KHEN
Ang aking malaki at masakit na natutunan kahapon ay huwag pagsamantalahan ang kahinaan ng isang tao. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli.
Hindi ko inaasahan na magagawa 'yon ni Blue. Nakatanggap lang naman ako nang malakas na suntok mula sa kanya nang takutin ko siya doon sa Secret Garden. Yes, Secret Garden lang talaga 'yon. Walang koneksyon sa nakakatakot na manikang si Anabelle. Gawa-gawa ko lang ang kwentong 'yon para takutin siya, pero ako yata ang dapat matakot sa pwede pang gawin ni Blue sa akin.
Sabado ngayon kaya sinadya ko talagang huwag gumising nang maaga, dahil wala naman akong gagawin. Katatapos lang ng aming unang linggo ng pasukan at ano ang aking napala? Ang mala-lilang bakas sa aking kaliwang pisngi dulot ng malakas na suntok ni Blue sa akin. Nagkasugat pa nga ako sa aking labi. Akala ko kasi mahina siya. 'Yon pala, akala ko lang. Malakas siya na dapat katakutan ng lahat. Wait- lahat? O ako lang talaga ang dapat mag-ingat sa susunod?
Nararamdaman ko pa rin ang hapdi ng aking pisngi nang ako’y bumangon mula sa aking kama. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos.
Kung tatanungin niyo kung galit ba ako sa kaibigan ko dahil sinuntok niya ako? Hindi naman. Kasi kasalanan ko. Galit ako sa kanya, kasi hindi niya sinabi na ang lakas niya palang sumuntok. P*tang*ina!
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin pagkatapos kong maghilamos. Markang-marka pa rin ang bakas ng suntok niya. F*ck! Ayaw kong lumabas ngayon. Nakakahiya!
TOK! TOK! TOK!
Napatigil ako sa paglalagay ng cream sa pasa ko nang marinig kong may kumatok sa pinto. Hindi ako gumalaw at nanatiling tahimik, hinihintay na magsalita ang responsible sa mga katok na 'yon.
“Valeriano! Lemme in!”
Sabi na nga ba! Pupunta nga siya dito. Balita ko, hinanap daw niya ako kahapon. Napunta pa nga daw siya sa dentention room at pinagalitan pa ni Miss Jonah.
At ako? Pagkatapos niya akong suntukin sa Secret Garden, dumiretso na ako nang takbo papuntang clinic. Alam ko naman na late na ako kapag papasok pa ako sa klase. Kaya hindi na ako tumuloy doon. Kinuha ko na lang ang aking bag nang mag-aalas-sais na ng hapon.
Kagabi, tadtad din nang mensahe niya ang chatbox ko. I don’t know kung paano niya nalaman ang Facebook account ko. But knowing him, isa siyang detective ayon kay Bianca. Kaya walang-wala sa kanya ang pagkakaalam tungkol sa Facebook account ko. Kahit nga nitong mga nagdaang araw. Titingnan lang niya ako sa mukha at malalaman na niya ang iniisip ko.
“Valeriano, I’m sorry,” tugon niya mula sa labas. Mapurol siyang humingin sa akin ng tawad. Wala na bang mas sincere diyan sa sorry niya?
Sa halip na lumapit ako sa pinto at pagbuksan ito, dali-dali akong humiga sa aking kama at nagtalukbong gamit ang aking makapal na kumot. Malamig naman ang hangin na inilalabas ng aircon, kaya hindi rin ako maiinitan. Magtutulog-tulugan na lang ako hanggang sa mapagod siya kaka-katok sa pinto.
Ngunit nasorpresa na lang ako nang narinig kong bumukas ang pinto. Paano niya ito nabuksan? Nasa akin ang susi ko kaya malabong mabuksan niya ito gamit ang susi ko. Maliban na lang kung dati siyang magnanakaw dati.
“I know you’re not sleeping, Valeriano,” bati niya sa akin sabay sara sa pinto. Hindi ba uso sa kanya ang “good morning”?
BINABASA MO ANG
I'm In Love With HIM
Teen FictionThis is a BL novel series which portrays romantic homosexual love. The story goes with a cute guy named Christian Blue Lim. Blue was just a normal guy until he transferred to Northville Stanford University where he met the people that would change...