CHAPTER 4

58 9 4
                                    

Tanasia POV

"Bye margo!!"sabi ni clarc na katabi ko, kumaway lng si margo at pumasok na sa bahay nila

Hinawakan ni clarc ang bewang ko at nilapit ito sakanya

"ano ba!!"sabi ko sabay tulak sa kanya

"hahaha, can i ask you a question?"sabi saakin ni clarc

"ano?"tanong ko dto na nakataas ang kilay

"may gusto ka din ba saakin??"sabi nito sabay ngiti

"kapal mo!clarc!"sabi ko dto at hinila ko ang tenga nya papunta sa bibig ko

"a-aarayy!"sigaw nya

"baka nakakalimutan mo kaya kitang ipatalsik"sabi ko dto na iritang irita

Natauhan naman to at nag kamot ng ulo at napangisi

"lika na at ayaw kong pinaghihintay ko ang kotse ko.."sabi ko kay clarc

Sumakay na sya sa motor nya at inalalayan nya naman akong umupo sa likod nya

"bagalan mo lng at pag ito pinaharurot m--"napatigil ako sa pag sasalita ng bigla nyang pinaharurot ng sobrang bilis ang motor dahil dun ay nag panic ako at napahawak sa katawan nya

Hindi nagtagal ay nakapunta na kami ulit sa bar at papasok na sana ako sa kotse

"saan tayo sa apartment mo o sa bahay nyo?"sabi ni clarc

Ano ba tong utak ko una sa lahat ewan ko kung may babalakin sya o ihahatid nya lng ako...

"sa apartment at bakit mo tinatanong?"sabi ko dto

"abay syempre ihahatid kita"proud nitong sabi

"good at umuwi ka agad ayaw ko ng stress na katulad mo"sabi ko dto sabay pasok sa loob ng kotse ko

Sinilip ko si clarc sa bintana kung nakasakay narin ba sya sa motor nya,ng makasakay na sya ay pinaandar nya na to at nauna na sya saakin

Sinundan ko lng sya hanggang sa makarating na kami sa building na tinitirhan ko at nag park na ako ng kotse ko

"Thank you.."sabi ko kay clarc, agad naman itong ngumuso

"anong thank you?? Dapat I love you..."sabi nito at ngumisi

"I love you mo mukha mo, umuwi kana nga!!"sabi ko dto

"mamimiss kita my princess..."sabi nito saakin

"may pa princess pang nalalaman tshh..."sabi ko dto at namulsa

"oyy sabihin mo kay margo na wag ng manggulat sayo tignan mo yang kamay mo panglimang beses nayan oh"sabi nito at hinawakan nya ang kamay ko

Hmm??hokage moves?

Binawi ko ang kamay ko at tinarayan ko sya,nginiwian lng ako nito

"sige na goodbye na my princess at goodnight mamimiss ko kayo ni margo"sabi nito at hinalikan nanaman ako sa noo at nginitian nya ako

"okay sige na goodnight"sabi ko at kinawayan sya, sumakay na ito sa motor nya at kinindatan nya ako bago sya humarurot ng takbo

Dinaig pa namin pag jowa tshhh..

Pumasok ako sa elevator at walang kasamang mag isa pinindot ko ang 8 floor dahil nandun ang appartment ko

Nanlisik ang mata ko dahil sa pakiramdam sa elevator nahihilo talaga ako sa ganito at tinatamad akong mag hagdan dahil nakainom na ko

Biglang tumigil ang elevator sa ground floor at may pumasok na isang lalaking naka airpods at naka face mask na itim pinindot nya ang 4 floor

Tsk bat may pumasok pa sobrang taas panaman ng floor ko ugh!...

"papangitiin ko po sya gamit ang aking mga ngiti at hinding hindi ko po susukuan yun hanggat hindi ko sya nakikitang masaya"sabi ng lalaking nasa harapan ko

Nag taka ako kung bakit sya nag sasalita mag isa yun pala ay dahil may kausap sya gamit ang airpods

"maraming salamat po talaga, medyo malalate po ako okay lng po ba?"tanong ng lalaki sa kausap

Ting!!

Tumunog ang elevator at lumabas na ang lalaki, agad ko itong sinarado para makapunta agad ako sa floor ko

Ng makapasok nako sa appartment ko ay humiga agad ako sa kama na parang lantang gulay dahil sa pagod at lasing pa ako

Kinabukasan...

Pag pasok ko sa office ay naninibago ako dahil wala pa si clarc

Nasaan kaya yung gunggong nayun ang pagkakaalam ko ay hindi sya na lalate

Pinagmasdan ko ang mga pumapasok at baka sakaling makita ko si clarc pero nabigo ako, nakita ko naman si margo na madaling madali pumasok at kumaway saakin tinanguan ko lng ito bilang sagot

"nasaan na yun??tsk"bulong ko sa sarili ko

Kinuha ko ulit ang motibo na bigay saakin ni clave ang babaeng pumunta saakin kahapon at pinanood ko ulit para mafresh pa ito sa utak ko

Tinitigan ko ng mabuti ang lalaking naghubad ng pantaas, may tattoo sya sa dibdib at medyo malaki naman ang katawan nya

"mukhang mahirap to ah bukas ay dapat mahuli na ito"bulong ko sa sarili ko

Sumilip ulit ako sa labas at wala ng pumapasok at halos lahat naman ay nakapasok na

Sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay clarc ay tinitigan ko ang bandage sa kamay ko na halos hindi ko ginalaw hanggang sa pagligo ko, at ngayon tatanggalin ko na ito

Dinahan dahan ko pa ito at tinignan ko ang sugat ko medyo tuyo na kaya tinapon ko na ang bandage

Napatingin ako bigla sa pinto ng opisina ko ng bigla itong bumukas pero agad naman akong nagtaka ng may pumasok na isang lalaki na naka pormal at mayroong dala na papeles at ang isa nya namang kamay ay naka pamulsa at mayroon syang napakagandang ngiti at nakatitig sya sa mata ko pag lapit nito sa mismong harapan ko ay iniabot nya saakin ang papeles na hawak nya

"I am Sharpton Levs Serilio and i will be your new assistant.."sabi nito at nakangiti parin

Agad naman kumunot ang noo ko at kinuha ang papel na hawak nya, iniwan ko sya sa loob ng opisina ko dahil pupunta ako kay daddy at naiinis ako sa prank nila ni clarc...

Hindi,hindi mangiiwan ng ganun ganun lng si clarc kilala ko sya!!,prank ngaba ito o totoo na....

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now