Baler 44

64 12 0
                                    

Dinner

I'm in the corner watching you kiss her oh oh oh~

I'm right over here, why can't you see me, oh oh oh~

Nagising ako sa malakas na kantang 'yon at napapikit ng mariin, akala ko binabangungot na naman ako leche!

Bumangon ako sa kama at kinusot ang aking mga mata bago dumilat, nakita ko ang pintuan ng kwarto na bukas at malakas ang tugtugan mula sa salas.

"Tangina talaga, Isagani!" Sumigaw ako mula sa kwarto pero sa lakas ng music ay baka hindi niya narinig ang sinigaw ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto, na abutan ko siyang kakasara lang ng pintuan at may dalang bulaklak, nagulat siya nang makitang gising na ako.

"Para kanino 'yan? Wow naman! May pa bouquet ang best friend ko!" I widely smiled and took the flower from his hands and checked all the details of it.

"In fairness ha! Fresh na fresh pa at mukhang mamahalin, magkano 'to? Kanino mo ibibigay? May taste ka rin pala sa pagpili ng bulaklak, akala ko bulaklak pang patay lang ang alam mong piliin" Todo ang ngiti ko dahil ang aga-aga inaasar ko na naman siya.

After I went here in Manila I have decided to live with Isagani here in his condo while recovering from heartbreak, mag-iisang taon na kami rito at dito na rin ako sa Manila nagtatrabaho dahil hindi pa ako handang bumalik sa Baler.

Nang nalaman nila Mama at Papa ang nangyari sa amin ni Adrian ay nanghinayang sila at nagalit din, even Pearl, nagwala pa nang malaman na ganon ang ginawa sa'kin ni Adrian.

Thankfully I have this stupid Isagani, mabilis akong nakakarecover sa mga nangyari, nang sinalubong niya ako mula sa airport months ago ay mukha akong inalipusta galing sa ibang bansa.

"Bitawan mo na nga 'yan, kumain ka na, parang walang pasok sa trabaho kung gumising tanghali na, psh!" Ngumiwi sa akin si Isagani at hinablot ang bulaklak sa akin, ngumuso ako at dumiresto sa kusina ng kanyang unit.

From squatter to Condo, from cheap fisherman to hunky manager, iba rin 'tong kaibigan ko, gwapo na madiskarte pa.

"Bakit ba? My health is more important than their mga utos ano" Umirap ako sa kanya.

Pagtapos namin kumain ay hinatid na niya ako sa opisina ko na halos katabi lang ng condo niya rito sa BGC, walking distance lang.

Nakacivilian outfit ako ngayon since biyernes naman, habang naglalakad papunta sa building ng opisina ko ay kitang-kita ko ang malaking logo ng Falcon at ang pangalan ng kumpanya.

FALCONE ENTERPRISES.

I remember that jerk every time I see the name of their company and the company's logo, hindi maiiwasan lalo na kapag gagawa ng reports and documents.

Nang makarating ako sa loob ng building at dumiretso ako sa floor ko at pumunta sa aking cubicle, nasa gilid na naman ang mga chismosa kong ka-opisina, makakasagap na naman ako ng libreng chismis.

Inayos ko ang mga gamit ko sa mess at binuksan ang aking laptop, pag-upo ko ay napangiti ako dahil dinig na dinig ko na ang chismis nila.

"Ay alam niyo ba mga dai! Si Sir Adrian shet! Babalik na rito!" Tili nang ka-opisina kong bakla.

Napawi ang ngiti ko nang marinig ang mabantot na pangalang 'yon, hindi namam talaga ako magtatrabaho rito kung hindi dahil sa dito ako pinasok ni Isagani at agad akong natanggap, at kung hindi rin maganda ang offers nila at hindi ako nilagay sa medyo mataas na posisyon.

"Kaso dais! Si Miss Ava kasama niya! Ayaw ko pa man din kasama niya si Sir, nagseselos ako!" Maarteng sabi ni Bakla.

Kung alam niyo lang kung gaano kagago ang boss niyo at kung gaano kalandi ang fiancee niya.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon