Baler 37

51 13 0
                                    

Doubt

"Nevermind that, naisip ko lang," Umiling-iling siya at ngumiti.

"'Di pa kita sinasagot, future agad natin iniisip mo" Imporma ko sa kanya at dinaan sa tawa ang palaisipan na 'yon.

Naguguluhan pa rin ako pero since relaxation ang pinunta ko dito sa Surigao ay hindi ko na 'yon kinalat sa bawat ugat ng utak ko.

"I love you Amulet, Always remember that no matter which woman blocked my path, you would still be my destination" My jaw dropped.

"Tengene. Si Papi Adrian spokening dollar na! Dati kamayo lang salita niyan sa mga babae ngayon nag level-up na!" Niyugyog pa ni Alonzo si JC at Benjo na nasa kabilang banda.

So, kamayo ang ginagamit niya sa ibang babaeng nakakausap niya? bigla akong na bitter.

But I was shocked sa sinabi niya, seryoso ba 'yon? Baka na i-scam na ako neto, shocking ampota, ang sosyal mag pa fall.

"Kikiligin na ba ako?" I seriously asked him, pero deep inside kinikilig ako!

Yung mga acid sa sikmura ko biglang lumutang na parang nasa kalawakan.

"Sige kunwari kinikilig ako para 'di sayang english mo" Tumawa ako at nag kunwaring kinikilig pero putcha talaga kinikilig buto ko.

"Pwede ba Alonzo? First time mo bang marinig si Adrian na mag sabi ng mga flowery words? Sa bagay, hindi ka yata aware sa relationship namin" Umirap si Ava, hanggang kailan ba eepal 'tong babaeng 'to? na aano na ako sa kanya ha, baka 'di kapag kuwan ay mahampas ko 'yan ng buntot ng pagi.

"Relationshit" Pag korekta ni Benjo at bumaling muli sa karagatan.

"Wag ka nang sumali Benjo! Hindi nakakatuwa!" Suway ni Lei kay Benjo na naka halukipkip pa rin at naka bukaka.

"Bakit joke ba 'to? nag jo-joke pala kayo guys? Ulitin niyo nga tatawa na ako" Pamimilosopo ni Benjo kay Lei at ngumiwi.

"Tatadyakan kita!" Singhap ni Lei, "Sasabunutan kita" Biro ni Benjo.

"Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?!" Inis na sigaw ni Lei sa kalamadong si Benjo.

"At least ako lumaki, ikaw anong height mo ulit? 4'11? 5 flat? Liit ah" Pang-aasar ni Benjo at nag tawanan naman si JC, Alonzo at Adrian.

"Tama na Lei, 'di ka mananalo dyan, lagi kang talo 'di ba? Oh yung pusta ko malaki-laki na, hah!" Malalapad ang ngiti ni JC.

"Shut up anak ni Juan Carlos!" Ani Benjo.

"Dinamay pa tatay ko, pwede namang pangalan ko nalang, ganda-ganda ng pangalan ko, John Christopher" Natatawang sabi ni JC at sinulat pa sa hangin ang kanyang pangalan.

Nawala ang inis ko kay Ava dahil sa mga lalaking 'to, dapat rin pala na may kokontra sa kamalditahan ng mga babae tulad ng dalawa dito.

Niyakap ako ni Adrian mula sa likuran at hinalikan sa pisngi, humagikgik ako dahil sa ginawa niya, talagang hilig humalik sa pisngi.

"Ano ba 'yan! Bawal PDA dito Adrian! Mahiya nga kayo! May tent naman mamaya, doon nalang kayo!" Pang-asar ni Adrian.

"Manahimik ka dyan papaliparin kita!" Gigil na sayo ni Adrian kay Alonzo.

"Yes boss!" Mapanuyang sabi ni Alonzo, natatawa nalang ako minsan sa mga kasama ko, naka drugs yata.

*****

Nakarating kami sa isang magandang isla, puti at puro ang buhangin, sa gitna ay puro puno at parang maliit na kagubatan na napapaligiran ng mga buhangan, shocks ang ganda!

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon