Chapter 13: Letter[s]

149 15 0
                                    

A/N: This will be a long chapter mga Inosenteng Asul. Hoping that you would like it. Enjoy reading!


BLUE

“Bakit ang laki ng eyebags mo, Asul? Tapos ang dami mo pang mga pasa? Ginulpi ka ba diyan sa daan ha?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Bianca.

Kaharap ko ngayon si Bianca sa isang table na nasa pinakasulok ng aming cafeteria. Katatapos lang ng morning classes namin. Dito kami madalas na kumakain tuwing tanghali at personal choice din itong spot na ‘to para hindi kami masyadong makita ng iba pang mga estudyante.

“Nothing Biang. Nalaglag lang ako sa kama kaninang umaga at saktong tumama ‘yong mukha ko sa sahig,” walang gana kong sagot.

Yes, that was a lame excuse. I don’t think Bianca will gonna buy it. Knowing her na matagal na niya akong kilala, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at kailan ako nagsasabi ng totoo. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa aking mukha. Tinitingnan niya siguro kong nagsasabi ako nang totoo. I can’t tell her that Dad punched me because of his baseless accusations of me being fag – which is absolutely absurd.

Speaking of the bruises, hindi pa rin siya naghihilom. Siguro sobrang lakas ng mga suntok ni Dad kaya nabulok ‘yong mga tiny muscles ko sa mukha. Nilapatan ko na rin ‘to ng facial cream para hindi masyadong mahalata pero hindi pa rin ito nakaligtas sa mga mata ni Bianca.

“Sure ka? Bakit ang dami? Tapos magdamagan ka bang umiyak kaya ganyan kalaki ang eyebags mo?” sunod pa niyang tanong.

“Okay lang ako. Hindi naman magdamagan. Naiyak lang ako kagabi kasi babalik na sina Mint at Dad sa Canada ngayon,” sagot ko sa kanya.

Umiyak talaga ako. Hindi dahil babalik na sila sa Canada, kundi dahil hindi ako kinausap ni Dad. Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon, parang ayaw na niya akong makita. Hindi ko alam kung binasa ba niya ang liham na ipinagbilin ko kay Manang noong gabing umalis ako. I owed him an explanation and he must listen to it. He’s throwing his accusations to me without proving it.

“Do you know what you’re saying? Ha? Bastard!”

“There’s no one in this family that will be a fag! Put that on your mind!”

“Don’t ever touch him faggot! Baka mahawa pa siya sa gay virus mong tangina ka! Get out of my sight!”

Nag-eecho pa rin sa akin ang mga binitawang salita ni Dad nang pangyayaring ‘yon. Even though I ain’t a fag- never in my life, hindi ko mapigilang mapaiyak nang naalala ko ang mga pangyayari but I need to be strong. I need to control my emotions.

“Blue, let's go!” Bumalik ang aking ulirat nang hilahin na ako ni Bianca patayo. Tapos na pala siya sa kanyang re-touch session at babalik na kami sa aming buildings para sa afternoon classes. Hindi sumama sa amin si Valeriano ngayon kasi mayroon daw siyang kailangang tapusin na homework.

I replied her a nod. Inayos ko muna ang aking bag bago tumayo.

Bago ako lumabas ng cafeteria, bumili muna ako ng isa pang pink milk sa drinks section para kay Valeriano.

“Hindi ka ba magkaka-diabetes niyan, Asul? Pangalawa mo na ‘yan ngayong tanghali ha?” singhal niya sa akin.

“Para kay Valeriano ‘to. Nagpapabili kasi siya sa ‘kin,” I replied as I opened the door of the cafeteria.

Tinahak namin ang daan patungo sa mga building namin. Mas malayo ang building ni Bianca kaysa sa ‘kin, kaya sinadya niyang bilisan ang kanyang paglalakad. Baka raw mahuli siya sa klase niya. Strict pa naman daw ang instructor niya sa unang subject niya sa hapon.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon