Baler 35

59 13 0
                                    

(You and I: One direction)

Gig

"What?" Narinig yata ni Ava ang sinabi ko, I just smiled "Sabi ko ang ganda mo" Peke akong ngumiti.

"Thank you" Aniya, "Adrian, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na may nililigawan ka?" Biglang tanong ni Ava sa katabi kong si Adrian na naka halukipkip lang at naka sandal sa upuan.

Bakit 'te? Kailangan updated ka sa buhay ng manliligaw ko?

"Tyaka alam ba 'to nila Tita?" Worried niyang tanong, umirap ako, ang daming tanong ng babaeng 'to, so what kung hindi alam o alam ng magulang niya?

"Ahh, Oo alam nila Tita, nag FaceTime kami noong nakaraan" Ako na ang sumagot para kay Adrian na walang imik at parang walang narinig.

Tumango lang si Ava at umupo sila sa bakanteng upuan sa harap namin ni Adrian.

Nagulat ako ng ipatong ni Adrian ang kamay niya sa binti ko, at biglang lumapit ang mukha niya sa aking tenga.

"Palaban ang baby ko" He whispered and then he giggled. Napalingon ako sa kanya ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

"I love you" Bulong niya at ngumiti, tinitigan ko lang siya ng malapitan, he's so handsome, look at that features, sobrang perpekto ng itsura niya.

"Oy! Oy! Tama na 'yan! Nahuhurt si Ava!" Tumawa si Alonzo at napatingin kami kay Ava na nakatitig sa amin ni Adrian, binalingan niya si Alonzo at ngumiti.

"Hindi, ayos lang Zo" She smiled.

"Surigao Five Sharks, kayo na!" Ani manager, tumayo ang lima, si Adrian, Alonzo, Benjo, JC at Ava? kumakanta ang babaeng 'to? 'di kaya masira eardrums ko sa boses niya?

"Cheer for me, Baby!" Sabi sa akin ni Adrian bago humalik sa ulo ko at pumuta na sa backstage.

Kami lang ni Lei ang na iwan sa mesa, nakatalikod siya sa akin at naka harap sa stage.

Mayamaya pa ay lumabas na sila Adrian, may dalawang mic stand sa harapan at doon pumunta si Adrian at Ava, sila ang bokalista?

Si Benjo naman ay umupo para mag drums, si JC at Alonzo ay may hawak na gitara.

Nag palakpakan ang mga tao na may kasamang sigawan, ngumiti si Ava at kumaway sa mga tao.

"Ava! Ava! Ava!" They are shouting Ava's name, I wonder kung anong meron kay Ava at kung bakit ang dami niyang fans.

"Ow shet! AvIan!!!" Someone shouted 'Avian'? Ano 'yon? Ava at Adrian? punyenye.

Kung makapag link sila sa dalawa parang walang nililigawan yung isa, tsk.

"I figured it out
I figured it out from black and white~"

Si Adrian ang unang kumanta, ang lakas ng hiyawan ng mga tao sa loob ng restaurant.

"Seconds and hours
Maybe they had to take some time

I know how it goes
I know how it goes from wrong and right"

"Silence and sound
Did they ever hold each other tight

Like us? Did they ever fight
Like us?~"

Napatango ako sa boses ni Ava, maganda rin pala ang boses ng isang 'to, akala ko mababasag mga baso dito.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon