Margaux

5.5K 86 4
                                    

I can hear my phone ringing. Hindi ko iyon pinansin.

"Margaux..."

Halos manigas ako nang marinig ang boses ni Quinn na malapit sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang kamay niyang nakapulupot sa katawan ko. What the hell?

Unti-unti kong ibinukas ang mata ako. Laking gulat ko nang makita ko si Quinn na nakatingin sa akin. Siguro ay nagising siya dahil sa ring ng phone ko. Hindi pa rin tumitigil iyon.

Pagod siyang tumitig sa akin. "Your phone is ringing." Aniyang para bang hindi pa obvious iyon.

I rolled my eyes and got up to see who is calling. Nanliit ang mga mata ko nang nakitang ang ospital iyon.

"Who's it?" Tanong ni Quinn habang bumabangon rin. Kinukusot niya ang mga mata niya.

"Ospital lang." Sagot ko sa kanya bago ko sinagot ang tawag.

"Hello, doc?" Iyong ang bungad ng nurse sa akin.

"Yes? Ano iyon?"

"May pasyente po kasi kayo dito ngayon. Ang sabi po ng residente at ni Dr. Theo na kailangan niyo raw pong makita ito ASAP." Parang nahihiya pa ang nurse na tawagan ako sa ganitong dis oras na ng gabi.

Nilingon ko ang orasan at nakitang alas-tres na ng madaling araw. Halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang kamay ni Quinn na bumabalot sa akin. He rested his chin on my shoulder. I can feel his cold breath on the nook of my neck. I can't even—

"B-Bakit? Anong nangyayari?" Tanong kong naiilang.

May narinig akong sinabi ang nurse sa kabilang linya pero bago ko pa itanong kung anong problema ay boses ni Theo ang bumungad sa akin.

"Margaux, your Mom is here. She had a heart attack. We've intubated her and we're now running tests on her. Hinahanap ka ng Daddy mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Mom had a heart attack? Paanong nangyari iyon? She's been living a healthier life than me. Ni hindi nga kumakain iyon ng mga napritong pagkain. Paanong nangyaring nagkaheart attack siya?

"Hey..." Mahinang boses ni Quinn ang narinig ko. He planted a kiss on my shoulder. "Anong problema?" Malambing ang boses niya. Malamang ay napansin din niyang parang nanghina ako.

Suminghap ako. "Si Mommy." Iyon lamang ang nasabi ko dahil biglang bumuhos ang luha ko. I was sobbing ang crying ugly. Parang gumuguho ang buhay ko. I have never been so concerned about my parents because I know they are living a very good life.

But now, hindi ko naisip na pwede pala itong mangyari sa kanila. Mom was very healthy. She's in her mid-fifties but she's still very active especially in yogas and Zumba sessions. Dad is jogging until now.

Paano? Paanong nangyaring naatake sa puso si Mommy?

"Ssshh..." Bumalot sa akin ang mainit na yakap ni Quinn.

He's consoling me. He's telling me that everything will be alright. He's been kissing my head several times as well.

I can't believe I'm breaking down like this. Itinakwil ako ng mga magulang dahil nagkaanak ako at hindi ko naabot ang mga inaasahan nila sa akin. They haven't talked to me for five years. They've abandoned me for years when I needed them the most.

But here I am—hurting for my mother who's probably going to be unconscious for god knows how long. I am crying for the possibility of her not waking up at all.

Masakit talaga kapag magulang mo na ang pinag-uusapan. Kahit gaano ka katanda ay hindi mo pa rin talaga makokontrol ang damdamin mo kapag sila na ang nagkakasakit.

More Than Anything [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon