Chapter 4: The HIMs

260 19 0
                                    

BLUE

KRRNG! KRRNG! KRRNG!

Nagising na lang ako sa lakas ng ingay na nagmula sa aking alarm clock. Dali-dali naman akong tumayo sa aking pagkakahiga nang biglang---

“AARGH!” sigaw ko sa tindi ng sakit.

Hindi ako tuluyang makatayo dahil sa tindi nang sakit sa aking tuhod at paa. Siguro dulot ito sa paglalakad ko kahapon papuntang Bldg. 3. Tiningnan ko ang aking class schedule at 7:30 pala ang first period namin ngayon. Kinuha ko ang phone ko at---

“Sh*t! 7:15 na? Malelate na ako nito!” I bursted out.

Dali-dali akong tumayo at sumakit na naman ang aking mga paa. Tiniis ko na lang ang sakit at pumunta na sa banyo. Sinadya kong gamitin ang aking 3-in-1 wash kasi wala na akong oras. Pagkatapos kong maligo ay mabilisan ko nang isinuot ang aking uniform at hindi na nagsuklay. Hoping that I won’t look messy today.

I have only 9 minutes left to walk papuntang STEM Building.

Umalis na ako ng dorm dala ang bag ko which packed my necessary things. Hindi na ako nag-almusal kasi malamang malelate na talaga ako.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papuntang Bldg. 3 nang nakita ko si Sir Jess, which is our instructor for today's first period, na nahihirapan na magdala ng mga gamit. Napangiti naman ako kasi alam ko na hindi ako malelate. Dali-dali kong pinuntahan si Sir upang tulungan.

“Oh! Good morning Sir. May I help you?” I offered my hand to him.

“Oh God! Yes, Mr. Lim. Kindly bring this instructional materials to your classroom so that we can start our first discussion already,” sagot ni Sir Jess. I can smell his manly perfume over here.

Ibinigay niya sa akin ang lahat ng dala niya kaya nagtataka ako kung pupunta ba siya sa classroom.

“Where will you go Sir?” pagtataka kong tanong.

“I need to go back to my office because I left my class record. You go first to your classroom and inform your classmates for we will be having your first examination,” Sir Jess replied that left me in awe.

“Okay, Sir,” I replied.

What!? Exam agad? Second day pa lang pero mag-eexam na.

Mabuti naman at naayos na nila ang elevator kaya ito na ang ginamit ko sa pag-akyat. Hirap na hirap akong pumasok sa elevator sa dami kong dala nang biglang nasagi nang pintuan ng elevator ang mga dala kong aklat na pinadala sa akin ni Sir Jess. Isa-isa itong nalaglag sa sahig na lumikha ng malakas na tunog.

“Sh*t! When bad luck is on your side,” I cussed.

“Psst! Words.”

Nabigla na lang ako nang may biglang nagsalita sa loob ng elevator. Hindi ko na siya namalayan kanina pagpasok dahil sa pagmamadali. Who would have thought na may ibang tao pala dito?

Wait- I entered this elevator on the ground floor and I am so sure that I am the only one who went inside. So, that means that he stayed in this elevator without going out?

“Sorry,” I replied bluntly, turning my attention to the scattered books on the floor.

Dali-dali ko nang pinulot ang mga aklat sa kahihiyan. Wait- scratch that one- I am not ashamed.

“Let me help,” he offered, picking up the other books that was on his side.

“Thank you,” I uttered.

Ibinigay niya sa akin ang napulot niyang aklat at pumwesto na ako sa tabi niya.

“Watch your step next time,” he spoke, putting his hands on the pocket of his dark blue slocks.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon