BLUE
Lumipas ang mga araw na pagod na pagod ang mga estudyante sa Northville. Nalalapit na kasi ang midterm examination namin at panay bigay pa ng mga assignments at projects ang mga subject teachers. May iilan pang mga instructor na nagbibigay ng hurry projects. ‘Yong ngayon lang nila sinabi na ganyan ang project niyo tapos bukas na ang deadline. What the f*ck! Are they serious? Dagdag pa ang mga paghahanda para sa nalalapit na Intramurals. Next week na kasi ang examination tapos sa susunod na naman na linggo ang aming week-long Intramurals. Para kami nitong sumali sa boxing na katatapos mo pa lang sa 12 rounds, isasalang ka na naman ng 12 rounds. As in bugbog-sarado talaga.
Nandito kami ngayong tatlo sa library. Halos okupado na din ang lahat ng mga mesa dito kasi sa dami ng estudyanteng gumagawa ng kani-kanilang proyekto. Mabuti at nakapagpa-reserve na si Bianca bago pa kami dumating dito. Nakaharap sa kani-kanilang laptop ang ilang mga estudyante habang ang iba naman ay naghahanap ng mga libro na pwede nilang gamitin bilang references sa kanilang mga research project.
May nakikita na rin akong mga estudyante na inis na inis na dahil nagkandaguga na ang kanilang mga gagawin. Nandito naman sa harapan ko ang mukhang halos magkasalubong na ang mga kilay dahil sa inis ng kanyang mga ginagawa. Halos hindi ko na siya makita dahil sa dami ng libro na nakapatong sa harapan niya. Puro mga Fundamentals of Accounting ang mga ito pero iba’t-ibang version.
Si Valeriano naman hindi pa nakabalik sa aming mesa. Hinanap pa kasi niya ang mga references sa topic na napili niya para sa aming research project sa aming Biology 1. Ako naman, isang oras nang nakaharap sa monitor ng aking laptop. Tapos na kasi akong gumawa ng draft. Kaya heto, in-encode ko na. Para maprint ko na din kasi ang dami ko pa talagang gagawin.
“Hayys. Do we deserve this punishment?” Valeriano uttered, putting the thick books on our table.
Nakabalik na pala siya. May dala-dala siyang apat na makakapal na libro na kanya namang padabog na inilagay sa mesa. Kanina pa niyang tinatawag na “punishment” ang pagpapagawa sa amin ng mga projects kasi sobra-sobra na daw. He heaved a deep sigh before he sit at his chair.
“Valeriano, can you help me?” Bianca motioned my friend a piece of paper which I don’t know what it contains. Maybe an accounting stuff.
“Wala pa nga akong nagagawa sa mga projects ko dito! Tapos guguluhin mo na ako? ‘Wag ako Bianca,” inis na sagot ni Valeriano. Ngayon ko lang siya nakitang naiinis because of school stuffs. They look so stressed right now.
“Hayys.” I stretched my arms after I clicked the save button. “2 down, 3 to go,” I said. Natapos ko na ang dalawa kong proyekto at ready na for printing.
“Asul, tulungan mo naman ako. Please,” Bianca said with a fondness effect. Nagpapalambing lang naman ‘to sa akin kung may kailangan.
“What?” I threw my attention to her. Baka magtatampo pa ‘to kung itu-turn down ko siya.
“Help me with these numbers,” she motioned me the same piece of paper that she motioned earlier to Valeriano. I quickly grabbed and viewed it. I saw a lot of numbers in a rectangular table which represent the prices of something. May mga entries din sa table na parang gugulo lang ang utak mo kung papansinin mo. I also read some accounting terms na hindi ko alam kung anu-anong mga meaning nito.
“Eh, anong gagawin ko dito sa mga numbers?” pagtataka kong tanong. Hindi niya kasi sinabi kung anong gagawin ko dito. “I-encrypt ko ba ‘to or something?”
“Dictate mo na sa akin. May pagkabobo ka rin nuh?” she replied. Wow! Ako pa ngayon ang bobo. Siya nga ‘tong hindi nagsabi kung ano ang gagawin ko dito eh. “Sige na. Dictate mo na. Dami mong satsat diyan,” she said with a pokerface.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With HIM
Teen FictionThis is a BL novel series which portrays romantic homosexual love. The story goes with a cute guy named Christian Blue Lim. Blue was just a normal guy until he transferred to Northville Stanford University where he met the people that would change...