Chapter 17: Caught By The Teaser

98 13 0
                                    

BLUE

“Shit!” I shouted in pain when I was about to stretch my arms.

I woke up with a strained muscles. I can’t even stretch it straightly. Napilay siguro ‘to sa kaka-akay ko kay Mr. Gray kagabi. Ang bigat kasi ng unggoy. Nagpakalasing hindi naman kayang umuwi ng mag-isa.

Speaking of Mr. Gray, wala na siya sa tabi ko nang magising ako. If my memory serves right, katabi ko siyang natulog kagabi and the last thing that happened was that i received a kis—

“Stop it Blue. Gross,” bulong ng aking isipan. I didn’t punch him yet.

Iwinaksi ko na lang ang aking malaswang imahinasyon sa aking isipan. I don’t want to be destructed by those dirty thoughts with him. Baka ano pang maisip ko na pwede niyang ginawa sa akin habang natutulog ako kagabi. No way! I want to have a productive day today.

I moved up from my bed and smelled something good in the kitchen. I also heard some clatters of kitchen utensils.

“Someone is cooking, but who?” tanong ko sa aking isipan.

It would be possible if it is Manang Esther because she knew my room number. But on the other hand, she’s the only servant that we had in our house kaya hindi siya pwedeng pumunta dito sa dorm ko para paglutuan lang ako ng umagahan. Pangalawa pa, wala siyang hawak na room key kaya imposibleng makapasok siya dito. So, it only leaves us who are inside in the room and that is me and Mr. Gray.

“Don’t tell me, Mr. Gray cooked for today!” my mind exclaimed.

“What!?” I exclaimed.

Dali-dali akong bumaba sa kama at tumakbo papuntang kusina. Sa doorway pa lang, natanaw ko na ang dapat kong makita. I saw the rearview of his tall statue standing in front of the stove while holding a frying ladle. He’s probably frying. Suot pa rin niya ang white shirt at boxer shorts niya kagabi. Alangan naman bihisan ko siya di ba. Baka isipin pa niya na pinagsasamantalahan ko siya.

Humakbang ako papunta sa water dispenser para kumuha ng tubig pangmumog. Napansin niya siguro ako kaya humarap siya sa akin.

“You’re hungry?” he asked me with his husky voice which made him hotter. Shit!

“Nope,” tipid kong sagot. I have this feeling that I don’t want to interact with him early in the morning.

“Sure?” ibinalik na niya ang kanyang atensyon sa maliit na kawali na kanyang pinagpi-prituhan.

“Yes!” padabog kong sagot pero parang hindi nakipagtulungan ang aking tiyan. Narinig ko kasi itong tumunog. Kaya biglang naging awkward ang atmosphere namin ngayon.

“Hindi pala ha,” nakakaloko niyang sambit.

“Tssk! Oo na,” I surrendered. Gutom na talaga ako kanina pa. Nilagay ko na ang ginamit kong baso kanina.

“Kumain ka na! Maaga pa klase mo di ba?” tugon niya sa akin. “May gatas na din doon sa dining table. Baka hindi mo nakita,” dagdag niya.

Oo nga no? May klase pa pala ako ngayon. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang relo ko at—

“What the heck! 7:20 na? 7:30 ang first subject ko!” singhal ko sa buong kusina.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon