Baler 7

122 21 0
                                    

Kung sila wag na

"Hey, are you okay?" Tyaka lang ako natauhan noong nagsalita siya, titig na titig ako sa kanyang mga mata, hindi ko alam kung bakit pero alam kong may malalim akong iniisip.

Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa at paano niya nalamang nababastos na ako? Si Isagani ang inaasahan kong gagawin 'yon pero hindi, si Adrian ang gumawa noon, bakit?

Nag-init ang aking pisngi ng tinignan niya rin ako pabalik, para bang may gustong sabihin ang kanyang mga mata, simula palang ay kakaiba na ang pakiramdam ko sa kanya. Minsan kinakabahan ako, minsan nahihiya, minsan ang kapal ng mukha.

Maraming beses na niya akong niligtas ngunit ni isang beses ay hindi ko pa siya na papasalamatan kaya siguro ito ang tamang oras.

"Adrian-" Anang ko kay Adrian ngunit kinalabit ako ni Isagani kaya walang pakundangan na napalingon ako sa kanya.

"Ano bang nangyari? Anong ginawa sa'yo ng lalaki bakit biglang lumipad? Bakit ka nangingig kanina? Anong nangyari Amulet, tell me!" Seryosong tanong sa akin ni Isagani na alam kong nag-aalala kahit hindi niya ipakita, when he calls me Amulet alam kong seryoso siya sa sinasabi niya at walang halong biro.

"M-may lalaki kasing tumabi sa akin t-tapos tinanong niya k-kung v-virgin pa ba ako tapos humirit siya sa akin ng isa" Nauutal kong sagot kay Isagani at napakunok.

Nakita ko ang ekspresyon niya at kita kong galit na galit siya, nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay at umigting ang kanyang panga bago lumingon at hinanap ang lalaki. Akmang tatayo na siya pero hinila ko ang braso niya paupo.

"Tangina Mutya, bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!" Inis na sabi niya at nakita ko ang galit sa kanyang kamao, lechugas mag-eskandalo pa yata ang loko. Hinawakan ko nalang ang kamay niya at pinakalma.

"Hoy lalake, kumalma ka nga, ikaw ang nagyaya rito kaya huwag kang mag-eskandalo. Ayos na ko, okay?" Mahinahong sabi ko sa kanya at hinawakan niya rin ang kamay kong naka hawak sa kanang kamay niya.

"Sa susunod, sasabihin mo agad sa'kin dahil pinagtagpo tayong dalawa para ipagtanggol kita" Aniya at doon ako napangiti, alam ko naman na noon palang siya na 'yong night and shining armour ko pero this day si Adrian yata.

Humilig ako sa balikat niya at narinig ko na naman si Pearl na nabubwiset na naman kay Calvin na katabi niya, hindi na siya nakalapit sa akin kanina after ng flying lesson ni Adrian, mukhang natuto naman ang lalaki kaya hindi na bumalik.

Sinita ko siya kasi ang ingay-ingay ng bibig niya, nakaraan niya pa na babanggit sa akin na sukang-suka na siya sa pagmumukha nitong si Calvin.

"Pearl tumahimik ka nga, napaka-ingay mo!" Sita ko sa kanya pero kung anu-ano pa rin ang kinukuda niya.

"Tumahimik ka raw" Sabi ni Calvin sa kanya sabay tawa kaya mas lalong nainis sa kanya si Pearl na kulang nalang ay lagyan niya ng mansanas sa bibig para tumigil na.

"Pearl hindi ka titigil? Isagani ikaw nga magsabi dyan" Kunot noo kong sabi pero sa loob-loob ko ay kinilig ako dahil napatigil si Pearl sa pagbubunganga kay Calvin nang sabihin ko 'yon.

Hah! Take that iritada, kay Isagani ka lang pala tatahimik. Nagsimula na ang pageant kanina pa at ang swimsuit competition. Heto na naman at maglalabasan na ang kamanyakan ng mga lalaki rito sa Baler.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon