Baler 10

106 21 1
                                    

(Pasensya na: Cueshe)

April Fools Day

Pumasok ako sa restroom nang hindi nila ako napapansin, sumandal ako sa pader na may bintana sa taas kaya maririnig ko ang usapan nila since nasa tapat lang din sila ng bintana at tahimik ang paligid.

"Bakit ka nandito?!" Galit na tanong ni Natalia sa kasamang lalaki.

"I followed you, I'm sorry, nagsorry na ako 'di ba? I swear wala talaga akong alam, baby" Malamyang sambit nang lalaki kay Natalia.

What? B-baby? Who? Talia? Ibig sabihin nag chi-cheat siya kay Adrian?

"Pwede ba, Tyler? Give me some space! Space lang ang hinihingi ko pagbigyan mo naman ako!" Singhap ni Natalia kay Tyler kuno at bumuntong hininga.

"Kaya nga ako umuwi nang Baler para makalimot kahit sandali! Tapos susundan mo ako? Tyler ano ba?!" Galit na sabi ni Nataliaz

Alam kong pataray ang pagkakasabi niya noon dahil bawat bigkas ng salita ay madiin at tila may galit.

"Kapag nakita ka niya ngayon sigurado akong bugbog sarado ka! Hindi niya alam ang ginawa mo sa'kin, Tyler! So if I were you bumalik ka na ng Manila bago ka niya mabigwasan!" Sigaw ni Talia.

So ibig sabihin talagang nangangaliwa siya? So wait naguguluhan ako, si Natalia ay may secret lover?

Umupo ako sa bandang lababo habang pinapakinggan silang nagpapalitan nang sigaw, kinakabahan ako sa mga susunod kong maririnig, alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero paano kung nagcheat nga si Natalia?

"Wala akong pakialam kung malaman niyang nandito ako o malaman niya ang sinasabi mong ginawa ko sa'yo, nandito ako para patunayan na mahal kita, Talia! Mahal na mahal kita!" Utas ni Tyler kay Natalia na parang nagsusumamo sa paghingi ng tawad.

"Hindi ka ba natatakot sa kanya? Baka mapatay ka niya kapag nalaman niyang nakulong ako ng dahil sayo Tyler!" Singhap ni Natalia.

Did I hear it right? Nakulong si Natalia dahil kay Tyler? But in what reason? Tapos hindi alam ni Adrian 'yon? Come on, paano na ha-handle ni Talia ang ganitong relasyon sa magkaibang tao?

Maganda si Natalia, almost perfect na siya pero ang mamangka sa dalawang ilog is a BIG wrong, she shouldn't use her charm para sa dalawang lalaki!

"I don't care kung ano ang gagawin niya, basta Talia umuwi na tayo ng Manila" Ani Tyler. This time I can't take it anymore kaya lumabas na ako nang CR at hinarap sila.

Nakita ko ang gulat sa mga mukha ni Natalia maging kay Tyler.

"A-Amulet?" Nauutal na anang ni Natalia.

"You are cheating? Nagto-two time ka, Natalia! That's wrong! Sasabihin ko 'to kay Adrian" Sabi ko.

I know, wala ako sa lugar pero I just can't help it! Nakokonsensya ako para kay Adrian, he didn't deserve Natalia, he didn't deserve a relationship like this, he didn't deserve to be cheated on!

"What? What are you talking about Amulet?" Puno ng confusion ang mukha ngayon ni Natalia na parang hindi alam ang sinasabi ko, nag mamaang-maangan lang ba siya? She's a cheater at kailangan malaman 'yon ni Adrian.

"He needy to know this" Ani ko at tinalikuran sila but I stopped when I saw Adrian coming. Kita ko ang galit sa mga mata niya na diretsong nakatingin kay Tyler na nasa aking likuran.

Habang papalapit siya nang papalapit ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit, feeling ko magagalit din siya sa akin dahil nalaman ko ang kabalbalan ni Natalia.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon