CHAPTER 20

37 8 0
                                    

Tanasia POV

Tinitignan ko ang mga gate kung ano ang mga adress na nakalagay dito

Ang dami naman nito tsk....

"hoy sharpton dito kalang lalabas ako feel ko malapit natayo sa m-16"sabi ko dito pero hindi ako tinignan nito

Bumaba nalang ako ng kotse at hindi ko na pinansin ito

Sinilip ko lahat ng gate at may napansin akong malamansion na bahay

Wow palaban sa bahay namin to ah?..

Sinilip ko ang andress nito pero agad akong lumayo ng makita ko ang dalawang cctv sa gate

Bingo!!...ito nga ang bahay at may kayamanan ba ito bakit ang daming cctv tss....

Bumalik ako sa kotse at tinawag si sharpton pero parang may tinitignan ito na kung ano sa bata

May nakita ba siyang kuto sa buhok nito?..

"Hoy sharpton!!"sigaw ko dito

"shh!! Lika dito"sabi nito saakin

Lumapit naman ako dito na parang uto uto

"ano meron diyan?"bulong ko at may tinuro siya na kung ano

"tignan mo ng mabuti..."bulong nito saakin at tinignan ko naman ng mabuti

Napadilat ako ng makita ko ang pasa nito sa leeg

"nakita mo na? Ano sa tingin mo ang ginawa sakanya?"tanong saakin ni sharpton

"Sinakal siya?"sabi ko dito

"yan din ang nasa isip ko so ang ibig sabihin ay hindi lang siya basta basta umiiyak sa kalsada, may nag lagay talaga sakanya doon..."sabi ni sharpton

Tama siya pero bakit? Bakit nadamay pa ang batang innocente?

"kaylangan natin sabihin ito sa mga magulang niya"sabi ni sharpton

"w-wag po...."napatingin kaming dalawa ng biglang nag salita si shannen

"wag po kayong magpapakita sa mga magulang ko dahil ayaw mo nila at baka mo pag bintangan pa po kayong kumidnap saakin"sabi ni shannen

"may kumidnap ba sayo shannen?"tanong ko dito

"wala po.."sagot nito saakin

"ano yang nasa leeg mo bakit may pasa?"tanong naman ni sharpton

"wala lang po ito, at uuwi napo ako"sabi ni shannen

"wait sasamahan kita"sagot ni sharpton

"w-wag na po please.....may nag mamasid po saakin"bulong ng bata

Agad naman kaming natigilan ni sharpton sa sinabi ng bata, nilibot ko ang mata ko sa buong lugar pero hindi ko makita dahil madilim na

"sana nga po kayong dalawa nalang naging magulang ko...."malungkot na sabi ni shannen saamin

"bakit naman?"tanong ni sharpton

"hindi ko po naranasan lumabas sa park at kumain ng ice cream..."malungkot na sabi ni shannen

"gusto mo bang gawin pa natin yun next time?"sabi ni sharpton pero umiling ang bata

"hindi na po mangyayari yun dahil mas hihigpit napo saakin sila mommy at daddy"sabi ni shannen at tumayo na

"sure kabang kaya mo mag isa umuwi?"tanong ko dito at tumango naman ito saakin

Nang makatayo na ito at lalakad na palayo ay tumingin ulit siya saamin ni sharpton na mukhang malungkot, nakatayo parin ako sa gilid ng kotse at si sharpton naman ay nasa loob parin ng kotse

"Bakit?"tanong ko dito dahil nakatingin parin siya saamin

Tumakbo ito papunta sa gawi ko at niyakap ako bigla

Napalunok naman ako sa ginawa nito, tumingin ako kay sharpton at kinalabit ko ito

Tinanguan niya lang ako at nag bibigay na senyas na buhatin ko ang bata

Napabuntong hininga ako at binuhat si shannen naumiiyak sa harapan ko

"Why?.....Don't cry"bulong ko dito at pinunasan ang luha nito

"mamimiss ko po kayo ni mister...at pwede po bang minsan dumaan po kayo sa street na ito at bumisina para po masilip ko po kayo doon sa bintana nayun"sabi nito sabay turo sa isang bintana na sobrang dilim

"a-ahh sige gagawin namin iyon ni kuya sharpton mo"pilit na ngiting sabi ko dito

"sure po kayo??.....pinky swear?"sabi nito at binigay ang daliri niya saakin

Bumuntong hininga muna ako at tinanggap ang daliri niya

"promise...."sabi ko dito at niyakap nanaman niya ako

"malambing ka nga sa bata..."asar saakin ni sharpton na nakatingin saaming dalawa

"hoy ikaw! tulungan mo nga ako dito hindi yung para kalang nanonood ng drama na pilikula dyan"sabi ko dito

"aalis na din po ako..."sabi saakin ni shannen at umalis siya sa pagkakayakap

Binaba ko ito sa pag kakabuhat

"bye bye napo mister at ate tanasia!"sabi nito at kumaway ito saamin

Kumaway din si sharpton, pumasok narin ako sa kotse ko at tinignan namin si shannen na mag door bell sa bahay nila

"lika na inaantok nako...."bulong ni sharpton saakin

Biglang may lumabas na lalaki sa gate nila shannen at binuhat niya agad ito

P-parang kilala ko ang lalaking yun...siya ba ang tatay ni shannen at parang nakita ko nasiya kung saan

Tinignan ko mabuti ang tatay ni shannen kaso mabilis itong pumasok sa gate at sinarado ito

Namumukahan ko ang likod ng lalaking bumuhat kay shannen pero hindi ko maalala kung sino ito

Pinaandar ko na ang kotse at dineretso ko agad ito sa parking lot ng
Condominium

Tumunganga muna ako sandali at iniisip kung saan ko nakita ang lalaking nag buhat kay shannen

Familiar talaga sakin, sobrang familiar as in Familiar

KRRRRR!!KRRRR!!

Nagulat ako ng biglang may humilik sa tabi ko

Napatingin ako kay sharpton na nakanganga pang matulog

Napangisi naman ako dahil dito, kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ko ang camera

Pinicturan ko siya ng tatlong beses at tinago ko ulit ang cellphone ko sa bulsa ko

bahagya ko siyang kinalabit at nagising naman ito

Dahan dahan siyang dumilat at tumingin saakin

"nandito na tayo.."sabi ko sakanya

Ngumiwi ito at napahawak sa ulo niya

"Bakit anong meron?"tanong ko dito dahil parang may masakit sa kanya

"t-tanasia ang sakit nag ulo ko...."bulong nito at pumikit

Nag dadalawang isip ako kung hahawakan ko ba ang noo nito or hindi

Tsk....ano ba ang ginawa nito at bakit nagkaganito ang lalaking ito

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang noo ni sharpton

Kumunot ang noo ko ng wala naman akong naramdaman na mainit

Hinawakan niya bigla ang kamay ko dahilan ng pag ka gulat ko

"IT'S A PRANK!!"sigaw sakin ni sharpton at malakas ko itong binatukan sa ulo


My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now