BLUE
“That’s a wrap for today’s class and please be reminded of your requirements. Good luck for your examinations,” Miss Huellar reminded us before she bid goodbye to our class.
Nang makalabas na ang aming instructor ay agad akong nagligpit ng gamit para sa lunch break. Nasa tabi ko naman si Valeriano na pareho ang ginagawa sa akin.
“Hi Blue!”
Napalingon ako sa gilid ko nang may bumati sa akin na isang babae. I saw Kylie with his usual nerdy look with a pair of thick glasses. May hawak siyang parang isang folder na may kung anu-anong papel na naka-compile dito.
“Hey, Madam President.” Awkward akong ngumiti sa kanya. Nakakasilaw ang liwanag na nagmula sa bintana na nag-reflect sa kanyang salamin. “Ano po ‘yon?” tanong ko.
“Here are the compiled notes of the classes that you were excused because of your practice for the upcoming pageant. That composed all the lessons of the 8 subjects na hindi mo napasukan,” she explained before handing me the folder.
“Thank you Madam President,” papasalamat ko sa kanya.
Agad ko namang tinanggap ang hawak niyang folder at umalis din ang huli. Nilagay ko ito sa aking bag at lumabas na rin kami ni Valeriano at tinahak ang daan papuntang elevator. We’re not close kaya wala na kaming pinag-usapan pa.
Pagkarating namin sa cafeteria ay halos sasabog na ito sa dami ng mga estudyante. Halos hindi na kami makadaan sa entrance nito dahil sa daming nakapila sa counter. Tinext ko naman si Bianca kung nasa loob na ba siya and the latter replied na kanina pa daw siyang naghihintay sa amin. Wala na kaming maggawa kundi makipagsiksikan sa mga estudyanteng ito. Hindi ko naman maiwasang makasinghot ng kung anu-anong klase ng amoy. May amoy ng iba’t-ibang klase ng pabango, pawis at may naamoy pa akong amoy kili-kili. Muntikan na akong masuka kanina dahil sa halo-halong amoy na aking nasinghot. Dagdag mo pa ang init dito sa loob ng cafeteria.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay dali-dali naming tinungo ang aming nakasanayang pwesto. Nakaupo na dito si Bianca at himala! Nag-order na din siya ng mga pagkain para sa aming dalawa ni Valeriano.
“Hi Bianca,” bati ni Valeriano sa babae.
“Hello Khen. Bakit ang tagal niyo?” tanong ni Bianca sa amin. Binaba na din niya ang hawak niyang telepono at kinuha ang isa sa mga pagkain na nasa aming mesa.
“Matagal kasing umalis si Miss Huellar kaya ito. Muntikan pa kaming na-traffic sa entrance kanina,” paliwanag ko sa kanya.
Umupo na rin kami ni Valeriano at nagsimula ng kumain. Mabuti at hindi fried chicken ang inorder ni Bianca sa akin. Remember? I’m allergic on it. Agad ko namang nilantakan ang gulay na nasa aking plato. Nang makatapos na akong kumain ay ako na din ang nag-volunteer na bumili ng drinks.
“Dalawa pong pink milk at isang coke in can po,” sambit ko sa tindera.
Tumabi muna ako sa gilid habang hinahanda ng tindera ang aking inorder. Naramdaman ko naman ang vibration ng aking phone which happened to be in my pocket. Agad kong tiningnan kung sino ang nagtext sa akin at nakita ko ang text ni Sandra. Nagpapasalamat lamang siya sa pagsagip ko sa kanya sa mga hinayupak na rapist na muntikan ng manghalay sa kaniya. Nireplyan ko naman siya ng walang anuman.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With HIM
JugendliteraturThis is a BL novel series which portrays romantic homosexual love. The story goes with a cute guy named Christian Blue Lim. Blue was just a normal guy until he transferred to Northville Stanford University where he met the people that would change...