BLUE
“Asul, ayos ka lang ba?” paulit-ulit na tanong sa akin ni Bianca kanina pa.
Kakatapos lang ng aming morning classes kaya nandito kami ngayon ni Bianca sa cafeteria. Yes, it’s only me and Bianca. Hindi sumama sa akin si Valeriano pababa kasi may gagawin daw siya. Kung ano ‘yon, siya lang ang nakakaalam.
I’ve been silent since my first class in the morning. Muntikan pa nga akong batuhin ng eraser ni Sir Dela Cuesta dahil hindi daw ako nakikinig. Well, they can’t blame me. My head is full of different thoughts right now. Dinagdagan pa kasi ng mga nalalaman ko kahapon. From the spared black rose petal in Valeriano's room down to Michael Khoby Monteclaro-Ferrer a.k.a. Maiko Ferrer’s identity. Hindi pa ako nakakapagstudy pero parang sasabog na ang ulo ko sa daming iniisip. Grrr!
I have so much in my plate right now.
“Hoy Asul! Ayos ka lang?” tanong ulit sa akin ng aking kaharap. Panglimang beses na niya ‘tong tanong kung ayos lang daw ba ako. Kung alam mo lang sana Biang, parang mababaliw na ako. “Baka matuklap na ‘yang anit mo sa kakasabunot ng buhok mo,” dagdag pa niya.
Tinanggal ko na ang kamay ko na nakahawak sa mga buhok ko at ipinatong ang aking mga siko sa ibabaw ng mesa. I took a sip from my pink milk and had a deep breath before I faced Bianca.
“Yes, I’m fine,” walang gana kong sagot sa kanya.
“Yes, I’m fine. Sa limang beses kong tanong sayo kung ayos ka lang ba, sasagutan mo lang ako ng walang ganang ‘Yes, I'm fine’?” Mabilis na pagsasalita ni Bianca na siyang nakapagpagising sa natutulog kong diwa. Daig pa niya ang American rapper na si Nicki Minaj.
“Wow. Nicki Minaj is that you?” I chaffed at her to lighten up the mood. I wonder why she’s so serious today. Hindi ba siya ni-replyan ni Hans kagabi? “Bakit ba ang seryoso mo? “Hindi ka ni-replyan ni Hans kagabi nuh? Kaya sa akin mo binabato ang inis mo,” tanong ko sa kanya.
“Hoy Asul. Huwag mong ibahin ang topic ha at anong sabi mo? Hindi ako ni-replyan ni Hans? Binigyan nga niya ako ng mga chocolates oh. Heto gusto mo?” proud niyang sabi sabay pakita sa akin ng mga mamahaling chocolates. Don’t tell me, ginagawa niyang sugar daddy si Hans? ‘Wag naman sana.
“Thanks but sorry Biang. I don’t eat chocolates,” sabi ko sa kanya sabay sipsip sa aking inumin. Hindi ba niya alam na allergic ako sa mga pagkaing ganyan?
“I know. You’re allergic with these,” sabi niya na para bang sinasagot niya ang nasa aking isipan. Wow. Manghuhula? “Pinapainggit lang kita.” Ibinalik niya ang mga hawak niyang chocolates sa kanyang bag.
I just twitched my lips. As if naman na maiinggit ako. No way Bianca Jane Morales. Pinalaki ako ng aking mga magulang na hindi mainggit sa kung anong mayroon ang iba. Nakita ko namang pinaikot niya ang kanyang eyeballs.
Muli ko namang naalala ang mga nangyari kahapon. What if Maiko and Valeriano are accomplices? Where Maiko is the head while Valeriano is the tentacle who keep on sticking with me to become a spy for Maiko?
I know that I’m putting some baseless accusations on them, but that thing that I discovered yesterday made me create different theories in my mind. Whether to debunk it or not, when the time that the truth comes.
Huminga ako nang malalim bago ko iwinaksi ang mga isiping iyon sa aking isipan. Kailangan kong magfocus sa nalalapit sa examinations para hindi ako babagsak. Napansin yata ni Bianca ang aking malalim na buntong-hininga kaya nagkomento na naman huli.
“Ang lalim no’n ah. May problema ka?” tanong niya sa akin ngunit nakatuon pa rin ang atensyon niya sa kanyang calculator at manual.
Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ang lahat ng aking problema ay baka kahapon ko pa ginawa, but I can’t. Bianca has been and will always be a good friend of mine. She already had my trust since then and I know that she won’t break it. Yes, we experienced some fights but we searched for time to fixed it. But for now, this is not the right time to tell her everything. This is not the right time to pamper her with my problems.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With HIM
Teen FictionThis is a BL novel series which portrays romantic homosexual love. The story goes with a cute guy named Christian Blue Lim. Blue was just a normal guy until he transferred to Northville Stanford University where he met the people that would change...