Quinn

6K 84 6
                                    

I'm watching Margaux sleep. On the other side is my son who just finished his operation successfully.

Sobrang sakit ng puso ko habang tinititigan si Shawn. I can't help but feel guilty for ditching him. Putang ina! Sa dinami rami ng batang mababangga, bakit si Shawn pa?

Hinaplos ko ang mukha ng anak ko. Hindi ko mapigilang maiyak dahil alam kong ako ang rason kung bakit siya nakahandusay sa kama ng ospital. He should be with me, playing with me tonight because he wanted a sleep over.

Then I looked at Margaux again. Sobrang putla niya. Ang sabi ni Deonna ay hindi pa siya kumakain ng kahit ano. Napagod pa siya sa kakaiyak at siyang naging dahilan kung bakit siya nakatulog. I could only imagine how frustrated she is right now. Limang taon niyang inalagaan si Shawn at ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Ngayong nandito na ako.

Pilit niya akong pinapaalis pero ayaw ko. I've been absent for the past five years. Now, I want to be here for them. I want to be here for Margaux. I want to be here for Shawn, for my son.

Kahit ipagtabuyan ako ni Margaux, titiisin ko pa rin. Pagbabayaran ko lahat ng kasalanan ko basta huwag lang akong mawala sa buhay ng anak ko.

I can endure Margaux and all the hurtful and hateful words she would throw at me. I can endure all the pain. I just want to be with my son now that he's hurting.

My phone suddenly rang. It was Louise.

Tumikhim ako. Hindi ko mapigilang isiping, kasalanan namin ni Louise ito. She asked me to be with her tonight. At dahil hindi ko masabi sa kanya ang totoo, napabayaan ko ang anak ko.

I know it's wrong to blame someone else, especially Louise who doesn't know about my son. Pero habang nakikita ko si Shawn at si Margaux na nakahiga sa kama ng ospital ay hindi ko mapigilang may mamuong inis sa puso ko.

Pinatay ko ang tawag. Hindi ko siya kayang kausapin ngayon. I don't want to betray my son. I want to be here for my son.

Bumalik ako sa paanan ng kama ni Margaux. Hindi ako makatingin sa kanya nang hindi nakakaramdam ng inis sa sarili ko. It wasn't enough that I left her five years ago to go all through this alone. Now, I had to hurt the one she loved the most.

Margaux stirred in her sleep. Naningkit ang mata ko nang bigla siyang bumangon.

"Shawn!" Parang takot na takot ang boses niya. Luminga-linga siya at nakahinga nang maluwag nang makita si Shawn na nakahiga sa kama sa tabi niya.

Pinilit niyang tumayo at tutulungan ko na sana siya pero hinawi niya ang kamay niya.

"Umalis ka na." Malamig na sabi niya.

Naglakad siya papuntang kama ni Shawn. Kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata habang hinahaplos ang mukha ng anak namin.

Pumikit ako dahil nasasaktan ako. Kahit na sinabi na ng Orthopedist na maayos na si Shawn at kailangan lang ng ilang buwan para makabalik sa dati, hindi pa rin ako matahimik. Hell! Even Margaux who's a doctor herself looked so worried. Paano pa ako?

Umupo si Margaux sa tabi ni Shawn at pinagmasdan lang ang anak namin. This scene breaks my heart the most. It makes me blame myself over and over again.

Hindi ako kinausap ni Margaux. I expected that. Hindi niya ako papansinin. Magpapanggap siyang wala ako sa kwartong ito. She's probably very mad at me. If I were she, I would feel the same way, too.

I cleared my throat to get her attention but she didn't even budge.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pag-irap niya sa akin kahit na kay Shawn siya nakatingin. No, Quinn. Hindi ka dapat sumuko sa simpleng irap lang niya. Alam mo na iyan, matagal na. Mataray talaga si Margaux kahit noon.

More Than Anything [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon