Baler 34

49 12 0
                                    

Surigao Five Sharks

Nagising ako dahil sa kaluskos sa kusina, bumangon ako at nag kusot ng mata. Tumingin ako sa wall clock, alas-seis palang ng umaga.

Tumayo ako mula sa kama at lumabas ng kwarto, after kumain ng dinner ay natulog na ako agad kaya hindi ko alam kung saan natulog si Adrian, baka sa sofa?

Pag labas ko ng kwarto ay bumungad sa akin si Adrian na may dalang isang paper bag na nilagay niya sa mesa.

Naka suot siya ng khaki shorts at puting T-shirt, ngumiti siya sa akin ng makita ako.

"Good morning! Aga mong nagising ah!" He greeted me and kissed my forehead.

"Morning rin, ano 'yang dala mo?" Tanong ko sabay turo sa paper bag.

"Pandesal, para sana pag gising mo may makain ka, mamalengke palang ako" Aniya, lumapit ako sa lamesa.

"I remember something" Pilya akong ngumiti, kumunot ang noo niya pero bigla ring ngumiti.

"Gusto mo ulitin natin?" Excited niyang tanong, umiling ako habang natatawa.

"Loko! Andyan mga kaibigan mo sa kabila, baka marinig tayo" I laughed.

"Gusto mo bang sumama sa palengke?" Tanong niya.

"Malayo ba?" I asked, "Malapit lang, isang tricycle" Tugon niya.

"Sige, bihis lang ako" Ani ko, pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit sa bag tapos nag bihis.

Lumabas kami ni Adrian at nag abang ng tricycle, nang makapara kami ay agad kaming sumakay sa loob.

"Kuya, sa tabo market" Aniya sa driver, hindi malayo ang palengke kaya agad kaming nakarating.

Medyo hindi pa gaanong maliwanag ang paligid, ngunit marami ng tao sa palengke.

May mga naririnig akong usapan pero hindi ko maintindihan, "Anong dialect niyo dito?" I asked Adrian na katabi ko habang nag lalakad.

"Kamayo, Medyo bisaya" Sagot niya, tumango nalang ako.

"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya habang nag iikot kami sa palengke.

"Hmm, gulay at prutas, ikaw may gusto ka bang bilhin? Or lutuin mamaya?" Tanong niya pero umiling lang ako, wala naman akong gustong lutuin o bilhin.

Tumigil kami sa isang pwesto na may tindang mga gulay, "Tagpira ini?" Nilingon ko kung sino ang nag salita, nagulat ako ng si Adrian pala 'yon at may hawak na one fourth na kalabasa.

"Bente singko, hijo" Sagot ng matandang tindera, nilingon ako ni Adrian.

"Itanong mo 'to, pwede ako humangyo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Adrian, hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila.

"Ha? Anong ibig sabihin non? tyaka ng sinabi mo kanina?" I curiously asked.

"I asked the price, so now you ask kung pwedeng tumawad, come on" Ngumiti siya sa akin at pinipilit ako na sabihin ang mga salitang 'yon.

"Sige na nga!" Sabi ko bago humarap sa tindera.

"Manang, pwede ako h-humangyo?" Medyo hindi ko siguradong tanong at nilingon si Adrian, nag thumbs up siya sa'kin.

"Sige day, bente nalang" Ani tindera at napangiti ako, yes! Naka tawad ako haha.

Ngumiti si Adrian at niyakap ako mula sa likuran bago hinalikan sa pisngi.

"Galing ng baby ko!" Aniya at kinurot ang pisngi ko.

"Che! Nasa palengke tayo napaka pusok mo!" I chuckled.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon