Sharpton POV
"hoy kayong dalawa lika na!!"sigaw saamin ni margo na may hawak na camera
Hays!Salamat at dumating si margo,kasi ang totoo ay may pinapahanap ako na tao at yun ang hinihinala kong pumatay sa daddy ko kaya lumapit ako kay harnold at pinahanap ko ito kaso hindi nila ito nakita....at ngayon nakita ko na siya at iimbistigahan ko nalang siya
"Para saan yan??"tanong ko kay margo at para narin maiba ang topic namin ni tanasia
"nag vivideo kami habang nilalakbay namin ang buong abandonadong lugar at titignan namin ito kung may makikita ba kaming multo"sagot ni tanasia sa tanong ko
Tumango tango nalang ako at kinuha ang camera sa kanya
"ako na lang ang mag vivideo kayo na mag lead ng daanan..."sabi ko sa kanilang dalawa, umiling naman saakin si margo
"ang nagvivideo ang mauuna sa daan at kami lang sa likod"sabi saakin ni margo napatingin naman ako sa camera na hawak ko
"edi ikaw nalang mag video"sabi ko kay margo at iaabot ko sana ang camera pero iniwas niya ang kamay niya
"ikaw na! Duwag kaba?"sabi ni margo, nagulat ako sa sinabi niya at mahinang tumawa si tanasia
"h-hindi noh!!sige na ako na mag mauuna"malakas na loob kong sabi dahil baka pag isipan nila akong duwag
Nag simula na akong mag lakad at sobrang dilim talaga at halos wala akong makita pero itinuloy ko parin hanggang sa kalagitnaan ay tumigil ako
"teka lang?may galit ba kayo saakin baki--"kinilabutan ako ng pag lingon ko ay wala pala akong kasama at hindi sumunod sila margo saakin
Fu--dge!!!!
Agad akong nag panic at hindi ko alam ang gagawin ko, tatakbo sana ako kaso may humawak sa balikat ko
"AHH!!!!!"hindi ko na napigilan sumigaw at mapaupo sa sobrang gulat at kaba
Daddy mommy wag naman kayo mag multo ngayon!!!
"what the hell...."biglang bulong saakin ni tanasia at binuksan ang flashlight
Napahawak ako sa leeg ko at nag kunware na masakit ito kaya ako sumigaw at umupo
Uh oh.....baka pagkamalan akong bakla nito, at hindi ko naman alam na may kasama pala ako dahil sobrang dilim
"nandyan kalang pala.."sabi ko at ang sama ng tingin nito saakin
"sinusubukan ko kung hanggang saan ang tapang mo sa dilim pero...."sabi nito at tinignan ako
"humapdi ang leeg ko kaya ako sumigaw...at hindi ako natakot"dahilan ko dito pero natakot talaga ako
"talaga lang huh?"sabi nito at ngumisi, naglakad na ito paalis
"teka lang!!"sigaw kong pahabol dito at sumunod naman ako sa kanya paalis
"hindi mo parin sinasagot ang tanong ko sayo sharpton.."sabi nito at nag patuloy parin kami sa paglakad
Napaisip naman ako kung anong tanong ang sinasabi niya,yun pala ay kung bakit kami mag kakilala ni harnold
"yung kay harnold ba?"tanong ko pero hindi niya ako sinagot
"nag kakilala kami dahil humingi ako sa kanila ng tulong at naging magkaibigan na kami"
"anong hinihingi mong tulong?"tanong naman nito
"w-wala...hehehe"sabi at tumingin kung saan saan
"ano ba tinatago mo?mapagkakatiwalaan naman ako"sabi nito habang nanlilisik ang mata niya na nakatingin saakin at sabay kaming huminto sa paglakad
Sasabihin ko ba sakanya? Baka kasi traydorin niya ako at sabihin sa tatay niya na pinatay niya ang daddy ko...
Napalunok lang ako at kung ano ano pa pinagiisip ko kung sasabihin ko ba o hindi
Umiling lang ako at aalis na sana pero hinawakan ako sa braso nito medyo natigilan ako at napatingin sa kanya
Dahan dahan ko naman inalis ang pagkakahawak nito sa braso ko
"alam mo sharpton nung unang kitang makita may hinihinala ka saamin....tama ba?"sabi ni tanasia
Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya at hindi ko akalain na malakas ang pakiramdam ng babaeng ito
Pero paano?paano niya naramdaman samantalang sobrang linis ng pakikitungo ko sakanila at isa naroon sa tatay niya na matagal ko ng pinaghihinalahan na pumatay sa daddy ko....
"sumagot ka..."sabi ni tanasia
Napatitig lang ako sa kanya at wala akong sinagot
"hoy kayong dalawa dyan!! Puro kayo chikahan halos hindi na kayo nag video"sigaw ni margo saamin sa hindi kalayuan
Ewan ko ba kung bakit laging perfect timing si margo tuwing naguusap kami ni tanasia kapag nahihirapan na ako sa isasagot ko sa kanya
Tumingin lang ako ng isang beses kay tanasia na naka poker face at umalis na agad ako
Lumapit ako kay margo at binigay dito ang camera niya
"may na videohan ka ba talaga?"sabi saakin ni margo at sinilip ang camera niya
"oo halos 6 mins din yun!"proud kong sabi at nginiwian ako nito
"ano kaya yun? Dapat mga 1hour or 45 mins man lang"sabi nito
Tinapik ko ito sa balikat at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para may ibulong
"mauuna na ako ipaalam mo nalang ako kay miss tanasia"sabi ko dito at aalis na
Mabilis akong tumakbo kung saan naka park ang kotse ko at pumasok ako dito.nilock ko na rin ang pinto baka kasi sumulpot pa sila harnold dito
KNOCK!!KNOCK!!
Napatingin ako sa bintana at agad akong nagulat ng nakasilip dito si tanasia na seryoso parin ang mukha
Kahit kailan talaga mukha siyang mamamatay tao..
Binuksan ko ng dahan dahan ang bintana at pekeng ngumiti
"yes miss tanasia??"sabi ko dito
"inuulit ko lang na sabi ko nga ay pumasok ka ng maaga sa monday dahil ayaw na ayaw kong may nalalate..."sabi nito at tinapik tapik pa ng malakas ang bubong ng kotse ko, tinanguan ko naman ito bilang sang ayon
"mag ingat pag uwi....papakasalan ka pa daw ni margo"sabi nito sabay ngisi at umalis na
Wait?Ano daw?!
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.