Sharpton POV
Inalalayan niya ako tumayo at agad naman akong umiling dahil parang bang umiikot ang paningin ko. Nagulat ako dito at hinaplos ko ang noo ko
Lumala ata ang lagnat ko!!
"may masakit ba sayo sharpton??"tanong saakin ni tanasia
"w-wala naman...lika na lumabas na tayo dito"sabi ko sa kanya at pinilit kong mag panggap na okay lang ako
"teka lang sharpton ano ang pinunta mo dito? At muntik kapang patayin??"sabi ni tanasia saakin
"humingi kasi saakin ng tulong si jovie at may pinapakuha siya dito sa bahay nila at nakuha ko naman...at wala pa akong galos"pag mamayabang ko dito
Ngumisi naman ito saakin at sabay kaming lumabas ng bahay pero sa kasamaang palad ay napaupo na ako dahil sa sobrang pag ka hilo
"oh! Ano ba sharpton okay ka lang ba talaga?"tanong ulit saakin ni tanasia
"napagod lang umupo muna tayo maski 10 minutes lang please"sabi ko dito at kumunot naman ang noo nito at umupo rin sa tabi ko
"pwede namng pumasok na tayo sa kotse at umuwi na?"sabi naman nito
"uwian naba??"
"hindi pa pero sabi mo pagod ka kaya ka nga nakaupo ngayon..."sabi nito saakin
Napatingin ako kay tanasia at tinignan ko ang mga mata niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nag aalala saakin dahil hindi naman ganito ang tanasia na nakilala ko ang nakilala ko ay ang mataray walang paki kung sinoman at higit sa lahat ay hindi siya nag aalala saakin pero ngayon nakikita ko sa mga mata niya ang alala saakin ngayon.
Bumuntong hininga ito at nailang sa mga tingin ko
Wait ano?! Marunong ng mailang ang isang tanasia??
"by the way asan na ang pinapakuha sayo ni jovie diba sabi mo saakin kanina ay nakuha mo??"sabi nito saakin
Kinuha ko sa bag ko ang notebook at ibinigay ko sakanya. Binuklat niya ito at gulat na gulat siya sa nga nabasa niya
Tumango nalang ako dahil alam kong inosente lang talaga si jovie at mayroon itong anak na sanggol, hindi niya totoong anak si anna gawa gawa lang ito ng kung sino at sino naman ang taong gagawa nun sa isang inosenteng bata?
Habang tumatagal ay napapapikit na ako dahil sa pagod at mataas na ang lagnat ko
"i'm sorry tanasia..."ito nalang ang nasabi ko at napasandal ako sa balikat ni tanasia at nawalan ng malay....
Tanasia POV
"i'm sorry tanasia..."narinig ko itong bulong ni sharpton at napasandal sa balikat ko
"s-sharpton?"sabi ko at hindi ako nakagalaw sa ginawa niya
"sharpton!"sigaw ko dito pero bigla itong bumagsak sa balikat ko kaya agad ko siyang niyakap
Napalunok ako sa ginawa ko pero agad din akong nagulat ng sobrang init niya at halos mapaso ako sa kanya
"ang taas ng lagnat mo!"sigaw ko dito habang nakayakap parin sa kanya
Ano bang gagawin ko dito?!! Sobrang natataranta na ako!
Tumigil muna ako at kumalma ng bahagyan, nag isip isip ako kung ano ang gagawin ko sa lalaking ito pero natigilan ako ng mapagmasdan ko ang mukha niya
Bakit ba sa tuwing nakikita ko ang mukha na ito ay nagiging masaya ako? Bakit ba sa tuwing nakikita ko ito ay medyo kinakabahan ako?bakit ba pinipilit mo akong maging masaya pero hindi mo alam na pag nakikita ko ang mukha mo ay nakukuntento na ako.....bakit? Ano ba talaga ang turing ko sayo sharpton?
Dahan dahan kong hinawakan ang buhok nito at sobrang lambot,medyo natuwa ako dahil ito ang pinaka unang lalaking ginanito ko halos hindi ko ito ginagawa kay clarc dahil para bang sensitive siya pag dating sa buhok
Libre lang naman humawak ng buhok pero syempre ito na ang chance ko sa isang lalaki dahil wala naman siyang malay at parang natutulog lang...
Hinaplos ko ulit ang buhok ni sharpton at dahil dito ay napapangiti ako dahil sa tuwa at lambot
Akalain mo un kahit wala kang malay pinapasaya mo parin ako..
Habang tumatagal ay kumakalma na ako sa pag kakataranta at naisipan ko na wag ng humingi ng tulong dahil alam kong kaya ko naman si sharpton buhatin papunta sa kotse dahil sobrang lapit lang nun at halos katapat lang namin
Bumuntong hininga ako at mahigpit na niyakap si sharpton para buhatin siya ng payakap, nag tumayo ako at buhat ko ito ay halos mapatumba ako sa sobrang bigat nita
Sobrang bigat naman nito!! Pero wag kang mag alala kakayanin kita kapalit naman niyan ng mga ginagawa mo saakin...
Ginawa ko ang lahat para madala siya sa kotse pero nagulat ako ng biglang may dumaan na dalawang dalagang babae
"pstt bes tignan mo oh ang sweet nila!!"sabi ng isa at tinuro ako
Ang pwesto ko kasi ay nakatayo habang yakap si sharpton at malapit na kami sa kotse pero na pag kamalan kaming mag jowa dahil dito
Ugh!!.wag mong papatulan tanasia mga bata payan....shhh hayaan nalang natin sila...
Bumuntong hininga ako at hinintay na makalampas na ang mga babae
"Ate sana oll!!"sigaw ng isa pang babae saakin bago sila makalagpas saamin
Mga bata talaga.....tss..
Nang umalis na ng tuluyan ang mga babae ay ipinasok ko agad si sharpton sa kotse ko at agad naman ako pumunta sa kabila para pumasok narin ng pinto
Bumuntong hininga ako at tumunganga muna sa malayo
Medyo weird talaga ako minsan pwede namang humingi ng tulong kaso hindi ako ganun na klaseng tao kung kaya ko naman asikasuhin ang problema ko...
Bumuntong hininga ako at tumingin sa malayo dahil iniisip ko lahat ng sinabi saakin ni clarc
Grabe....nagbago natalaga siya...
Umiling iling ako at tumingin kay sharpton, pinisil ko ang pisngi nito at pinaandar ko na ang kotse
![](https://img.wattpad.com/cover/208421622-288-k956078.jpg)
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
AçãoSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.