Baler 12

100 19 0
                                    

(Migraine: moonstar88)

Siblings

"Wow! Fucking sht! Ayan pala ang dahilan kung bakit ka pumunta rito sa Baler!" Nagulat kami sa babaeng biglang sumigaw mula sa isang table na parang lasing, nilingon namin ang pinak dulong table sa gilid ng maliit na stage sa harapan.

Si Natalia 'yon! Siya ang sumigaw at nakuha niya ang atensyon ng lahat ng tao, pati ng kuya niya at ng mga ka-banda nito.

Lasing na yata siya at kasama niya si Margareth na hiyang-hiya sa ginawa niya, tumayo siya at winagayway ang isang bote ng mamahaling alak.

She's wearing a simple red fitted dress at naka heels pa, nag tatakong sa buhanginan? Seriously?

Nilingon ko si Adrian na nakatingin sa kapatid, magkasalubong ang kilay niya habang nakaupo sa high stool at kaharap ang mic.

"Kaya pala hindi mo tinaggap ang sinabi ni Dad na ikaw ang mag-take over ng kumpanya natin dahil mas pinili mo--" Hindi pa natatapos ni Natalia ang sasabihin niya ay nagsalita na agad ang walang emosyong si Adrian. Seryoso lang siyang nakatingin sa nag-ieskandalong kapatid.

So, Adrian didn't accept to take over their company? Kumpanya ang tinanggihan niya, for what reason? Nagkatinginan kami ni Pearl at lumipat siya ng upo sa tabi ko.

Nasaan na ba si Isagani? Nilingon ko ang paligid ngunit walang Isagani ang nahagip nang aking paningin.

Muli akong bumaling kay Talia nang magsalita si Adrian.

"Stop this nonsense, Natalia" Seryoso at malamig na anang ng kuya niya. Ngumiwi lang si Natalia at tumawa nang bahagya, hinahatak na siya pa-upo ni Margareth ngunit nanatili siyang nakatayo.

"I won't stop. Lalo na nang mas pinili mo isang babaeng lumaki sa tabing dagat. Seriously, you are that low, Kuya? Sana pala pinatos mo na si Ava, sana hindi na ako humadlang kung diyan ka rin pala babagsak, hah!" Sarcastic na sigaw ni Natalia sa kanyang kuya habang nakapamewang at hawak pa rin ang isang mamahaling hard liquor.

Medyo iba na ang feeling ko ngayon kaysa kanina, mas uminit na ang tensyon ngayon, gusto ko na sanang bumalik sa resort kaso dakilang chismosa pala ako kaya huwag nalang, dito nalang ako, manonood ng live drama.

"Let's go back, baka madamay tayo" Eto namang si Pearl ay pabait pa. Aam kong gusto niya rin ng mga ganitong eksena kaya hindi ko nalang siya pinansin.

This time ay tumayo na si Adrian mula sa stool at hinarap si Talia na tinaasan lang siya ng kilay.

"Pati si Ava, Talia? Pati ang walang kamalay-malay na tao idadamay mo sa eskandalo mo? Know your limits, Natalia!" Galit na anang ni Adrian.

Ang isang maloko at makulit na Adrian ay nakakatakot pala magalit, nararamdaman ko ang kaba lalo na noong tumingin siya sa akin at bumaling muli kay Natalia.

I don't know what's happening. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba, nagulat nalang kaming lahat, may mga taong umalis na at may mga taong nanatili rito sa bar at nakikiechos.

"Wow! Ngayon pinagtatanggol mo na ang babaeng 'yon? Parang dati nagpapatulong ka pa sa akin para hindi na makadikit sa'yo ang malanding 'yon. And then now you're defending her more than me? You've changed kuya, a lot! Hindi ganyan ang kuyang kinalakihan at nakilala ko" Noong una ay pasigaw ang pagkakasabi ni Talia hanggang sa naging sarcastic ito, umiling-iling siya at lumagok nang hawak na alak.

Kinuyom ni Adrian ang kanyang kamao at tinapunan ng masamang titig ang kanyang kapatid, ang kaniyang mga tingin ay naglalaman ng galit at inis, nakikita ko sa itsura niya kung gaano siya nayayamot sa kanyang kapatid, ang lalim ng mga buntong hininga niya at tila pinipigilan ang magwala.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon