BLUE
“Hoy Asul! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sayo noong Sabado?” nagtatampong tanong sa akin ni Bianca.
“Busy kasi siya sa ‘MASTER’ niya kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag mo,” sagot naman ng aking katabi ngayon na si Valeriano. Ginalaw pa niya ang kanyang mga daliri na para bang gumuhit ng quotation marks sa hangin.
“Anong ‘MASTER’?” nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ko. “Khen, sinong ‘MASTER’?” Tinapik na niya ang kamay ng aking katabi.
“Eh, bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang may ‘MASTER’ ha?” tugon ni Valeriano kay Bianca na nakataas na rin ang kilay dahil sa pangungulit nito.
“Isa ka pa eh!” She threw a glare on him. ‘Yan mag-away kayo! Hahaha!
Nasa cafeteria kami ngayon. Maagang natapos ang aming mga klase kasi simula na ng shortening of classes. Nagsimula na rin kasing maghanda ang mga estudyante para sa nalalapit na Intramurals. Ngayong araw rin na ‘to kami mamimili kung anong event o laro ang sasalihan namin.
Kami ni Valeriano ang magkasama sa iisang team kasi pareho kami ng strand habang si Bianca naman ang nasa ibang team kasi ABM student siya. Kanina pa din niya kami inaasar ni Valeriano na sila daw ang mag-o-over-all champion this year kasi undefeated daw ang team nila. Pwess! ‘Wag silang pakampante.
Kasalukuyan kaming kumakain ng snacks at ito na nga ang scenario namin. Kinukulit ako ni Bianca na sabihin sa kanila kung anong ginagawa ko noong Sabado.
“Asul, ano ba talagang ginagawa mo noong weekends?” Halos pangatlong tanong na ‘to sa akin ni Bianca.
Honestly, maraming nangyari noong Sabado. Gusto niyong malaman? Pwess, let me tell you a story.
Once upon a time, there were two neighboring kingdoms – joke! Hehehe. Heto na.
Pagkatapos kong lagyan ng bandage ang sugat ni Ivan ay hindi na niya ako pinalabas ng kwarto niya. Alam niyo kung bakit? Kasi may sugat daw siya. Di ba alam mo na? Eh, bakit mo pa binasa? Joke lang.
Mahapdi daw ‘yong sugat niya kaya hindi siya masyadong nakakagalaw. Kaya ayon, naging alipin na naman niya ako hindi lang noong Sabado, pati Linggo na rin. Akala mo naman kataasan ang sweldo. Gusto mong malaman kung magkano ang sinisweldo niya sa akin? Gago, wala! May alipin bang siniswelduhan? Wala di ba? Wala!
“Tiger,” Mr. Gray called me.
Since then, Tiger na ang tawag niya sa akin dahil parang galit daw ako palagi kapag kasama siya. Mabuti at alam niya. Kaya kung tatawagin niya ako, Tiger na lang daw ang ipapangalan niya sa akin. Another endearment from him, but better from f*cker and slave.
“Mmm,” I hummed. Nahihiya na akong magsalita simula noong nakita niya akong namumula kanina at nagbabasa ako na baliktad ang phone ko. Tanga ko kasi eh.
“Shower me,” he told me.
“What!?” I exclaimed facing him. “Ganyan ka na ba talaga ka-baldado para hindi mo na magawang paliguan ang sarili mo?” bigla kong tanong sa kanya. Ano daw? Paliguan ko siya? Ano siya bata? I won’t.
“Please Tiger. This time only. Promise.” Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. “I won’t let my wound wet. It would be extremely painful. Please.” He then showed me his cute puppy eyes. Dagdag pa diyan ang pag-pout ng pink lips niya. Ang cute mo Ivan, but that doesn’t affect me. Asa ka pa.
“No,” matigas kong tanggi sa kanya. Binalik ko na rin ang atensyon ko sa phone. Baka masuntok ko pa ‘tong si Mr. Gray kapag nagkataon.
“You won’t?” he asked me. Napalitan din ng eyes of disappointment ang kanyang puppy eyes kanina.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With HIM
Genç KurguThis is a BL novel series which portrays romantic homosexual love. The story goes with a cute guy named Christian Blue Lim. Blue was just a normal guy until he transferred to Northville Stanford University where he met the people that would change...