CHAPTER 3

62 10 6
                                    

Tanasia POV

Nakatayo kami ngayon sa harap ng the parch at pumasok kaagad kami

"nakakamiss ang amoy dto!"sabi ni clarc na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga tao

Si margo naman ay nakakita na agad ng pwesto kaya umupo kami agad at tinawag na nila ang waiter, agad naman itong lumapit

"yes sir?"sabi nito

At sinabi naman ni clarc lahat ng gusto namin, dahil sya lagi ang umoorder ng gusto namin kaya sanay na sya

"nako may lumapit nanaman sayo kaninang babae ah..."sabi ni margo saakin at tumango lng ako bilang sagot

"tungkol saan naman yun?"tanong ni clarc, bumuntong hininga muna ako bago mag salita

"may nag mamasid kasi sa babae..."yun lng ang sinabi ko sakanila

"kahit kaylan talaga napakatipid mong sumagot"sabi saakin ni margo

"okay nato kaysa naman sayo na salita ng salita wala namang ka kwenta kwenta"sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang mata nito

"may problema ba tayo tanasia?? Bat parang galit ka sakin?"sabi ni margo na kunware malungkot

"bahala ka sa buhay mo margo"sabi ko dto at sumandal nalang ako sa upuan

Pinagmasdan ko si clarc na nakatitig saakin at parang may gustong sabihin

"what are you looking at?"sabi ko dto at natauhan naman ito at umiling

Tshh...bat ba kamot sa ulo tingin doon at titig saakin ang lagi nitong ginagawa sakin natatae ba sya???

"alam mo clarc kung natatae ka pumunta kana sa banyo at hindi mo na kaylangan pang magpaalam saakin"sabi ko dto ng nakangiwi

"tsk.."sabi nito at umiling

Hindi nag tagal ay dumating na ang alak namin at pagkain, kukuha na sana ako ng alak ng bigla akong pinalo ni margo sa kamay

"Aray ano ba?!"sabi ko sa kanya

"wag nyo munang galawin pipicturan ko lng!"sabi ni margo at pinagpipicturan lahat ng alak at pagkain

"hampas ko sa mukha mo yang cellphone mo eh"sabi ko sabay kuha agad ng isang bote ng alak at tinungga agad ito,nagtitigan muna si clarc at si margo bago ako gayahin

"may gusto kasi akong sabihin..."sabi bigla ni clarc at tumingin saakin

"kaso hindi ko alam kung saan ko sisimulan.."sabi ni clarc sa malungkot na paraan

Ewan ko ba kung bakit naninikip ang  dibdib ko pag nag sasalita sya sa ganyang paraan

"iniisip ko kasi kung paano kayo ni margo ehh..."sabi ni clarc

Kumunot naman ang aking noo dahil maraming ibig sabahin ang sinabi nya

Kumuha nanaman si clarc at tinungga ito ng deretso

"bakit clarc wala naman kaming problema?at bat kapa namomroblema?"sabi ni margo na nagaalala na kay clarc

Pagkatapos uminom ni clarc ay tumingin sya ng deretso saakin

"kasi....dibale na tsk...mag saya nalang tayo tutal mag kakasama naman tayo!"sigaw nito at tinaas ang bote

"cheers!!"nakisama naman ako sakanila at sabay naming pinagtutungga ang alak

Kinuha ko ang order naming isang bucket ng french fries at kinain ko ito,
hinila naman agad ito saakin ni margo at dinakot nya ng kamay nya at sinubo nya agad, napangiwi naman ako sa diri

Sinilip ko ang mukha nilang dalawa ni clarc na namumula na at parang may tama na

Nakakalimang bote palang ako at si clarc naman ay 10 na at ito namang si margo ay 8 palang

Mga lasinggero talaga tshh...

"tama na!"sigaw ko sakanilang dalawa na kukuha pa sana ng isa pang bote

Tinaas ko agad ang kamay ko at tinawag ko ang waiter at pinabill out ko na, at syempre ako na ang nag bayad

"ano ba!!g-gusto k-ko pa!!"sigaw saakin ni margo pero binalewala ko ito at tinulungan ko ng tumayo, tutulungan ko sana si clarc tumayo pero umiling ito at deretsong tumayo

"may sasabihin ako sayo mamaya..."bulong saakin ni clarc at dumeretso na sya papuntang parking lot

Bat ganito kinakabahan ako sa sasabihin saakin ni clarc...

Inalalayan ko naman si margo maglakad at hawak hawak nya parin ang isang bucket ng french fries kahit wala natong laman

Nang pagkapunta ko sa parking lot ay hinanap ko agad si clarc at nakita ko sya katabi ng motor nya habang naninigarilyo,pinuntahan ko sya at hindi ito nakatingin saakin kundi sa cigarilyo nya

"oh anong sasabihin mo?"sabi ko dto sabi ko dto at kumamot ako ng ulo

"matagal ko ng gustong sabihin ito sayo pero ngayon ko lng napagisipan.."sabi nito at tinapon nya na ang sigarilyo nya

Lumapit ito saakin at ngumiti, umatras naman ako at napasandal ako sa puno, nag patuloy naman sya lumapit hanggang sa 2 inches nalang ang layo ng aming mukha

Aishh!!!ano ba tong trip ng lalaking ito

"I like you..."sabi ni clarc sa mukha ko sabay ngiti at ako naman tong nanlumo sa kinatatayuan ko

Ano ba bat hindi ako makagalaw at bat ganito parang may mali?...

Tinulak ko si clarc paalis saakin,ngumiti ito at hinalikan ang noo ko

"ooyyy ano ba--"biglang sumuka si margo sa harapan namin at agad naman kaming umilag

Akala ko ay susuka si margo sa mismong harapan namin at yun pala doon sa hawak nyang bucket ng french fries na hawak nya kanina pa

"ako nalang mag drive ng kotse ni margo at ikaw naman mag drive sa motor ko tas balik nalang tyo dto para kuhain kotse mo okay ba yun?"sabi ni clarc saakin at tumango nalang ako

Pumasok na sa kotse si margo at si clarc at ako naman ay sumakay na sa motor ni clarc at pinaandar ko agad ito ng mabilis at sumunod naman saakin si clarc

Dinamdam ko ang malamig na hangin na  dumikit sa katawan ko.

I like you...
I like you...
I like you...

Pasensya na clarc pero wala akong gusto sayo...



My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now