CHAPTER 23

25 7 0
                                    

Sharpton POV

Habang pinapanood ko silang magkayakap ay biglang sumikip ang dibdib ko na para bang nasaktan ako dito

Bakit? Bakit ako nasasaktan sa mga pangyayaring ito? Normal lang ba ito? O hindi kaya nag seselos lang ako kasi close agad sila.....

Biglang may umakbay saakin at napatingin naman ako dito

"ang ganda ng kotse mo tol ito na yung susi mo maraming salamat at dinala ko na din pala siya..."sabi ni rex at itinuro kung saan nakalagay ang kotse ko

Bumuntong hininga ako at tumango bilang sagot na narinig ko ang mga sinabi niya

"okay ka lang ba?..."tanong nito saakin dahil bigla akong tumamlay at nalungkot

"a-ah okay lang ako.."sagot ko dito at tinapik niya naman ang likod ko

"samahan mo nalang kami pupunta kami sa bangkay at titignan ito..."sabi ni rex saakin at agad namang tumaas ang balahibo ko sa kamay

"Wag na...ayaw ko"sabi ko dito pero hinila niya ako dahil naka akbay parin ito saakin

"para ka namang bakla...basta sumama ka"sabi nito saakin

Napalunok nalang ako at walang nagawa kundi mag suot ng gloves at face mask para dito sa bangkay

Pumunta kami dito ni rex at inimbistigahan niya ito

Tumunganga lang ako at pinagmasdan ang mga pinaggagawa niya dito,tinitignan niya ang pag kakahiwa ng leeg nito at pag ka pako sa kamay

Parang gusto ko sumuka....

Ang totoo ay ngayon lang ako nakakita ulit ng patay at ganito pa ang pagkakagawa kaya hindi ko maiwasan kabahan tuwing nakikita ko ito

"Hoy ikaw sharpton ayaw ko ba akong tulungan dito??"sabi ni rex pero agad akong umiling

Napatingin ako sa mukha ng bangkay at may nahalata ako sa noo nito

Aishh!!!ayaw kong lumapit pero nacucurious ako dito...

Umiling iling ako at sa iba nalang tumingin para hindi ayun ang maging atensyon ko

"Hoy rex!!! Halika ka nga dito!"sigaw ng isang police sa labas

"Teka lang!!"sigaw naman ni rex at tinanggal ang gloves niya at lumabas

Agad akong lumapit sa bangkay at tinitigan ang noo nito

Bakit?bakit siya may paso sa noo??

Ang noo nito ay para bang pinaso ng sigarilyo pero hindi medyo halata at nadiinan

"kung ganun nasaan ang sigarilyo?"bulong ko sa sarili ko at tumingin sa bandang paa niya pero wala dito

Nag libot ako ng  kwarto at may nakita akong nagiisang basurahan

Lumapit ako dito at hinalungkat ko ito at may nakita akong isang kapiraso ng sigarilyo at tinitigan ko kung ano ang brand nito

Vogue?....parang ngayon ko lang nabasa ang sigarilyong ito..

Binulsa ko ito at inayos ko ulit ang basura para walang makaalam na  hinalungkat ko ito

"Sharpton?"napatingin ako kay tanasia na nakatayo ngayon sa labas ng kwarto at naka tingin saakin

Nakita niya kaya yung ginawa ko?...

"Nakita mo ito?..."sabi ulit ni tanasia at onti onting lumapit sa bangkay

Hindi ko ito pinansin at lumabas ako pero bigla akong hinatak nito sa braso

"kinakausap kita dba?"sabi ni tanasia saakin

"Obvious naman tanasia? Ako pinalibot mo dito.."sabi ko dito at tumalikod na

"bakit kaba nag kakaganyan sakin?"sabi naman ni tanasia

Hindi ko ito pinansin pero naka talikod parin ako sa kanya

"nag seselos kaba? Dahil dumating ang dati kong assistant?"sabi nanaman nito pero hindi ko ito pinansin

Dating assistant?....Naalala ko ang mukha ng lalaking yun siya ang nakasabay ko sa elevator nung magkikita kami ni doctor han sa park dahil mag papaturo ako mag cellphone....

"Hoy!!!nakikinig kaba sharpton??"nagulat ako ng bigla akong niyugyog ni tanasia na ngayon ay nasa harapan ko na

"S-sandali lang tanasia..."sabi ko dito at iniwan ko siya sa kwarto,lumabas ako sa bahay nayun

Kung ganun?....hindi talaga umalis ang lalaking yan pero bakit niya iniwan si tanasia?....ano kayang dahilan niya?

"excuse me sir okay kalang ba?"nagulat nanaman ako dahil may nagsalita nanaman sa tabi ko

Tinignan ko ito at si clarc ito ang lalaking dating assistant ni tanasia

Babalik kaya siya sa pagiging assistant? Kung ganun paano ako?

"okay lang ako...."sagot ko dito at ngumiti naman ito saakin at bigla niyang ibinigay ang kamay niya saakin

"Clarc Lin Adler"sabi nito at tinanggap ko naman ang kamay niya

"Sharpton Levs...."sabi ko dito

"apilyedo???..."sabi nito at binigyan ako ng nagtatakang tingin

"Serilio.."pilit kong sabi dito at ngumiti naman siya saakin

"Kaya pala kamukha mo si tonny serilio kasi tatay mo siya...."sabi nito

So what dude?...

"friends?"sabi nito saakin at tumango nalang ako bilang sangayon

Una sa lahat ayaw ko sa lalaking ito para kasing may tinatago siya or mapanginsulto na lalaki...

Nag pamulsa na lang ako at umalis sa pwestong yun para hindi ako kulitin

Habang tumatagal ay nawawala nako sa sarili ko para bang nahihilo ako dahil sa nakita kong bangkay

"tsk.."bulong  at napakamot sa ulo ko

Matagal tagal narin na hindi ako nakakita ng bangkay dahil ang huling kita ko dito ay ang mommy kong naka bigti sa kwarto niya....at sa mismong birthday ko pa...

Sumikip ang dibdib ko dahil matagal ko ng nakalimutan ito pero naalala ko ulit

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pumasok ako sa loob ng kotse ko

Nilibot ko ang mata ko sa buong bahay na punong puno ng police at mga investigator pero may isa akong napansin.....

Nakatitig saakin si clarc at parang nakikita niya ako sa loob ng kotse, ngumisi naman ito saakin

Weird....

Binuksan ko ang makina ng kotse ko at umalis na sa bahay na iyon

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now