Baler 8

124 21 0
                                    

Ang Good luck at sleepwell

"Kayo'y dito ba matutulog mga apo?" Tanong sa amin ni Lola pero si Adrian ang unang sumagot.

"Pasensya na Lola, nakacheck-in po kasi ako sa hotel nina Pearl" Sagot ni Adrian at bakas ang lungkot sa mukha ni Lola.

"Sorry Lola, naka check-in din po kami sa hotel" Sagot ni Natalia at kinagat ang kanyang pang ibabang labi.

"Yeah, Sorry Lola. You know Talia, hindi siya sanay sa ganitong bahay" Nahihiyang sabi ni Margareth at kumuha nang suman sa gitna nang mesa.

"Ikaw, Perla? Calvin?" Tanong ni Lola na umaasang positive ang sagot nila Pearl pero umiling lang din sila.

"Lola kasi... marami po akong kailangan ayusin pa sa Hotel, pasensya na po" Nalulungkot na sabi ni Pearl.

"Me too La, I'm here to help Pearl kaya po ako ipinadala rito ni Tito" Ani Calvin at sobrang halata na ng lungkot ni Lola.

Malamang ay walang dumadalaw sa kanyang mga apo niya maliban sa amin ni Pearl dahil nga nasa Baler lang naman kami at malapit lang sa bahay nina Lola, naawa ako kay Lola Trinity kasi mag-isa lang siya rito sa bahay tapos wala pang mga kasamang apo o anak.

"Mutya?" Anang ni Lola at nakita ko ang pagngisi ni Natalia sa pangalan ko.

"Is that even a name?" Natatawang bulong niya kay Margareth na dinig na dinig ko. Hindi ko na iyon pinansin at bumalinh kay Lola.

Ayaw ko mang sabihin na hindi ako pwede dahil ako nalang ang huling pag-asa niya ngayon para hindi malungkot pero importante ang gagawin ko bukas.

"Lola ano po kasi...may Surfing Competition po bukas na part ng fiesta, kaya, ayon po..." Nagdadalawang isip kong sabihin pero ayon ang lumabas sa aking bibig.

Kaya nga nandito si Isagani dahil sa kanya ko pinaasikaso ang requirements para bukas, ang sabi niya naman ay okay na ang ganap bukas kaya hindi nako nag-abala pa.

Sa katunayan nga ay kailangan ko matulog ng maaga dahil may competition pero dahil minsan lang ang ganitong reunion ng mga apo ni Lola ay hinayaan ko na.

Narinig kong nagtanong si Pearl kay Calvin, "Paano ka naging apo ni Lola?" Tanong ni Pearl na hindi ko makita ang ekpresyon nang mukha dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

"Claveria and Figueroa are family-friends" Sagot ni Calvin at bumalik sa kanyang pagkain.

Ibig sabihin talagang magkakilala si Adrian at Calvin? Anyway, narinig kong nagsalita si Natalia kaya napalingon ako sa kanya.

"How is Chantelle? Is she doing well? Balita ko ay nakuha siya ng isang malaking recording company sa abroad" Sabi ni Natalia kaya nagulat kami ni Pearl at nagkatinginan, biglang nagvibrate ang phone ko at nakitang nagtext siya.

Pearly shell in the Ocean:
Bitch, sino 'yong Chantelle na 'yon? Argh!

Me:
Aba malay ko, baka girlfriend niya?

Pearly shell in the Ocean:
Obob ka ba? Sabi niya wala nga siyang girlfriend!

Me:
Malay ko ba, kayo nag-uusap 'di ba? Edi tanungin mo, hina mo talaga sa lalaki, kapalan mo rin mukha mo minsan sis, ha? Haha.

Natawa akong tinignan siya pero inirapan niya lang, isip bata rin minsan. Hindi naman namin sigurado kung ano ni Calvin si Chantelle at kilala rin nina Natalia, nabanggit ni Natalia na nakuha si Chantelle ng isang recording company so ibig sabihin ay magaling siya kumanta?

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon