CHAPTER 30

74 6 0
                                    

Sharpton POV

Dahan dahan ako dumilat at bahagyang nasilaw sa ilaw

Nilibot ko ang mata ko at nasa isa akong kwarto, napatingin ako sa left hand ko na may dextrose

Umupo ako sa pagkakahiga pero nagulat ako ng biglang tumambad saakin ang mukha ni tanasia na nakasimangot at parang sobrang sama ng araw niya na makita na gising na ulit ako

Hindi ko siya nakita kanina?? San siya nanggaling?? Sesermonan niya kaya ako?...

"saan ka pupunta??mag pahinga ka muna dyan..."sabi ni tanasia at bigla akong tinulak dahilan ng pagbalik ko sa pagkakahiga

Bumuntong hininga ako at pumikit ulit dahil hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang mga sasabihin ko sa kanya

"I'm so sorry talaga miss--i mean tanasia hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari saakin at nag sorry naman agad ako sayo dahil alam kong mawawalan na ako ng malay"sunod sunod na sabi ko dito habang nakapikit parin

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni tanasia at nararamdaman ko na lumalapit siya saakin ng mabagal dahilan ng pag lunok ko

Oh no!! Please tulungan niyo ako!! Hindi ko maramdaman kung galit ba siya saakin or sa mga nagawa ko dahil pag galit ito ay magbibitaw ito ng maraming salita at halos lumubog ako sa pagkakahiga pag narinig ko ang mga iyon....

"look..."sabi nito saakin at dahan dahan akong dumilat at tinignan ko ang pinapakita niya saakin na picture ng isang batang sanggol

"ah? Anong meron dyaan? a-anak mo?"pahina ng pahinang tanong ko dito at ang mukha nito ay biglang sumama ang awra at humigpit ang pagkakahawak sa picture

No!!sharpton wag mo na siyang bad tripin dahil baka tumungo tayo sa operation room niyan dahil baka saksakin nalang ako bigla!! Pero magagawa niya kaya sakin yun??

Bigla akong nag taka sa sarili kong inisip at napatingin sa mismong mata niya

"Sharpton gusto mo ba makatikim ng---"sabi ni tanasia pero sumabat ako bigla

"baka magawa mo saakin??"mayabang kong sabi sa kanya at ang awra nito ay maslalong nagalit

"okay..."biglang bulong nito at may kinuha sa bag niya

"Hindi!! Hindi!! Joke lang yun tanasia please wag mong seryosohin!!"malakas na sigaw ko at umatras sa pag kakahiga

Napatingin siya bigla saakin at nag taka, may nilabas siya sa bag niya na pagkain

"anong pinagsasasabi mo dyan ah?? Papatikim ko lang sana sayo ang nabili ko sa online na sushi tss..."sabi nito at lumapit saakin

Wait ano daw? So mali ako ng iniisip? Napaka kitid talaga ng utak mo sharpton!!...

Napakamot ako sa ulo dahil sa inisip ko, lumapit saakin si tanasia na dala ang sushi

Iniabot saakin ni tanasia ang sushi at chopstick

"marunong kaba gumamit niyan??"tanong saakin ni tanasia at napatingin ako sa kanya

"h-hindi...pwede mo ba akong turuan??"nahihiya kong sabi dito dahil ang tanda tanda ko na pero hindi ako marunong gumamit ng dalawang stick na ito

Kinuha saakin ni tanasia ito at ginawa niya sa sarili niyang kamay, at binigay niya ulit sakin

"gayahin mo..."sabi nito

Agad naman akong nag taka at walang nagawa kundi gayahin ang ginawa niya kahit mali mali pa pinaggagawa ko at memagawa lang

"paano ako matututo eh isang beses mo lang pinakita at parang hindi mo naman tinuro??"reklamo ko dito

"wow!! Sige pag nanonood ka sa internet ng tutorial diba pinapakita lang nila?"sabi nito saakin at agad naman akong umiling

"eh ikaw nandito na mismo eh kaya ituro mo na saakin kung pano ang pag hawak"sabi ko sa kanya at ngumiwi ito saakin

"parang bata...akin na nga!"sabi nito sabay hablot sa kamay ko inayos niya ito at hinawakan niya bigla ang kamay ko

Wag kang mag isip ng iba sharpton!!!nag papaturo ka diba? Anak ng tipaklong na utak to

Pinasok niya ang dalawang stick sa kamay ko at inayos niya ito, napatingin ako sa mukha niya na seryoso sa pag lalagay sa kamay ko

"subukan mo nga!"sabi nito at ginawa ko naman pero mali parin kaya agad nitong hinawakan ang kamay ko at tinuruan ako kung paano ito mag bukas at mag sarado

Bakit ganito ang nararamdaman ko?? Kakaiba parang nahihiya ako at pinapawisan kahit na malamig naman dito sa kwarto....

Tumingin saakin si tanasia at binigyan ako ng nagtatakang tingin kaya agad akong umiling at tumingin sa chopstick at nakahawak parin ang kamay niya sa kamay ko

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at agad naman kaming na panic ni tanasia, nilagay ko sa lamesa ang pagkain at chopstick, si tanasia naman ay kunwaring nakaupo at may hinahanap sa bag niya

"Hello good morning!!!"sigaw ni margo at malakas na sinarado ang pinto

Wait anong sabi niya? Good morning? Eh dba gabi na...

Tumingin ako sa wall clock at nakita ko na 8:30 ng umaga, at may naramdaman akong humawak sa bandang binti ko

"gising kana pala! Kamusta pakiramdam mo??"nagulat ako kay margo ng bigla nitong hawakan ang noo ko

"o-okay naman..."tangi kong nasagot sa kanya

"nako medyo may sinat kapa minsan kasi mag ingat ka baby..."sabi ni margo saakin at binigyan ako ng nagaalalang tingin

Baby?!! Ano!!!!

Napatingin ako kay tanasia ng tunawa ito ng mahina at tumingin sa bintana

Masama akong tumingin kay margo at nakatingin parin ito saakin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now