Baler 28

65 13 0
                                    

Surigao

Pumasok ako ng sasakyan dala ang isang kape at isang hot choco, agad ko 'yong nilagay sa lalagyan ng cup sa loob ng sasakyan.

Sa akin ang hot choco at kay Adrian ang kape, ayaw niya aking painumin ng kape dahil sa caffeine, ang arte 'no?

"You can go back to your sleep, para mamaya pag lapag natin sa Surigao ay hindi ka masyadong pagod" Aniya habang nag mamaneobra.

Tumango lang ako at humilig sa bintana, inaantok pa nga ako.

*****

Nagising ako sa naramdamang kamay na humahaplos sa aking mukha, na padilat ako ng aking mata at nakita ko si Adrian na malapit na sa akin.

"Ang ganda mo kahit tulog" Bungad niya sa akin, Si Adrian ang tipo ng lalaki na sasabihan ka lagi ng maganda, pang pataas siguro ng kumpiyansa.

"Alam ko" Biro ko sa kanya, "Nandito na tayo, mag-ayos ka na, kukunin ko lang ang mga gamit natin sa likod" Nginitan niya ako bago lumabas ng sasakyan.

Napaka responsable rin talaga ni Adrian, kinuha ko ang pocket mirror ko at tingnan ang itsura, hindi naman masyadong horrible.

Alas-seis na at sakto lang dahil alas-siete y media ang flight namin pa-Surigao.

Lumabas ako ng sasakyan at nakita na sa tapat ng NAIA si Adrian bitbit ang dalawang traveling bag at may kausap na isang naka unipormeng lalaki.

Tumango ang kausap niya at tinulungan siya nitong mag buhat ng bag, maya-maya pa ay may lumapit na isa pang lalaki at naka uniporme tulad ng kausap ni Adrian.

Tumango lang din ito at iniabot ni Adrian ang susi ng kanyang sasakyan?

"Come on?" Anyaya sa akin ni Adrian kaya lumapit na ako, hinawakan niya ako sa bewang at tumango sa mga kausap niya bago nag lakad papasok sa airport.

"Sino yung mga 'yon?" Tanong ko sa kanya. "Family Bodyguards" Sagot niya, tumango nalang ako at nag patuloy sa pag lalakad.

"Sa kanila ko na pinauwi yung hummer, ma-aatrasado tayo sa oras kapag dumaan pa tayo sa bahay," Ani Adrian, naka sakay na kami sa eroplano at may kung ano siyang kinakalikot sa phone niya.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumingin sa labas, nagulat ako ng humilig siya sa aking balikat.

"Are you okay?" Tanong ko kay Adrian, "Just tired" simpleng sagot niya.

Nilingon ko na at na pansing naka pikit na siya, sa bagay, mahabang byahe ang na ganap kanina at siya ang nag maneho, marahil ay pagod talaga siya at puyat pa.

Kalahating oras lang lumipas ay akala ko'y tulog na siya pero nagulat ako ng bigla niyang pinagsiklop ang mga daliri namin.

Napatingin ako sa kamay naming mangkahawak, ang liit pala ng kamay ko kumpara sa kamay niya, parang kamay ng dambuhala.

Maliit lang ang kamay ko at ang mga daliri ko, hindi ako maputi pero siya oo kaya nag ko-contrast ang kulay namin, cute tignan na medyo weird, haha.

"Akala ko tulog ka?" Gulat kong tanong kanya, lumingon siya sa akin kaya nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat, medyo nakiliti ako pero 'di ko pinahalata.

"'Di ako makatulog, naalimpungatan ako tuwing naalala kong kasama kita, baka bigla kang mawala sa tabi ko o may ibang lalaking umagaw ng atensyon mo" Malungkot niyang sabi at ngumuso.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon