CHAPTER 18

29 8 0
                                        

Sharpton POV

Hindi ko talaga namalayan na nakatulog ako sa oras ng trabaho at higit sa lahat ay nasigawan ko pa si tanasia sa sobrang gulat dahil hindi talaga ako sanay pag may gumigising saakin

"Pasensya na talaga miss tanasia......hindi ko po namalayan na naka tulog pala ako"sabi ko dito

Sabay kaming naglalakad sa labas at naghahanap siya kung saan kami kakain

"at hindi naman ako gutom....kaya dederetso nalang ako pauwi"sabi ko dito at napatingin naman ito saakin

"niyaya kita diba?wag kanang umangal minsan lang saakin ang manlibre"sabi nito saakin

Medyo naiilang ako sa galawan niya ngayon at never pang may ng libre maliban nalang sa ex ko

Dumeretso kami sa samgyup dahil sabi niya ay masarap daw dito

"Thank you miss tanasia...."bulong ko dito habang kumakain kami

"wag mo na akong tawagin na miss at higit sa lahat wag kanang mag po..."sabi nito

"nasanay lang.."

"Tan nalang itawag mo saakin tutal mag iisang buwan na kitang assistant"sabi nito pero tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pag kain

Bumuntong hininga ito at sumandal sa upuan niya

"by the way yung nga utos ko...."sabi nito at tumingin ako sa kanya

"trip lang ang lahat ng yun right?"sabi ko dito at agad tumaas ang kilay niya at tinignan ako

"bakit hindi ka nag rereklamo?"sabi nito

"may karapatan ba ako? Eh assistant mo lang ako!"sabi ko dito at bahagya siyang nagulat dahil napalakas ang sabi ko

"gusto ko lang malaman kung hanggang saan lang ang kaya mo"sabi nito

Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko

"busog na ako sabi mo treat mo dba?"sarkastikong sabi ko at agad naman itong nag labas ng wallet at binayaran

Nag lakad na kami papalabas at walang kibuan

Tanasia POV

Nakakunot noo akong nakatingin sa sahig at iniisip kung galit ba si sharpton o sadyang pagod lang

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya pero sa iba ito nakatingin

Tinignan ko din ang kanina niya pa tinitignan.agad naman akong nagulat sa batang umiiyak sa harap ng daanan ng mga kotse

"Sharpt--"naitigil ko ang sasabihin ko ng mabilis siyang tumakbo papunta sa batang babae

PEEP!! PEEP!!

nakarinig ako ng malakas na busina at napatingin ako na paparating na truck sa bata

This scene are very familiar....

Pinagmasdan ko si sharpton sa bilis ng takbo nito papunta sa bata pero malapit na ang truck na halos humarurot

Wala bang mga mata yang driver nayan!....

Wala akong magawa kundi subaybayan kung paano niya maliligtas ang bata agad niyang binuhat ito at gumulong gulong sila papunta sa gilid

Patakbo akong pumunta sa kanila at nakita ko si sharpton na pinapatahan ang bata

"Okay ka lang ba?..."sabi nito at pinagpagan ang damit ng bata

Nanlisik ang mata ko nang makita kong dumudugo ang siko ni sharpton pero nakangiti parin ito sa bata at tinatanong kung okay lang ba siya

"may masakit ba sayo??"nag alala nitong tanong sa bata pero umiiling lang ito

Tumigin ako sa paligid at wala namang tao pero may isang lalaking papalapit saamin

"pasensya hindi ko nakita ang bata"sabi nito at lumapit sa kanilang dalawa at inalalayang tumayo si sharpton

"nako may sugat ka sa siko gusto mo bang dalhin kita sa ospital??"sabi ng lalaki na hindi naman gaanong katandaan saamin

"hindi na po yung bata nalang po"sabi ni sharpton sabay upo at pinapatahan ang bata

Nakatayo lang ako sa harapan niya at halos walang ginagawa

Bakit hindi ginawa ni mommy ito saakin?.....

Sumikip ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari at sa ginawa ni sharpton sa bata

"Pasensya na talaga....anak mo bayan?"sabi nito at agad naman akong nagulat ng bahagya

"ay hindi po nakita ko lang po siya sa kalsada at umiiyak kaya tinulungan ko po"sabi ni sharpton

"kung ganun pasensya ulit,okay lang ba ang bata"sabi ng lalaki at umupo

Niyakap ng bata si sharpton ng sobrang higpit at hindi tinignan ang lalaki

Bakit?bakit ganun umasta ang bata sa lalaking ito? Samantalang kay sharpton ay okay siya?......

"siguro lumayo ka muna at baka na trauma ang bata"sabi ko dito at pinalayo

"Kailangan bang ipaospital ang bata?"sabi ulit nito

"Hindi na kaylangan at ano ba ang pangalan ng companyang may ari ng truck nayan?"sabi ko dito

"ahm?...truck ko yan matagal na may nag rent kasi at ngayon ay iuuwi ko na at hindi ko namalayan na may bata pala sa daanan dahil sobrang dilim"sabi ng lalaki

Tinignan ko lang ang lalaki na ito at pinagmamasdan kung totoo ba lahat ng sinasabi nito

"By the way i am Lynch matagal na akong nag rerent ng mga truck..."sabi nito saakin, tumango lang ako at inalok ang kamay ko sa kamay niya

"Tanasia..."sabi ko dito sabay bitaw sa kamay niya

"Sure kayong okay lang ang bata ah mauuna na ako"sabi nito at tumango lang ako bilang sangayon

Sumakay na ulit sa truck ang lalaki at ako naman ay pumunta kay sharpton

"mister umalis na po ba ang lalaki?"tanong ng bata kay sharpton habang nakayakap

"anong meron sa kanya?"tanong ni sharpton at tinayo ng maayos ang bata

"w-wala po..."sabi ng bata at napatingin saakin

"sino po siya?"tanong nito kay sharpton

"boss ko siya"sabi naman ni sharpton at nagtaka naman ang mukha ng bata

"ano po yung boss?"tanong ng bata

Bumulong si sharpton sa tenga ng bata at bahagyang natawa, tinignan ko ang reaksyon ng bata pero mas lalo lang itong nag taka

"Ano po yung maldita??"malakas na sabi ng bata nataranta naman si sharpton sa tanong nito

"shhhh!!!! Mabait ibig sabihin nun hehehe"napakamot to sa ulo at napatingin saakin sabay lunok





My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now