Baler 45

74 13 0
                                    

Mahal Kita

Umuwang ang labi ko ng umamo ang kanyang itsura mula sa repleksyon ng salamin, pa-awa ang peg Adrian? Maawa na ba ako ng lagay na 'yan?

Kahit papaano ay malaki pa rin ang galit ko sa kanya, kahit sabihin kong namimiss ko ang mga yakap at halik niya, galit pa rin ako.

Wala akong ibang naramdaman kundi ang kaba at pagod, kaba dahil nakikita ko na naman siya ng malapitan at harap-harapan, pagod dahil nakakapagod naman talaga, ngayon lang ako na pagod ng ganito sa buong buhay ko, ang hirap dahil wala akong pahinga emotionally, pakiramdam ko pasan ko lahat ng pagod dito sa pinas.

Pagod ang aming mga matang nagtitigan sa repleksyon ng bintana ng salamin, walang imik at walang ginawang ingay, hindi ko naman alam na magtititigan lang tayo rito na parang hindi tayo naggaguhan noon.

Since makapal ang mukha ko kapag kaming dalawa lang at wala ng hiya-hiya dahil mas walang hiya ang ginawa niya sa akin ay naglakas loob akong nilingon siya at pinigilan ang aking sarili na maluha.

It feels so nostalgic...

Pinigilan ko ang lahat ng luha ko na bumuhos, I remember this position and night as we were on our way back to my house from dinners and dates inside of that short period of time that we have been together when he was still courting me.

Nararamdaman at naiisip niya rin kaya ang nararamdaman ko ngayon? Or he feels like nothing? Like we didn't do dates and have dinners before, like we didn't know each other? Wews.

His piercing eyes whose seriously staring at me feels so familiar, those eyes who caught me playing with the waves, who saw the night that I almost died.

Naalala ko ang gabing 'yon, ang gabing akala ko kamatayan ko na pero doon ko pala makikilala ang unang lalaking mamahalin ko.

"Bakit mo ko iniwan?" Mahinang bulong niya, he looks hopeless, parang wala siyang lakas, walang lakas makipag-away sa akin.

Nahabag ako sa kalagayan namin, sa kalagayan niya pero gusto kong mas manaig ang aking galit o kung ano man huwag lang ang awa dahil ayaw kong masayang ang matagal kong pinagpaguran.

"Bakit mo ko niloko?" I said full of pain and anger.

Iniwan? Tangina sige nga sabihin mo kapag niloko ka ba mananatili ka pa rin? Maaring oo kasi marupok ka, marupok din ako pero hindi ako tanga, mahal ko siya pero hindi ako martir na mananatili kahit may iba na siyang nilalandi!

"Tangina ka!" I shouted full of pain, I restrained myself from crying. Hindi ko kaya ang nararamdaman ko, ang bigat sa dibdib.

"Oo alam kong tangina ako, Amulet! Gago ako alam ko! Pero masakit kapag nang gagaling sa'yo!" He said with frustration.

"Bakit kay Ava pa Adrian? Bakit?!" I despairing shouted at him. Nakapamewang siyang nag-iwas ng tingin.

"Bakit mo ako niloko? Please tell me why! Am I not enough? Did you realize that I really can't fit into your world? Was it because of that?" Nanghihina kong tanong.

"Kulang ba ako? Si Ava ba talaga ang mahal mo? Siya ba talaga ang pinili mo? Pinaglaruan mo lang ba talaga ako?" My head is full of damn questions.

"Bakit mo ako niloko? Adrian gusto kong malaman kung bakit mo ako binigo! Kung bakit mo sinira lahat ng mga pangako mo para sa babaeng alam naman nating hindi mo gusto!" I can't take it anymore, my tears fell down. I breakdown.

Isang taon ko rin 'tong dinamdam, ang daming araw at buwan na gusto ko siyang tanungin ng harap-harapan pero hindi ko magawa noon kasi natatakot ako na baka kapag nakita ko lang siya ay mapapatawad ko siya agad.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon