A/N: Happy father's day sa lahat ng mga haligi ng tahanan! Greetings from InnocentBlueLover.
BLUE
I am now heading to Ninoy Aquino International Airport (NAIA) because today is the day where my twin brother and my Dad will arrive home. Nasa airport na sina Mom at Manong Jepoy dahil maaga silang pumunta doon. Galing pa ako sa Northville kaya I brought my own car with me. Hindi din naman kami magkasya lahat kung doon lang kami sa car ni Mommy lahat aangkas. Sinabihan ko rin si Valeriano na sumama sa akin pero uuwi daw siya sa Batangas. Doon daw siya magce-celebrate ng Fathers' Day sa bahay nila. Doon na lang daw siya pupunta sa bahay namin. It's still 8:45 in the morning when I took a glance at my wristwatch and based on Mint's chat, 10 o'clock sila la-landing sa airport. As of now, wala pa namang traffic sa daan.
BEEP! BEEP! BEEP!
I felt my phone suddenly vibrated. I put my wireless earphones at my ears before I picked my phone up. I saw Valeriano's caller ID. Siguro nagsisisi na 'to kung bakit hindi siya sumama sa akin.
"What's up dude? Nagsisisi ka na ba kung bakit hindi ka sumama sa akin? HAHAHA," open-statement ko sa kanya.
"Ha? Ako? Nagsisisi? Well, you still don't know me Blue. I think before I speak dude," Valeriano uttered from the other line.
"Then, bakit napatawag ka? Nakarating ka na ba sa subdivision natin?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nagda-drive.
"Gusto ko lang sabihin sayo na mag-ingat ka sa biyahe mo at tsaka..." May pa thrill-thrill pang nalalaman. "... 'yong PASALUBONG ko ha galing kay TITO Tope! Hehehe!" WOW! Kapal talaga nitong si Valeriano. May pa emphasize pa ng word na TITO tapos nakiki-TOPE na rin.
"Kapal mo talaga nuh? Sige na. Salamat sa concern mo ha kahit may kapalit." I rolled my eyes kahit hindi niya makikita. "Sige na, hang up na ako kasi nagda-drive pa ako."
"PASALUBONG HA! Bye!" pahabol niyang sagot. I then ended the call. Natawa na lang ako sa kawalan habang iniisip ang mukha ngayon ni Valeriano. Nakangiti na lang ako.
I continued driving until I entered the big entrance of NAIA. I saw my Mom's car, kaya doon ko na rin ipinark ang car ko. I first checked myself on my car's inside mirror before ako lumabas ng sasakyan. Alangan naman kung haharap ako sa maraming tao na walang ayos di ba. I just did a finger comb at inayos ng kaunti ang collar ng white long sleeves kong suot. I need to look presentable sa harap ni Dad lalong-lalo na kay Mint. Baka asarin pa ako no'n na mas pogi siya. No way! Magkamukha lang naman kami eh.
"Hi Blue!" My Mom ran towards my place and hugged me tightly. Parang isang taon kaming hindi nagkita.
"He---hello Mom." Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap ni Mom. Ang OA naman nito.
"Buti naman hindi ka na pumayat." 'Yan pa talaga ang unang-una niyang sasabihin? Should I take it as a compliment or not.
"'Yan pa talaga Mom? Ayaw ko na pong magmukhang kalansay nuh," biro ko sa kanya. Kada-school year kasi, pumapayat talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Kumakain naman ako ng tama.
"Ganyan dapat. Walang Lim na pangit. Tandaan mo!" He pinched my nose na parang hindi na niya bibitawan.
"Mom, masakit na po." Halos mamula-mula na ang ilong ko sa pinaggagawa ni Mom. Buti na lang binitawan na niya.
"Lalo kang pumogi Sir Blue, ha!" komento ni Manong Jepoy sa 'kin. What happened to them? Ako lang naman 'to ah.
"Si Manong Jepoy naman oh! Blue na lang po ang itawag mo sa 'kin. Naiilang kasi ako sa Sir. Hehehe." Honestly, naiilang talaga ako everytime na tinatawag ako na Sir nina Manong Jepoy at Manang Esther.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With HIM
Teen FictionThis is a BL novel series which portrays romantic homosexual love. The story goes with a cute guy named Christian Blue Lim. Blue was just a normal guy until he transferred to Northville Stanford University where he met the people that would change...