Baler 33

53 13 0
                                    

(Rainbows: South Border)

Chismis

Nagising ako sa pag galaw ng balikat ng hinihiligan ko, pag dilat ko si Adrian pala.

Naka hinto ang sasakyan namin sa isang gasolinahan, madilim pa ang labas at mukhang inaantok pa rin sila JC at Alonzo na nag hihikab.

"Gusto mo ba mag CR? Or may gusto kang kainin?" Tanong sa akin ni Adrian.

Lumabas ng sasakyan sila Alonzo at JC at gayon din si Benjo, nilingon ko si Adrian na hinihintay ang sagot ko.

"Sige, CR lang ako" Sabi ko at bumaba ng sasakyan, na iihi na rin kasi ako.

Pag pasok ko ng CR ay dumiretso agad ako sa isang cubicle, maya-maya pa habang nasa loob ako ng cubicle ay nakarinig ako ng chismisan ng mga babaeng kakapasok lang.

"Kita mo 'yon? Si Adrian Falcone 'yon, Sis! Anak ng mayamang may-ari ng malaking kumpanya, shet!" Tili ng isang babae sa labas, kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi na yata single 'yon eh!balita ko naka fixed sa isang COO rin, 'di ko na maalala kung sino pero alam ko girlfriend na niya" Sabi pa ng isang babae.

Umirap ako dahil sa mga nalalaman nila, wala namang katotohanan tsk.

Kung pwede ko lang ipagsigawan na ako ang nililigawan niya kanina ko pa ginawa.

Lumabas ako ng cubicle at humarap sa salamin, napatingin sa akin ang dalawang madaldal na babae kanina.

Nag-ayos ako ng buhok at inayos ang sarili sa harap ng salamin, nakita kong nag vibrate ang phone ng isang babae sa gilid ng lababo at gulat siyang dinampot ito.

"Shit! Shit! Si Marie may live interview!" Agad silang humarap sa phone at may pinanood. May nag la-live interview pala ng ganito ka-aga?

Patuloy lang ako sa pag-aayos ng sarili ng marinig ko ang nasa live.

"Well, well, well Miss Marie, kamusta naman kayo ni Mr. Falcone?" Kumunot ang noo ko ng marinig ang tanong na 'yon mula sa isang reporter.

Sinong Mr. Falcone ang tinutukoy niya? Si Adrian? pero imposible, baka naman may kapatid pa si Adrian.

"We're definitely fine, sa katunayan nga ay babalik ako ng Surigao para surpresahin siya, but since sinabi ko na sa Interview na 'to, mukhang hindi na 'yon surprise" Ani isang babae, hindi ko na inusisa kung si Marie ba 'yong babae dahil lumabas ako agad ng CR pag tapos ko mag-ayos.

Babalik siya ng surigao para kay Adrian? wow! What a bitch.

Pag labas ko ng CR ay na datnan ko doon si Adrian at mukhang hinhintay ako.

"You want to eat something? Or drink coffee? Hot choco?" Tanong niya pero umiling lang ako at nag patuloy pa balik sa sasakyan.

"No, I'm fine, thank you" Sabi ko at sumampa na sa pick-up.

"Pwede ako naman sa tabi ng bintana? Medyo hindi kasi ako kumportable dito sa gitna" Ani ko kay Adrian, tumango naman siya at agad na nakipag palit ng pwesto sa akin.

"Nakatulog ka ba?" Tanong ko sa kanya, hindi ako nag pa apekto sa narinig ko kanina kahit may video, siguro oras na para ayusin ko ang sarili ko pag dating sa mga ganong bagay.

Hindi dapat ako naniniwala sa kung sino-sino at kung ano-ano na pwedeng mag pa duda sa akin kay Adrian. Hindi isang chismis ay sisira sa araw ko ngayon.

"Nakaka-idlip lang pero nagigising ako pag gumagalaw ka" Aniya, sorry ha?

"Ganon ba? Pasensya na" Pag pasensya ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon