Shapton POV
Naglalakad kami papunta sa maliit na park para mapasaya namin itong bulingit na kasama namin
"ako po si shannen kayo po sino po kayong dalawa?"tanong ng bata saamin ni tanasia
"Ako naman si Sharpton pero pwede mo akong matawag na kuya.."sabi ko dito sabay ngiti
"mister nalang po bagay po sa mukha mo eh"sabi ni shannen
Napabuntong hininga naman ng malakas si tanasia at dahil dun ay napatingin kaming dalawa ni shannen
"eh ikaw po maldita ano po pangalan mo??"sabi ni shannen agad ko namang tinakpan ang bibig nito sa sinabi niya
Umalis muna ako at pumunta sa sulok kasama siya
"wag mo sabihin yun"pabulong kong sabi sa kanya
"akala ko po ba mabait ibig sabihin nun? Mukha po siyang mabait na tahimik eh..."sabi ni shannen sakin
Napatigil ako at dahan dahan napangiti sa sinabi ng bata
"Girlfriend niyo po ba siya?"tanong ulit ng bata
Napahilamos naman ako ng mukha dahil sa mga pinagtatanong ng bata
"friend ko lang siya okay at mabait talaga siya pangalan niya tanasia kaya tawagin mo siyang ate"sabi ko dito kay shannen at napa tango naman ito
"mas gusto ko po ang maldita eh"sabi nanaman nito
"pero--"
"Sige pwede naman"nagulat ako ng biglang sumingit dito si tanasia at may hawak siyang cotton candy
"wow ate maldita kanino po yan?"sabi ni shannen habang nakatingin sa cotton candy
"gusto mo ba?"sabi nito at tumango naman ang bata bilang sang ayon
"bili ka...."sabi ni tanasia at sinubo niya ang cotton candy
Umiyak bigla si shannen at yumakap ulit saakin at napakunot ako ng noo
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maawa sa bata? Bakit ganito siya??....
"shhh....wag na umiyak bibilhan nalang kita"pag papatahan ko sa bata
Tinignan ko naman ng masama si tanasia at binigyan niya lang ako ng nagtatakang tingin
Naglakad kami sa park at nag hanap ako ng mabibilhan para kay shannen at may nakita naman akong naglalako ng ice cream
"gusto mo ba ng ice cream?"tanong ko kay shannen
"ako gusto ko..."sabi naman ni tanasia
"hindi ikaw tinatanong ko"sabi ko dito
"edi aasarin ko siya lalo"sabi ni tanasia napatingin naman ako sa sinabi niya
"ilan ba?"tanong ko dito at napangisi naman ito
"tatlo okay na yun sakin"sabi nito
Nakakunot noo akong kumuha ng pera sa wallet at bumili ng tatlong ice cream at binigay sa kanya
"eh ako po mister bat wala po ako?"sabi ni shannen sakin
Napatingin ako kay tanasia habang kinakain niya ang ice cream at nakatingin sa bata
Tsh....ang sama talaga ng ugali...
"lima po!!"sabi ni shannen sakin
"ano?!bakit naman lima eh baka hindi mo makain lahat"sabi ko sa kanya
"tatlo po saakin dalawa po sayo"sabi niya saakin sabay ngiti
Napangiti ako sa sinabi niya at binilhan ko siya ng ice cream
"hindi ka po pala mabait!!bad ka!"sabi ni shannen kay tanasia na walang paki sa sinabi niya
"hayaan mo na siya nangangain yan ng tao"sabi ko kay shannen at natakot naman ito
Tinaasan ako ng kilay ni tanasia sabay taray pero hindi ko parin ito pinansin
"ano okay kalang ba dyan?"tanong ko kay shannen dahil nakatalikod ito saakin habang kumakain ng ice cream
"huh?ano po?..."sabi ni shannen sabay tingin saakin
"pffttt!..ano bayan ang dami mong ice cream sa mukha"sabi ko at pinunasan ko ang mukha nito gamit tissue
Nagulat ako ng dinikit ni shannen sa mukha ko ang ice cream niya
"ayyy!!!ikaw ahh!"sabi ko dito at pinahidan ko din siya ng ice cream at dahil dito ay sabay kaming natawa sa pinaggagawa namin
"nako malagkit na tayo niyan hahahaha!!"sabi ko sa kanya pero patuloy niya parin akong pinapahiran ng ice cream sa mukha
Pag katapos namin mag laro ni shannen ay napangiti ako sa kanya dahil napatahan ko siya at napasaya
Dahan dahan akong tumingin kay tanasia dahil baka umalis siya pero nagulat ako ng nakatingin ito saakin at nakangiti as in NGITI!!
Totoo ba itong nakikita ko?!!nakangiti siya ngayon at nakatingin saakin ng deretso.....masyadong imposible dahil una sa lahat ay ayaw niya saakin at si clark lang ang gusto niya
dahan dahang nawala ang ngiti ko at nailang ako bigla sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko
"mister inaantok na po ako..."bulong na sabi saakin ni shannen
"g-ganun ba eh san kaba nakatira?"sabi ko sa bata at humikab naman ito
Syems anong oras naba?...10:02 na pala ng gabi?!
"sa subdivision po m-16 po ang nabasa ko sa gate namin..."sabi ni shannen at ang mata nito ay onti nalang ay sasarado na
"ahm tanasia..."tumingin ako sa kanya at tumango naman ito saakin
Sabay kaming nag lakad papuntang parking lot para mauwi na namin si shannen sa sinasabi niyang subdivision dahil isa lang naman ang malapit na subdivision dito
"galit kaba talaga sa mga bata?"tanong ko bigla kay tanasia na busy kakadrive ng kotse
"hindi naman....."sagot nito
"kung ganun bat ganun trato mo kay shannen?"tanong ko ulit
"ganun lang talaga ako mag lambing.."bulong naman nitong sagot at nagulat ako sa sinabi niya
"lambing?! Lambing bayun sayo?"sabi ko dito
"wag kang sumigaw magising payang si shannen"sabi nito
Napatingin naman ako kay shannen na gumalaw ng bahagya dahil sa sigaw ko
Tumahimik nalang ako sa sulok at hinaplos ang buhok ni shannen
Bakit kaya siya umiiyak sa kalsada? May hinahanap kaya sakanya o may kumidnap sakanya?
Pinagmasdan ko ang mukha nito at napangiti
Naalala ko sakanya si rashell.....
Habang hinahaplos ko ang buhok nito ay kumunot ang noo ko ng makita ko ang leeg nito na namumula
Wait sinakal siya?!.....

YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
AksiSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.