FATHERS DAY SPECIAL II

100 15 0
                                    

A/N: This will be the second part of our FATHERS DAY SPECIAL. Enjoy reading mga Inosenteng Asul!

BLUE

“Manang, nasaan na ba sina Dad at Mom?” tanong ni Mint kay Manang Esther.

“Patungo na sila dito sa loob.” Kasalukuyang hawak ni Manang ang tarpaulin na may picture ni Dad at may naka-print na "HAPPY FATHERS DAY!" habang hawak namin ni Mint ang tig-iisang party popper.

This is the reason why he dragged me badly lately. He don’t want to delay the surprise set-up for Dad’s celebration of Fathers Day.
Kaya no’ng sinabi ko sa kanya na muntik ko nang makalimutan ang sorpresa namin para kay Daddy, nainis talaga siya. Eh, kasalanan ko ba kung muntikan ko nang makalimutan dahil sa sweetness na nakita ko kina Dad at Mommy kanina.

We also made Mom and Manang Esther our accomplices. We asked Manang to cook for Dad’s favorite dishes like pork adobo and chicken menudo. Nag-order na rin ako ng cake kanina at doon ko na sa kusina pinadaan ang delivery boy para hindi magtaka si Daddy kung bakit may cake na dumating. And for Mommy, siya ‘yong ginawa naming distraction kay Dad para hindi siya makapasok dito sa loob while we prepare for the surprise. Ayaw naming matunugan ni Dad na mayroon kaming ginagawang sorpresa kaya bumibisita din kami sa garden para bigyan sila ng makakain at maiinom. We don’t want to put our efforts in vain.

“Andyan na sila Sir Tope!” sabi sa amin ni Manang na gigil na gigil na para sa sorpresa. I can see the excitement on her eyes. Hindi na namin nilagyan ng blindfold si Daddy kasi kung gagawin namin ‘yon, edi alam na niya na may sorpresang naghihintay sa kanya. Kaya dapat pagtapak pa lang ni Dad sa door, ipuputok na namin ni Mint ang party poppers.

“In 3... 2...” Mint mumbled the countdown. We’re both ready para paputukin ang mga party poppers naming hawak.

“and...1! [PLAAACK!] HAPPY FATHERS DAY DADDY TOPE!” sabay-sabay naming bati kasabay nang pagputok ng party poppers.

“Happy Fathers Day Hon. You’ve been a great father to your twins.” Mom first greeted Dad which gave him tears of joy. Ngayon ko ulit nakita si Daddy na naiyak dahil sa saya.

Sumunod naman kaming dalawa ni Mint sa pagbati. Nilapitan namin siya at sabay na binati. “HAPPY FATHERS DAY DAD!” sabay naming bati.

“Thank you for everything that you’ve done for our family especially for us ni Mint. You already proven to us that you are really a GREAT father. I know that working...” Nagsisimula ng bumubuo ang mga luha ang aking mga mata. Sh*t! I don’t wanna cry. Alam kong pagkagalak ‘tong aking nararamdaman pero hindi ko talaga gustong umiyak. “...away from me and Mom is a sacrifice for you. I love you always Dad. I am always here for you.” A drop of tear rolled over my cheek. My eyes didn’t cooperate me for that. Pinunasan ko na lang ang aking pisngi. Kakahiya tuloy.

“Nagdrama ka pa Blue. Alam mo naman na I will do everything para sa inyo ni Mint di ba? And it is also my responsibility to support you, not just morally but also financially,” Dad replied. Hindi ko na mapigilang mapaiyak sa mga sinabi niya. Napansin ko rin si Mom na parang nagpupunas-punas na rin sa kanyang pisngi. Bakit ba kami umiiyak? Fathers Day naman ah, hindi naman ‘to burial ng kamag-anak namin. “Oh! Ikaw Mint, wala ka bang sasabihin sa pogi mong DADDY!” he talked between his sniffles. Umiiyak na din pala siya.

“Happy Fathers Day DADDY!” Mint said in a tender way. May payakap din ‘to eh. Nagpacute pa!

“That's all?” sunod na tanong ni Dad.

“Hmm! Alam mo naman na mahal na mahal kita di ba? Gusto mo bang magdrama din ako tulad kay Christian... ” sabay tingin sa akin. “...este Blue.” He formed a grin at me.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon