parang may kumukurot sa puso ko. Hindi ko ipagkakailang gumaan ang loob ko nang yakapin ako ni Quinn. I've always felt so safe and secured in his arms. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin.
"Maybe you just have to give him a chance to be close to you and Shawn. I can see that he's trying." Aniya.
Nagbuntong hininga ako. Wala na ata akong magagawa kung hindi tanggapin ang lahat.
Pagkatapos kong makipag-usap kay Deonna ay tinawag ako ni Dr. Loesco, iyong ortho ni Shawn. Nasabi niya sa aking pwede ko nang ilabas si Shawn bukas kaya naman sobrang pasasalamat ko sa kanya.
Nang matapos ang shift ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Shawn. Nadatnan kong tulog si Shawn habang karga siya ni Quinn. Nakabukas ang TV at cartoons ang palabas.
Quinn looked at me and smiled weakly. "Tapos na ang trabaho mo?" tanong niya.
Tumango ako at dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
عاطفيةQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...