Baler 50

136 12 0
                                    

(Papatunayan ko: Silent Sanctuary)

Papatunayan ko

"Ang ganda ng kwintas mo Girl!" Puri ni Pearl sa aking blue crystal amulet na sinusuot niya sa akin ngayon.

Tinignan ko maiigi 'to sa harap ng salamin, bagay na bagay sa aking Bohemian Wedding Dress.

"May taste rin pala si Adrian sa pag pili ng kwintas" Ngiti ni Pearl habang nakatingin kaming dalawa sa salamin.

Naka bohemian dress din siya dahil 'yon ang motif ng kasal.

"Ready ka na?" Masayang tanong sa akin ni Pearl at tumango ako.

"As always" Tugon ko at tumayo na mula sa upuan ng vanity mirror.

Bumaba kami ni Pearl ng Hotel at lumabas ng resort since beach wedding ang kasal ko.

Hawak ko ang aking white tulips at ang laylayan ng aking gown habang nag lalakad palabas kasama si Pearl at si Mama.

"Hindi ko pinagsisisihan na ipagkakatiwala kita kay Adrian, Anak" Hinaplos ni Mama ang aking kinulot na buhok.

"Salamat Mama" Ngiti ko kay Mama, shet naiiyak ako.

"Ang oa girl wala ka pa sa mismong kasalan mo umiiyak ka na, gaga huhulas make-up mo" Tumawa si Pearl ng nakita niyang may nangingilid na luha sa gilid ng mga mata ko.

Nang makarating kami sa tabing dagat ay ang mga abay muna ang nag lakad sa aisle, hinawi ang puting kurtina na dadaanan namin at nag simulang mag lakad ang mga abay sa gitna.

Hindi gaanong marami ang inimbita namin dahil gusto ni Adrian na close relatives and friends lang ang iimbitahan niya since wala naman kaming kamag anak nila Mama at Papa.

May inimbitahan siyang maraming Media para daw ipagkalandakan sa buong mundo na papakasalan na niya ang babaeng mahal niya.

Ang sabi ko patagalin muna namin ang relasyon namin pero tumanggi siya, gusto niya papatagalin namin pero dapat kasal na kami para hindi na daw ako maagaw ng ibang lalaki, baliw.

Hindi naman daw nasusukat ang pagmamahal sa tagal o haba ng panahon ng pagmamahalan niyo, nasa nararamdaman daw 'yon kaya hindi na pinatagal ni Adrian ang kasal namin.

Isang taon din kaming nag sakitan, isang taon kaming nag hintay at nag paraya, isang taon naming hinintay ang isa't isa ngunit nagkahiwalay man kami hindi naman nawala ang pagtingin at nararamdaman namin.

If you really love the person no matter how long or how short you're being together it doesn't matter, the only matter is if you really love them or how deep and crazy you're in love with them.

Papatunayan ko
Na ako lang sa'yo~

Hinubog mo'ng buhay ko
Ng pag-ibig mo~

Nalaglag ang panga ko ng marinig kung sino ang kumakanta, hindi ko man makita muka sa gitna dahil may nakaharang na kurtina pero alam ko kung kaninong boses 'yon.

Di na masusukat
Sandigan kong taglay~

Magalit man ang langit
'Di matitinag ang kulay~

Diwa ko'y namulat
Matapos ang gulo~

Saan man dalhin ng langit
Papadpad pa rin sa'yo~

Hinawi na muli sa gitna ang hati ng kurtina at nagulat ako sa tumambad sa aking harapan.

I can't restrain my tears, seeing Adrian wearing a bohemian tuxedo and holding a mic can't stop me from holding my tears.

Tinignan ko si Isagani sa tabi niya na naka tuxedo at tinapik ang balikat ni Adrian.

Tinignan ko ang mga abay, nag standout si Natalia, ang ganda niya mula sa ayos ng kanyang buhok hanggang sa pag dadala niya ng dress, bagay na bagay sa kanya ang bohemian dress na suot niya, mukhang alam ko na kung kanino ako maglilihi kung sakali.

Sumunod kong tinignan si Pearl na masayang kumaway sa akin, bagay rin sa kanya ang bohemian dress na suot niya.

Nakita ko sila Alonzo at JC na may hawak na gitara at si Benjo na nag dadrums, nakakalambot ng puso.

Unang nakita ko silang tumutugtog noong panahon pa na nililigawan ako ni Adrian, ngayon makikita ko silang tumutugtog ulit sa kasal na namin.

Makinig kang mabuti~

Buksan nang mapakinggan ng puso mo~

Ang dapat mong malaman~

Nag simula akong mag lakad sa aisles, tanging ang mga instrumento at tinig ni Adrian ang aking naririg pati na rin ang malalakas na hampas ng alon mula sa dagat.

Napatawa ako ng lumingon sa likuran si Adrian at nag punas ng luha.

Shuta akala ko imposible 'to dahil hindi kami magkalevel, akala ko imposible 'to dahil may Ava siya at ayaw sakin ng Ina niya.

Natagalan pa nga ang kasal namin dahil hindi mapaamo ni Adrian sa Papa, but with the help of Mama pumayag na rin si Papa na ipagpakasal raw ako kuno sa gagong 'to.

Hindi ko naman inakala na 'yong lalaking bwisit na bwisit ako noong gabing 'yon, 'yong lalaking kinaiinisan ko dahil tinalo ako papakasalan ko pa pala. Unbelievable.

Let's go back one year ago.

Nagustuhan ko siya noon dahil gwapo siya at mukhang may lahi tapos niligtas niya ako mula sa dagat, nakalimutan ko pa ngang mag pasalamat sa kanya noon dahil kay Isagani.

Tapos noong surfing competition gigil na gigil rin ako dahil natalo niya ako, hindi ko rin inakala na taga Surigao siya.

Sumunod 'yong pesteng cooking competition na tinalo niya rin ako, 'yon yung unang away namin as walang label but in mutual feelings. Haha.

Then hindi siya nag pakita sa akin ng ilang araw hanggang mag birthday ako, bwisit na Pearl 'yan na scam rin ako noon kaya pumayag akong mag pa-salon tapos para lang pala sa unexpected birthday party ko at panliligaw ni Adrian.

I'm very thankful that even if I have faults and wrongs between us he still chose to marry me and be with me, even if I doubted him in the very first he still loves me, even when I ran he found me and stared at me from afar just for me to fix and find myself again.

He proved me that even I honestly fucking didn't believe him before his feeling stayed and he never leave my side.

Now I believe that The more you hate The more you love.

Thank you Adrian, because even a year passed your feelings for me stayed and you found me again to be with you, you proved the all you to me, you proved that no matter will happen between us and in our family you'll still choose to be with me.

Kahit anong nakaraan niyo, kahit anong tingin mo sa kanya noon kung mahal ka niya papakasalan at iibigin ka niya hanggang sa huli.

Forget the past and look forward to the future.

*****

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon