Baler 16

88 15 0
                                    

Walang gana

Kinabukasan ay buong araw akong nagbabad sa dagat, wala akong namataang Adrian ni anino nito. Ginabi ako sa tabing dagat ngunit wala siyang pakita.

Pumunta rin ako ng Costa Pacifica at nagbaka sakaling doon ko siya makikita pero wala rin.

Tinanggal ko ang aking shades dahil nawala na ang araw sa kalangitan dahil natakpan ito ng mga ulap, initaas ko ang aking kanang hita sa lounger habang nakahiga at naw babasa ng magazines.

Reading something about managing and running hotels, businesses, restaurants etc.

Napagtanto ko na kailangan kong magseryoso ngayon sa buhay, hindi pwedeng ipamana sa akin ang resort nang hindi ko alam kung paano ito patakbuhin, kaya nga accounting ang kinuha ko sa America para makatulong sa sa pinansyal ng Resort ngunit parang wala naman akong ambag doon ngayon.

Nabaling ang paningin ko sa gilid ng libro at tinignan ang lalaking naka-upo sa buhanginan, his shoulders and back are same as Adrian's, pati ang wavy nitong buhok, bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinuot ang tsinelas ko.

Naglakad ako papunta sa nakatalikod na lalaki ngunit napatigil rin ng lapitan siya ng isang maputing babae na may kasamang batang lalaki. Tumayo ang lalaki at inakbayan ang babae tyaka binuhat ang batang lalaki.

Dismayado akong bumalik sa lounger at nagpatuloy sa pagbabasa.

Lumipas ang mga araw at wala pa ring Adrian na nagpapakita sa akin, si Isagani ay nagsimula sa kanyang panliligaw kay Pearl kaya naman siya ay kinikilig na kinukwentuhan ako.

"Girl! Ang sweet pala talaga ng kaibigan mo 'no? Kaya siguro mukha kayong magjowa noon!" Yugyog sa akin ni Pearl habang nag-di-dinner kami sa seaside resto nila.

"Oo, sweet talaga 'yon, kahit kaninong babae kaya binabalaan kita, umayos ka at 'wag kang mag-inarte at maggtaray, baka mabilis kang pagsawaan non" Ani ko sa kanya at kumagat ng hipon.

"Ano ka ba, kung gusto niya talaga ako ay tatanggapin niya kung sino ako, ang tunay na ako at ang ugali ko, kahit ang bad sides ko, duh?" Aniya at initaas ang kanyang tinidor sa ere.

"Sa bagay" Nagkibit balikat ako.

"Twenty four ka na girl, wala pa ring nanliligaw sa'yo? Anyare na sa Adrian mo?" Tanong niya at uminom ng kanyang cucumber shake.

"Ewan ko roon, hindi na nagpakita after ng away namin noong contest" Nasamid siya sa sinabi ko.

"Ayaw? Nag-away kayo?" Tanong niya at pinunasan ng tissue ang kanyang labi.

"Ewan ko ba, nainis kasi ako sa kanya kasi siya ang nag-first runner up, you know how I hate being second place" Ani ko at tumingin sa malayo. Tuloy-tuloy na naghahampasan ang mga alon sa dagat, maraming kumikinang na bituin at lumiliwanag ang buwan.

"O, tapos? Sino ang nang away? Ikaw 'no?" Ngiwi niya at dinampot ang kanyang phone na nag-vibrate sa lamesa.

"Syempre nainis ako eh, hindi ko naman sinasadya, sinabihan niya rin ako na ang babaw ko raw, totoo naman eh. Nang dahil doon ay nagalit ako, dahil doon ay isinantabi ko ang pagtingin ko sa kanya at nainis ako"  Matamlay kong sagot pero parang wala akong kausap kasi kinikilig si Pearl habang nakaharap sa phone niya.

Naiintindihan ko naman na kinikilig siya kay Isagani kaya ayos lang kung hindi niya narinig ang sagot ko.

"Malapit na pala ang birthday ko, gusto mong gumala?" Tanong ko kay Pearl pero mukhang busy pa rin sa kanyang phone. Sumipsip ako ng shake at pinagmasdan ang tabing dagat at ang kanilang resort.

Next week na ang birthday ko at wala akong planong umalis o mag-out of the town o maghanda man lang, para saan pa? Nakalimutan na yata nila.

"Ha? Ay oo nga pala girl! Kaso sa birthday mo may schedule ako, nangako pala ako kay Calvin na sasamahan ko siya sa meeting ng mga investors nila" Malungkot na saad ni Pearl at muling bumaling sa phone niya.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon