Tanasia POV
Nanlisik ang mata ko ng makita ko si rex na pinagtitripan si sharpton
Dahil dito ay bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanila
Dinakma ni rex si sharpton at sasapakin nya sana to kaso agad kong nahawakan ang kamay nya
Napatingin ito saakin at galit na galit pero nawala agad ito ng makita nya ang mukha ko
"t-tanasia..."sabi ni rex saakin
"anong kalokohan nanaman ito rex?"sabi ko dto
"ito naba yung bago mong assistant? Bat hindi nalang ako"sabi nito
"tshh? Pano kita magiging assistant eh yung ugali mo palang sobrang pangit na"sabi ko dto
"bayaran mo rin ang sinira mong cellphone na hindi naman sayo"sabi ko dto
"hindi na..."sabi ni sharpton at pinulot nya ang sira nyang cellphone
"narinig mo iyon tanasia??hindi na daw"sabi ni rex at nginisian ako
Napatingin ako kay sharpton at sakto rin na nakatingin sya saakin
"anong hindi na??"galit kong sabi sakanya
"okay lng ako miss tanasia at thank you,kung hindi dahil sayo may pasa na ako sa mukha ngayon"sabi ni sharpton at ngumiti
Kinuha nya ang memory card nya at tinapon nya sa basurahan ang cellphone nya
at nag abang na sya ng sasakyan nya sa bus station
Tss...anong ugali kaya yun?
Umiling muna ako at nagpaalam na ako kay rex, sumakay nako ng kotse at pinaandar ito
Ng makapag park na ako sa parking lot ay tumunganga muna ako at nag isip isip
Bakit iniwan kami ni clarc ng walang paalam..kahapon ay nagpapaalam sya saamin pero bat hindi sya nagsabi na literal na aalis na talaga sya...
Dahan dahan tumulo ang luha ko dahil sa lungkot,para bang nawala ang kabilang parte ng aking puso
Naisip ko ulit ng mga panahong namatay ang aking nanay
Flashback
Niyakap ako ni mommy para tumahan na ako sa sugat ko sa tuhod
Tinuturuan kasi niya akong magbisikleta pero sa kasamaang palad ay nagkamali ako at natumba"tama na iyak baby, bibilhan ka ni mommy ng ice cream tapos uuwi na tayo manonood tyo ng movie"naka ngiting sabi ni mommy saakin
Dahan dahan ay nawala ang luha ko at napangiti narin ako
"stay ka lng dyan ah bantayan mo lng si kenky babalik din agad si mommy"ang tinutukoy ni mommy na si kenky ay ang aso naming siberian husky na 4 months palang
Nilibot ko ang paningin ko sa park at lahat ng tao na nakakakita saakin ay nginingitian ako at kinakawayan
Sandali lng ay tumingin ako kay kenky pero mas nagulat ako ng wala na ito sa tabi ko
Tumayo ako at hinanap sya nakita ko sya sa harapan ng daanan kaya agad akong lumapit dto
Kinuha ko sya at yinakap
PEEP!! PEEP!!
Nagulat ako ng makarinig ako ng sobrang lakas na busina ng kotse, ang bilis ng harurot nito
"Tanasia!!!Baby!!"nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ni mommy, binuhat nya ako at naibato nya ako sa gilid
Agad naman akong gumulong gulong
At tinulungan ako ng mga tao tumayoLahat sila ay gulat na gulat sa nangyari
Lumingon ako at nakita ko si mommy na duguan at hawak nya si kenky na duguan rin
Tumakbo ako sa kanila at niyakap ko si mommy at tumulo ang luha ko
"Mommy wake up!"sabi ko dto at ginigising ko sya
"b-baby?o-okay k-kalang ba?"tanong saakin ni mommy at hinaplos ang pisngi ko at yumakap ako sa kanya ng mahigpit
"l-love na love k-ka ni m-mommy ah.."nahihirapan ni mommy na sabi saakin
"sabihin m-mo rin k-kay daddy m-mo na mahal na m-mahal ko k-kayong dalawa"sabi ni mommy at yinakap nya ako
Naramdaman ko na umiiyak din sya dahil ang luha nya ay tumutulo sa mukha ko
"opo mommy, wag nyo po ako iiwan..."bulong ko kay mommy
"wag k-kang mag alala....b-baby l-lagi m-mo lng akong n-nasa t-tabi..."sabi ni mommy at naramdaman ko ang labi nya sa pisngi ko
Dahan dahan bumigay ang yakap ni mommy saakin, hindi tumigil ang luha ko sa pagbagsak
Tinignan ko ang lahat ng tao na nakatingin saakin at ang iba naman ay pinipicturan pa ako
Bakit ganun?mas inuuna nila kaming kunan ng litrato bago nila tulungan ang mommy ko at tinititigan lng nila kami imbis na tumawag na sila ng ambulansya?
Yumakap lng ako kay mommy at hindi ko pinansin ang mga taong naka palibot saamin
End of flashback
Halos si margo at si clarc lng ang kayang magpangiti saakin pero ngayon ay iniwan na kami ni clarc ay bumabalik nanaman ang aking lungkot na nararamdaman
Pinunas ko ang luha ko at kinuha ko ang mga papeles ko
Lumabas na ako ng kotse at sumakay na ako ng elevator
Naalala ko ang lalaki na nakasabay ko dto kahapon, nag taka ako sa sinabi nya kahapon na papasayahin nya daw ang isang tao gamit ang mga ngiti nya at hindi nya daw ito susukuan
Mapapasaya nga ba ang isang tao gamit ang isang napakagandang ngiti?
Depende siguro kung nakakawala ng stress na makita mo ang isang tao na masaya at walang iniisip na problema...pero para saakin hindi ko masasabi na makakasaya din saakin ang makita ang isang tao na nakangiti dahil hindi naman kami parehas ng kalagayan...Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko na kasagutan para sa sarili kong opinyon
Ting!!
Nagulat ako ng bumukas ang pintuan ng elevator, tumingin ako sa napindot kong number ng floor
4
Napahilamos ako dahil sa kamalian na ginawa ko, sinarado ko ulit ang pinto at pinindot ko ang 8floor

YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
AçãoSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.