CHAPTER 10

45 8 0
                                    

Tanasia POV

Tinignan ko ang binigay na papel ni clave at sinilip ko kung may record ba ito pero wala naman

"teka ano ito?!"nagulat ako ng mabasa ko na may asawa pala siya at ang asawa nya ang hawak ko dating kaso

Kung ganun?gustong maghiganti ng babaeng ito saakin?...

Nahawakan ko dati ang kaso ng asawa nya na si Dumetri Monales at lumaban ito sa kaso, pinaninindigan nila na hindi mamamatay tao si dumetri pero hindi ko ito napagtanggol dahil nakita ko lahat ng motibo na isa nga siyang mamamatay tao, at nakulong si dumetri at namatay ito sa kulungan...

Paano na si sharpton??nanganganib na ang buhay nya...

Agad kong kinuha ang balisong ko at tumakbo ako sa parking lot sumakay ako sa kotse at pinaharurot ito

Dumaan ako sa police station at sinabi lahat ng ito

Ring!!Ring!!

Biglang tumawag si sharpton at sinagot ko agad ito

"miss tanasia,kilala ko po kung sino ang lalaki sa video, mabait ito at malabong gawin nya ang binabalak nya sa babae..."biglang sagot ni sharpton

"Sharpton umalis kana dyan!,nakita ko ang record ng asawa ng babaeng yan may pinatay siya na dalawang bata at nakulong ang asawa nya at gusto nyang ipaghiganti ito dahil namatay sa kulungan ang asawa niya..."pahina ng pahina kong sabi dito dahil alam ko na ang mangyayari

Pinatay ko ang linya at sumakay ulit ako sa kotse pinaharurot ko ito at pinark ko sa harapan ng condominum

Patadyak kong binuksan ang pintuan ng apartment at nakita ko naman si clave na mat hawak na kahoy

"itigil mo na ito clave..."sabi ko dto
Napatingin naman ito at medyo nagulat

"sa tingin mo ititigil ko ito?samantala ang asawa ko hindi niyo tinigilan..."sabi nito at halata sa mga mata nya ang galit

"then?bakit ka nag asawa ng kriminal?..."sabi ko dito

Nagulat ito at dahan dahan ibinaba ang kahoy na hawak nya

"wait parang naririnig ko na ang mga friends ko"sabi ko sa kanya at biglang nag sipasok ang mga police at inaretso siya

Too easy....

Sharpton POV

Narinig ko ang boses ni tanasia sa labas at agad naman akong umupo at pinunasan ko ang dugo ko sa noo

Tinakpan ko ito gamit ang buhok ko para hindi na siya mag alala at mainis

Pinagpagan ko naman ang damit ko dahil may bakat ito ng sapatos ni clave

"Sharpton?"sabi ni tanasia na kakapasok lang sa kwarto

"Miss tanasia!"sabi ko dito at tumayo lumapit naman ito saakin at pinagmasdan ang katawan ko

"pinalo kaba nya?"tanong nito,agad akong umiling

Pinanlisikan niya naman ako ng mata na pinagmamasdan nya kung may tinatago ako

"lika na lumabas na tayo ang init dito"palusot ko dito

Lumabas naman ito at sumunod ako pero huminto din ako bigla ng naramdaman kong nahihilo ako

"ah!"mahinang sigaw ko dahil sumakit ito

Napatingin naman bigla si tanasia saakin at lumapit

"Okay kalang ba?"tanong nito

Pumikit muna ako sandali at tumingin sa kanya

"o-okay lang ako tara na"sabi ko dito at nagulat naman itong tumingin sa mukha ko

"you're bleeding!"sabi nito saakin at hinila ako sa upuan

"anong dumudugo?"sabi ko at hinawakan ko ang noo ko

Syems nahuli nya ako...

"pinalo ka niya sa ulo?"sabi nito at pinisil ang pisngi ko

Tinignan nya ang sugat ko sa noo

"wala lang yan ang mahalaga na huli na si Clave..."sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa mukha ko

"gusto mo ba dalhin kita sa hospital?"tanong ni tanasia saakin

"hindi wag na uuwi nalang ako..."sabi ko dito dahil hindi ko talaga gustong pumunta sa mga hospital

"sige ihahatid nalang kita, saan kaba nakatira?"tanong nito

"wag na kaya ko naman ang sarili ko"sabi ko dito

"baka bumaksak ka sa kalsada bigla nyan kasi tignan mo dito palang halos mahilo hilo kana..."sabi nito saakin

Wala akong nagawa at pinasakay nya ako sa kotse nya

"DMCI condominium...."bulong ko dito

"so magkaparehas lang pala tayo ng condominium..."sabi nito

Tumango lang ako at tumingin sa labas ng bintana

Nakakapagod ang araw na ito at hindi ko alam kung bakit ganito ang sinapit ko...

"thank you miss tanasia..."bulong ko dto

Hindi ito nag salita at nag park lang ito ng maayos sa parking lot

Lumabas ako ng kotse nya at pumasok ng elevator pero nagulat ako ng nagmadaling pumasok dto si tanasia

Hindi kami nagkibuan at pinindot ko ang floor ko at hinintay ko sya kung pipindutin nya ang floor nya pero nag taka ako kung bakit hindi sya nag pindot

"parehas ba tayo ng floor?"tanong ko dito, pero hindi ito sumagot

Ting!!

Lumabas ako ng elevator pero bigla akong huminto dahil sinumpong ulit ang sakit ng ulo ko

Nagulat ako ng bigla ako inalalayan ni tanasia, nagpunta kami sa apartment ko at pinapasok ko naman sya

"dinaig mo pa ang apartment ko sa sobrang linis..."sabi ni tanasia at pinaupo ako

"sadyang wala lang akong magawa kaya nag linis ako.."sabi ko dto

"nasaan ang aid kit mo?"tanong tanasia

"wag na!okay na ako at maraming salamat.."sabi ko dito at tinataboy ko na palabas ng apartment ko pero mas nagulat ako ng itulak ako nito

"Anak ng!!gusto mo dagdagan natin yang sugat mo sa noo!"sigaw ni tanasia at dinuro ako sa ulo

Nako po!...lumalabas na ang sungay nya..

Wala akong nagawa kung hindi kuhain ang aid kit ko at binigay ko sakanya

Sana hindi nya pang gigilan tong noo ko...

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now