It has been weeks since I got back together with Margaux and I feel like my whole life is living its peak moments. Wala na akong mahihiling pa dahil sobrang kontento na ako sa buhay ko kasama ng anak ko at ng babaeng pinakamamahal ko.
"Hey," Nixon called me when the meeting ended.
I looked at him and smirked. I have yet to talk to him about the tape of him and his best friend. I was too busy with Margaux and Shawn for the past weeks that I couldn't even make myself have a small talk with someone else.
He nodded at me. "You must be happy," he chimed.
I smirked. Masaya? It's an understatement. "Masayang-masaya," sagot ko.
He laughed and shook his head. "You haven't thanked me yet." He crossed his arms.
I nodded. "Abala ako sa mag-ina ko," sagot ko na mas lalo lang nagpatawa sa kanya.
Nixon shook his head. "Mag-ina..." pag-uulit niya. "I'm happy for you, Quinn," aniya. "To be honest, I never liked Louise for you. I was always on Team Margaux and I'm glad that you won her back."
I smirked. "I hope you win the girl you love, too," I told him.
"Still trying..." he chuckled before patting my shoulder. "I better get going."
I nodded. "You're invited to Shawn's birthday next week. Ipapadala ko ang invitation sa opisina mo."
He laughed. "Wow, now, I'm getting invited to children's party, too. This is awesome!" he beamed sarcastically before walking away while waving his hand goodbye.
Umiling na lamang ako at kinuha ang cellphone para itext si Margaux.
To: Honey
Have you eaten? It's past lunch now.
Tumango lamang ako sa mga empleyadong nadaanan ko habang ang buong atensyon ay nasa screen ng cellphone ko, naghihintay kung nabasa na ba ni Margaux ang text ko.
Nang umalis ako sa bahay ay nasa banyo siya at nagsusuka. Ang sabi niya ay dahil lang iyon sa mga nakain namin kagabi dahil hindi siya sanay sa mga Japanese food. Ayaw ko sanang pumasok at ilang beses ko na siyang inaya na pumunta na sa ospital pero ayaw niya dahil doktor daw siya at alam niya kung ano ang dapat gawin.
Tsk, my baby doctor is a handful.
Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin nababasa ni Margaux ang text ko. Medyo nangangamba na ako dahil kahit naman busy iyon sa trabaho ay nakakapagtext pa rin para sabihin sa aking busy siya. Kaya bakit ngayon, matagal ang reply niya?
I was tapping my fingers on the table while waiting for my phone to vibrate to Margaux's reply when I got a call from Deonna instead.
"Quinn! Si Margaux nasa ER!" natatarantang sigaw niya sa akin mula sa kabilang linya.
Agad akong tumayo at tahip-tahip na kaba ang namuo sa aking dibdib. "What? Anong nangyari?"
"Bigla na lang nahimatay! Busy ka ba? Puntahan mo rito, dali!" aniya at nagmamadaling ibinaba ang tawag para siguro daluhan si Margaux.
Ako naman ay nagmamadali na ring umalis nang opisina para makapunta sa ospital. Galit na galit ako dahil sobrang traffic at sobrang nag-aalala na ako para kay Margaux pero kailangan ko ang utak ko para makaabot nang mabilis sa ospital.
Ilang mura ang napakawalan ko sa loob ng sasakyan at mas lalong dumami iyon noong nakarating na ako sa ospital. Dumiretso ako sa ER at agad kong nakita si Deonna at Theo na nakatayo sa labas ng isang cubicle. Halatang halata ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
RomansQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...