CHAPTER 14

27 8 0
                                    

Sharpton POV

Nag susuklay ako ngayon dahil pupunta na ako kila harnold na kanina pa tawag ng tawag

"yan tama na sobra sobra na ang ayos ng buhok ko..."pagyayabang ko sa salamin at inayos ang damit ko

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas na ng apartment

Pag pasok ko ng elevator ay sumisipol sipol pa ako at pinindot ko ito sa basement

Mga ilang segundo lang ay bumukas na ito at pumunta naman ako sa naka park kong kotse na porsche na light blue

"Pasensya na at ngayon lang kita ulit gagalawin..."bulong ko at tinapiktapik ang ibabaw nito

Pumasok ako at hinawak hawakan ang monobela

Napansin ko na ang katabi kong kotse ay kakapark lang kaya biglang bumukas ang pinto nito

Dali dali kong sinarado ang pinto ng kotse para hindi ako makita sa loob

"Margo?!"gulat kong sabi ng makita ko si margo na kakalabas lang ng kotse

Pero mas nagulat ako ng tumingin ito sa kotse ko at nagpapicture pa

Nagtago naman ako sa ilalim para hindi ako makita nito

Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!

Sinilip ko kung nandyan pa siya pero wala na kaya agad kong pinaharurot ang kotse ko paalis

Pumunta ako sa base ni harnold isa itong abandonadong building kung titignan pero sa likod nito ay mayroong base na doon nagtatago ang mga adik niyang katauhan at mga kasama dito sila gumagawa ng kalokohan

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok dito at sobrang dilim

"Sharpton?"nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko

"Sharpton!!"sigaw ulit nito at niyakap ako

Napangiwi naman ako at tinulak ko si harnold

"ano ba harnold bakla kaba??"galit kong sabi sa kanya

"HAHAHA kahit kailan talaga..."sabi nito at sabay kami maglakad sa stambayan nila sa loob

"kamusta na?"tanong nito

"ito...gwapo parin..."nakangisi kong sabi at tinawanan naman ako ni harnold

"balita ko may bago kanang trabaho"sabi nito at pinaupo na ako sa upuan

"meron na nga, kinuha ako bilang assistant ng kaibigan ni daddy"sabi ko sakanya

"kailangan mo pa ba ng pera?eh ang yaman yaman niyo na"sabi nito

"panglibang lang naman tinatamad na ako sa apartment..."sabi ko

"nahanap mo na ba ang hinahanap mong tao??"sabi nito

Tumango naman ako at kumuha ako ng alak na naka handa na sa lamesa

"Teka lang?? Sabi mo mabait kana bat iinom ka?"sabi nito pinalo ko ang kamay niya

"anong silbe ng punta ko dito?!"sigaw ko dito

Napangiti naman ito at ginulo ang buhok ko, agad naman akong umiling para tigilan niya ito

"ano ba!!"sigaw ko

"ano ng yari diyan sa noo mo? Nako tanggal pogi points yan.."sabi nito napangisi naman ako sa sinabi niya

"anong tanggal pogi points baka dagdag"

"HaHa...tignan mo itong braso ko may bago nanamang sugat bakit hindi dumagdag sa pogi points ko??"sabi nito na itinuturo ang malaki niyang sugat sa braso

"oh!!sinong gumawa sayo niyan?"tanong ko dahil medyo nagalala ako dito

"babae ang gumawa sakin nito!...lahat nalang ng pagnanakaw na ginagawa ko siya ang pumipigil sakin kaya ayan ang inabot ko sa kanya"sabi ni harnold na medyo naiirita ang mukha

"babae lang pala katapat sayo eh, sino ba iyang babaeng yan??"tanong ko

"Si--"biglang napahinto siya sa sasabihin ng biglang tumakbo papalapit saamin ang katauhan niya

"Boss!!may dalawa pong babae sa labas akala po siguro nila abandonadong building ito!!"sabi nito saamin

"sige titignan ko"sabi ni harnold na sa makapangyarihan na boses ang gamit

May kinuha si harnold na kung ano at sinuot niya ito at ang isa naman ay ibinigay niya saakin

"bakit kailangan pa natin mag maskara eh madilim naman??"sabi ko dito

"para mas mukha pa tayong katakutan"sabi nito at sinuot saakin ang maskara na plain black

Naglakad na kami palabas dito at sinilip namin ang labas ng building

Nakita ko ang dalawang babae na nakatayo sa labas ng building at nililibot nila ang mata nila dito

Mas tinitigan ko sila dahil hindi ko makita kung sino ang mga ito

T-Tanasia?!! M-Margo?!!

Nagulat ako ng sila tanasia at margo pala ang dalawang babaeng ito

"hmm?? Perfect timing sila"sabi ni harnold, napalunok naman ako dahil may binabalak si harnold

"siya iyon...siya si tanasia ang babaeng laging kumokontra sa lahat ng ninanakawan ko at ang huli naming pagkikita ay sinaksak niya ako sa braso para mabitawan ko ang hawak kong bag na punong puno ng pera..."sabi nito at nakatingin parin kay tanasia

"ahm...harnold wag mo ng balakin yang binabalak mo hindi ito ang tamang oras para diyan"sabi ko

"tamang tama ang oras Sharpton 6:30 na ng gabi at ang lugar na ito ay sobrang tahimik at minsan lang daanan ng mga tao..."sabi nito at tinawag ang isa niyang katauhan at may binulong siya dito

Tumango naman ang tauhan at tumakbo ulit papuntang base

"Binayaran ako ni Clave monales para pabagsakin ang babaeng yan at ito na nga ang tamang oras para doon"sabi niya

Nanlaki ng sobra ang mata ko dahil sa narinig ko

Sana walang mangyaring masama sa kanilang dalawa pasensya na hindi ko kayang patigilin si harnold dahil wala talagang makakapagpigil sakanya...

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now