Baler 17

77 14 0
                                    

Akala ko

"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ganyan na ang itsura mo? Hindi lang nagpapakita sa'yo si Adrian para ka nang minulto" Ani Pearl habang nagbabasa ng isang business magazine.

Nagpagupit siya ng buhok, mga four or five inches siguro. Ako naman ay nagpa-trim lang.

Nagpa-hair spa kaming pareho at pagkatapos no'n ay nagpa-manicure at pedicure. Dark red ang pinili niyang nail polish at ako naman ay nude lang.

After namin magpalinis ng kuko ay tumingin ako sa salamin habang nagbabayad siya.

Mas naging maayos ang mukha ko kaysa kanina, sabog na sabog ako these days dahil nawalan ako ng kasama sa lahat, sa swimming, surfing, eating, sa mga gala and whatsoever.

Noon ay halos araw-araw ang surfing namin ni Adrian at gabi-gabi ang kain namin ng isaw. Ngunit ngayon ay wala na. Sinanay ako tapos biglang iiwan?

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, kahit paano ay mukha akong tao ngayon kaysa noong nakakaraang araw.

"Salamat po" Ani Pearl at tyaka lumabas ng salon. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya.

"O ayan, nilibre na kita para naman maayos iyang mukha mo. Humaharap ka sa mga empleyado niyo kaya dapat disente ka tignan" Aniya habang nagmamaneho. Tama siya, dapat maayos akong tignan at kagalang-galang.

"Huwag mong sayangin 'yan ha, dapat this following days ganyan pa rin ang itsura mo! Para naman may manligaw na sa'yo, kawawa ka naman eh ako ang nilagawan ng kaibigan mo, joke" Biro niya at tumawa habang nag mamaneho.

"Free to have fun tonight?" I asked her.

"Nah, sorry girl. Maaga ang meeting bukas, tyaka iinom ka na naman? I mean you're not like that before you went to America" Sabi niya sa akin at niliko ang sasakyan.

"Gusto ko lang mag clubbing ngayon, ayon ang pampalipas oras ko sa America. You know Americans," Ani ko.

Well, mukhang ako nalang ang iinom mamaya sa bar. Kailangan ko magliwaliw nang mawala ang mga iniisip kong 'to. Hay!

Nakauwi na kami pareho ni Pearl, nagpalit na ako ng pang tulog at humiga na sa kama. Tinignan ko ang messages ko pero walang text ni Adrian. Nag-online ako at tinignan kung may Facebook siya and yes! Meron.

I stalked him. Checking if nandito pa siya sa Baler, his display photo is him holding a surf board, topless at naka board short.

I saw some pictures of him with his family, especially with Natalia promoting their company. Some pictures with his friends in US and here in the Philippines.

Should I add him? Baka kung anong isipin niya, pero bahala na! I need to talk to him, baka dahil sa nakita niya akong niyakap si Isagani ay nagselos siya so I sent him a friend request.

*****

Nagising ako sa sunod-sunod na vibrate ng aking phone at sa ringtone ko.

Wala sa mood kong kinapa ang phone ko sa side table ng kama at tinignan kung sino 'yo. It's pearl again, seryoso? Ang aga-aga tatawag siya sa akin?

Umupo ako sa kama at sinapo ang aking ulo. I probably still have a hangover. Ang sakit ng ulo ko at umiikot ang paningin ko.

Nahihilo kong sinagot ang kanyang tawag, "Girl! Wake-up! Anong oras na! Tanghali na! Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot!" Inilayo ko ang phone sa aking tainga.

Sunod-sunod ang sigaw niya sa akin. Anong tanghali? Tumingin ako sa wall clock, fuck! Ala-una na pala ng hapon!

"I'm sorry may hangover pa ako. Bakit?" Ani ko habang sapo ang aking ulo at nakatalukbong ng kumot habang naka-upo, ang lamig kasi hindi ko yata nahinaan ang AC kaninang madaling araw.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon