Chapter 20: A New Found Friend

90 13 0
                                    

BLUE

"HUMSS Male at the spot number 3 and HUMSS Female at the spot number 11!" sigaw ng aming kanina pang hapo na choreographer.

Nasa gym kami ngayon at kasalukuyang nag-eensayo para sa parating na pageant. Tapos na kami sa mga dance steps kaya ngayon ay nakatuon na kami sa blockings. Madali namang nakakuha sa steps ang mga kandidata kaya maayos lang ang agos ng aming practice.

"STEM Male!" tawag sa akin ng choreographer. "At the spot number 6."

Pumunta naman ako sa bahagi ng stage na may bilog at may tatak na number 6 sa loob nito.

"So, makinig kayong lahat. That will be your positions during the first and the last part of your production number. Dapat memorize niyo kung saan kayo pupwesto para hindi na tayo mag-uulit-ulit pa. Nagkakaintindihan ba tayo?" mahabang paliwanag ng aming choreographer.

"Opo!" we answered in unison.

"Okay. For now, you can take your rest. Nahihingal na rin ako. Break time muna," the choreographer uttered.

Bumaba naman kami sa stage at nagsipuntahan sa mga bench sa gilid ng gymnasium. Kinuha ko ang bottled water na nasa bag ko at uminom. Medyo nauuhaw na rin ako at hindi ko na tiniis ang aking pagkauhaw. Mahirap na baka ma dehydrate pa ako. I need to stay hydrated.

Umupo muna ako sa bench at kinuha ang aking phone to minimize the boredom. Wala kasi akong close na candidates from the other strand kaya wala akong kausap. I'm not a friendly-type of person kaya hindi din ako umuuna sa pakikipag-usap sa kanila. Kaya kung sinong gustong makipagkaibigan sa akin, kayo ang gumawa ng paraan upang maging kaibigan mo ako. But always remember, you have to answer my riddle. If you can't, don't bother to approach me.

I checked the news feed of my IG at nilibang na lang ang aking sarili sa mga post ng mga taong pina-follow ko. Most of them are celebrities at ang iba naman ay mga classmates ko noon which are mostly my friends. Tiningnan ko rin ang mga nagfollow-request sa akin. I saw 10 persons over there. Hindi naman ako famous kaya bihira lang ang mga nagfofollow sa akin. Nandoon pa rin ang mga request ng mga taong ayaw ko pa sanang isipin. Una kong nakita ang follow request ni Mr. Gray at nagdadalawang isip pa ako kung i-aaccept ko ba ito, but in the end, pinindot ko rin ang confirm button. Wala naman kasi akong post na nakakadiri eh.

Sunod kong tiningnan ang kay Maiko Ferrer. I don't have the guts to confirm his request right now. Besides, I don't know him and I didn't saw him personally. Wala pa akong niisang information na alam tungkol sa kanya. Yes, we already got some piece about him from Crimson, but I didn't have the time to check it out because of heavy schedules of mine.

I was about to stalk his IG wall when I saw a hand holding my favorite drink lending on mine. I moved my gaze upward and again, I was stuck with his radiating angelic face.

"He-hey Ixon!," nauutal kong sabi.

Even though we already have a long talk last week, natutulala pa rin ako sa angkin niyang mala-anghel na mukha. Kung mukha lang talaga ang requirement para makapunta ka sa langit, sure ball na 'to.

"Blue, are you okay? Bakit nauutal ka? Don't tell me, you like-"

"Like my ass!" I cut him.

Wait. Did I sounded so defensive? Hindi naman niya sinabi na 'you like me' di ba? What the heck! Baka isipin pa niya na gusto ko siya. Shit! No way. Kasalanan talaga 'to ni Mr. Gray. Kung anu-ano na ang naiisip ko.

I'm In Love With HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon