Chapter 34: The Queen's Oppression II (The Face-off)

54 11 0
                                    

BLUE

Paglabas ko sa main door ng aming dormitory ay agad ko nang tinahak ang daan papuntang Office of The Faculty ng STEM which is malayo-layo din mula sa boys’ dormitory. Habang naglalakad ako ay tanaw ko pa din ang ilang mga atletang puspusang nag-eensayo para sa nalalapit na intramurals.

Pagkarating ko sa STEM Building, agad ko nang tinahak ang daan papuntang Office of The Faculty na matatagpuan sa ground floor. Hindi pa ako nakapasok sa opisinang ito kaya wala akong kaalam-alam kung anong sasalubong sa akin. Tiningnan ko ang mga nakapaskil sa mga pintuan ng mga rooms na aking dinadaanan hanggang narating ko ang isang pintuan na may nakalagay na “Office of The Faculty”. Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses at dahan-dahang pinihit ang door knob. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin mula sa aircon nang mabuksan ko ito.

Mukhang busy ang lahat ng mga tao sa loob kaya walang nakapansin sa aking pagpasok. Lahat ay nakaharap sa kani-kanilang laptop. May iilan ding nagche-check ng mga test papers kasi katatapos lang ng aming examination.

Dali-dali kong hinanap ang desk ni Sir Jess, ngunit nahilo na lang ako sa kakalibot at hindi ko siya mahagilap.

Ano ba naman ‘tong si Sir Jess? Ang hirap hagilapin, mataba naman sana,” bulong ko sa aking sarili.

Yes, Sir Dela Cuesta is quite fat. Mataas ang kanyang tindig at may kaputian. Kutis mayaman kumbaga.

Wala na akong magawa kasi parang nakaubos na ako ng sampung minuto sa kakahanap sa kanya. Naisipan kong magtanong-tanong sa ilang mga guro na nandito kung saan matatagpuan ang desk ni Sir Jess. Hindi ko kilala ang mga gurong nandito kaya naghanap na naman ako ng kahit isa sa mga instructor namin. Magtatanong nga ako para hindi na maghanap pero kailangan ko pa ring maghanap para may mapagtanungan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako. Hinintay kong iluwa nito kung sino man ang nagbukas nito at eksaktong iniluwa nito ang isa sa aming instructor. Agad kong nilapitan si Mrs. Legazpi na may dalang mga test papers.

“Good afternoon Mrs. Legazpi,” bati ko sa kanya.

“Oh, Mr. Lim!” gulat niyang sabi. Nagtataka siguro siya kung bakit ako nandito. “Good afternoon. Why you’re here?” tanong niya sa akin.

Naglakad na siya papuntang table niya kaya sinundan ko siya.

“A friend of mine called me that Sir Dela Cuesta wants to see me, but the problem is, I don’t know where’s the spot of Sir Dela Cuesta,” sagot ko kay Mrs. Legazpi na ngayon ay nakaupo na sa kanyang upuan.

“Ah, I see. He’s at the opposite room. That’s the room for the male teachers,” tugon niya sa akin.

What? So that means this is the room for the female teachers?

Tiningnan ko ang paligid at tama nga ang aking iniisip. Puro mga babaeng guro ang nandito. Wala akong nakikitang bakas na may lalaking guro na nandito. Hindi ko naman alam na ganito pala dito sa Office of The Faculty.

Nagpasalamat na lang ako kay Mrs. Legazpi at agad na tinungo ang kabilang room. Gaya ng inaasahan, bumungad sa akin ang mga lalaking guro dito. Nilibot ko ang buong kwarto hanggang sa mahagip ng aking dalawang mata ang nakatalikod na si Sir Jess. Gaya ng ilan, nakaharap din siya sa kanyang laptop at may kung anu-anong ginagawa.

“AHRMMM!”

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng nakaupong guro.

“Good afternoon Sir! Mr. Valeriano told that you are looking for me,” straight to the point kong sabi sa kanya.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon