Baler 46

77 12 0
                                    

(Kung 'di rin lang ikaw: December Avenue)

Ayusin

Kanina pa ako naririndi sa chismisan ng mga ka opisina ko, I'm not used to be irritable like this but when the day I started working here they're always talking about Adrian and Ava's issues in life, sino bang hindi maiirita kung araw-araw ganon ang bubungad sayo? Kung hindi tungkol sa love story nila sa kasalanan naman na magaganap, leche.

"Balita ko bongga raw ang kasal Gosh! Si Sir Adrian daw kasi gusto ng the best wedding para kay Maam Ava, ang sweet 'no? tumanggi pa nga daw si Maam kaso nag insist talaga si Sir!" Tili ni Bakla kaya napairap ako at nag takip ng tenga, 'di naman makapag trabahabo ng maayos dito.

Mga hibang! ayaw ni Adran kay Ava for you freaking informations, argh! naiinis ako! naguguluhan ako kung bakit ako nagkakaganito, nag seselos ba ako? oo 'te obvious na nag seselos ka psh! Kailangan ko ng lumipat ng trabaho dahil hindi ko na masisikmura ang ganito lalo na kapag na kasal sila.

"Pero narinig kong may nililigawan si Sir noon sa probinsya nila, hanggang ngayon mahal niya pa rin yata, isipin niyo arranged lang naman sila ni Maam 'di ba? who knows kung mahal talaga ni Sir si Maam o pakitang tao lang si Sir sa media" Napalingon ako sanag salita.

'Di rin pala masama na may kumalat na balita tungkol samin ni Adrian, hmm.

"Paano mo naman nasabing mahal parin ni Sir Adrian 'yong babaeng 'yon?" Inikot ko ang aking swivel chair at humarap sa kabilang cubicle kung saan may nag kukumpulang mga chismosa.

"Kapatid ko kasi ang nag momonitor ng CCTV ng building, lagi daw nag paparewind si Sir ng footage dito sa department natin" Sikretong ngumiti si Vanessa sa akin, wtf? ibig sabihin....damn Adrian isa ka talagang malaking baliw.

"So nandito lang 'yong nililigawan niya dati? wait! wait! Kailan lang pumunta ng Baler si Sir 'di ba? so ibig sabihin ikakasal na siya kay Maam but yet he courted someone else?" Naging tahimik ang lahat ang sinabi ni bakla.

"Nag two time si Sir?!" Nagulat kami sa biglang sinabi ni Rian, 'di ba halata girl? namangka sa dalawang ilog ang dakilang boss niyo, pinaibig niya yung isa habang 'yong isa pinapaasa niya. Please clap your hands for Adrian Falcone.

"Haluu guysuu! Lilipat daw sa dep natin si sir!" Announce pa ng isang bakla naming head.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya, bakit sa department pa namin? Shocks naalala ko nga pala siya yata ang may hawak sa finance department, naalala ko 'yong printed stats na pinoproblema niya noong nasa Surigao kami.

Whooo! Aalis na ako dito ang sakit sa ulo, makakasama ko ang kupal na 'yon? Ang saklap naman ng buhay ko, hindi pa nga ako handang makita ulit ang pag mumukha non tapos makakasama ko pa.

Tapos isipin niyo makikita ko siyang dinadalaw ni Ava dito sa opisina, eww nakakabitter ugh.

*****

Lumabas ako ng opisina para mag lunch sa cafeteria, inayos ko ang aking unipormeng kulay abo at dumiretso sa elevator, hindi pa man ako nakakapasok ay may humatak na sakin palayo sa elevator, hawak niya ang palapulsuhan ko at dinala sa fire exit.

Nyawers naman Adrian! patahimikin mo naman ang buhay ko kahit ngayon lang! busog na busog na ako tungkol sayo nakakasuka na, tama na!

"Ano ba Adrian!?" I shouted, binitawan nya ang wrist ko ng nasaloob na kami ng fire exit, ano na namang plano neto.

"I'll cancel our marriage, now tell me if you are willing to marry me? I'll earn your trust again Amulet, I promise that I won't let you down this time." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tila nag mamakaawa na balikan ko siya, wushu!

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon