Chapter 14: Harriet Ixon Montessori

110 14 0
                                    

BLUE

“Mr. Lim!”

Napabalik na lang ako sa lupang ibabaw nang marinig ko ang malakas na singhal ni Miss Huellar, ang instructor namin sa Literature. Kanina pa kasi ako nagspe-space out at naglalayag na naman ang aking isipan papuntang underworld at kinausap si Hades kung kailan niya ako kukunin. Receiving another death threat send me major goosebumps again. Wait— death threat ba talaga ‘yon? Basta! ‘Yon na ‘yon.

Congrats SLAVE!

-R. N. T 4th

There are so many questions running to my mind right now.

“When did I became a slave for him?”

“Is it also from Mr. Gray?”

It was encoded, that’s why it’s hard to determine if they came from the same person. But what if Ivan Monteclaro and Maiko Ferrer are one. I mean, they are just the same person?

Naputol lang ang aking pagmumuni-muni nang pinisil na ako sa gilid ni Valeriano.

“Ye-yes Miss Huellar,” nauutal kong sagot. Sh*t! Makukulong na naman ako nito sa detention room.

Nakikita ko sa may kaliitan na mukha ni Miss Huellar ang inis niya ngayon. Parang malapit na 'tong puputok sa galit.

“When does William Shakespeare published his book entitled ‘Romeo and Juliet’?” pasigaw niyang tanong.

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Bakit pa ba kasi ako pumasok kung hindi man lang din ako makikinig? Anong isasagot ko nito? Nakakahiya!

I tried to search the answer on the board baka sakaling nando'n pero wala nang ni-isang bakas ng marker ang nakita ko. I looked at the faces of my classmates pero kahit sila ay nakayuko na rin. Para na kasi ‘tong galit na dragon si Miss Huellar at anumang sandali ay bubuga na ito ng apoy. Kung pagbabasehan mo ang kanyang pisikal na anyo, sa liit ng katawan niya ay hindi mo aakalain na kaya niyang magalit nang ganito katindi.

“Mr. Lim! Did you hear me?” inis niyang tanong sa akin.

Wala talaga akong maisasagot. Wala din akong stock knowledge about kay William Shakespeare and hello! I’m not a bookworm. Nagbabasa lang ako kung kailangan sa academics ko.

“I’m sorry Miss but I don’t kno—”

“Get out of this room!” her Jessie J-like voice roared the whole room. Her high and squeaky voice will surely deafen your ears.

She gave me a detention slip at diretso akong pinalabas ng room. Mabilis kong tinahak ang daan papuntang elevator. Mabuti at may klase lahat ng katabing sections namin at walang nakakita sa akin na pinalayas ako ngayon sa klase. Hays!

Pagdating ko sa detention room, sinalubong agad ako ng ngiti ng nakabantay na officer doon. Baka namumukhaan niya ako kasi siya din ‘yong nakabantay dito noong napunta din ako dito. Yes, it’s my second time na makukulong ako sa detention office. The first time is noong nasuntok ko si Valeriano doon sa sinasabi niyang Secret Garden daw ni Anabelle at nahuli ako sa Oral Communication class ko. Eh, alam naman na matatakutin ako di ba? So ayon, nakatikim.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon