Baler 36

49 13 0
                                    

Hayop sa Ganda

I'm wearing a strappy sandals, white beach blouse at denim shorts, tapos white two piece ang panloob ko.

Sumakay kami muli sa pick-up ni Benjo, dating pwesto parin. Mayamaya ay biglang humilig si Adrian sa balikat ko at mabibigat na huminga.

Kanina ko pa na pansin na parang hindi siya nakatulog dahil lutang na lutang siya noong nag aayos na kami ng gamit.

"Olrayt mga Hangal! Arat na!" Masayang sabi ni Alonzo at nag he-headbang pa.

Humalik ako sa ulo ni Adrian, ang bango ng buhok ah, he groaned when I kissed his head.

Pumulupot ang braso niya sa aking bewang habang naka hilig siya sa akin.

"Tulog ka lang, 'di ka naman natulog kanina eh" Bulong ko sa kanya.

"Ang sarap mo kasing titigan pag tulog at naka higa sa kama ko, feeling ko asawa na kita" He smiled while his eyes are still closed. Parang may kung anong paro-paro ang nag sisiya sa tyan ko dahil sa sinabi niya.

Wag mo kong pinapakilig ha, hahalikan kita dyan bigla, chos.

"Pakasalan mo muna ako bago ka mag ilusyon ng ganyan" I chuckled.

"Bukas na agad, ano?" Nang hahamon niyang sabi, Baka totohanin na naman nito ang sinabi niya.

"Joke, 'di pa nga kita sinasagot eh" Bumuntong hininga siya, hay nako Adrian.

"Matulog ka na nga lang dyan, papatulugin kita sa sapak sinasabi ko sayo" Biro ko at tumawa kami.

*****

Nasa pampang na kami dala ang mga gamit at bags pang overnight sa isang Isla dito.

"We're going to Bonbonon Island, one of the twenty four islands and islets in Britania group of Islands" Paliwanag ni Adrian, He's wearing a board shorts and beach polo tapos naka shades pa, ang gwapo talaga, para akong may jowang artista.

Sa tapat ng bangka na pupuntahan namin ay may dalawang taong pamilyar sa akin na naka abang.

I can't be wrong! Si Ava at Lei 'yon! Kasama sila? Wow tangina amazing.

Ng makalapit kami ay binaba ni Adrian ang hawak niyang bag sa buhanginan at dumausdos ang kanyang kamay sa aking bewang.

"Hintayin muna natin ung nirentahang naming bangka, baka pabalik na 'yon" Ani Adrian at tumango ako.

Si JC at Alonzo ay topless at naka board shorts na nag-uusap habang may hawak na travel bags at malaking bag na may lamang tents at mga kumot pati unan, habang si Benjo ay dalang military duffle bag at may bitbit rin na tent habang tahimik na naka tanaw sa dagat, mag sariling mundo ang isang 'to.

"Hi Adri!" Maarteng bati ni Ava at humalik sa pisngi ni Adrian, umuwang ang labi ko sa sinabi niya, agad siyang hinatak palayo ni Lei kay Adrian.

Naka shades siya at sosyal ang pananamit. Nakita kong tahimik na pinunasan ni Adrian ang halik ni Ava sa kanyang pisngi.

"Ava! Ano ba?" May diin ang tanong ni Lei kay Ava habang naka hawak ito sa braso niya. Binawi ni Ava ang braso niya mula kay Lei.

"Ano ba Lei? I'm just greeting him so what's wrong?" Patay malisyang tanong ni Ava at hinila na siya palayo ni Lei.

"C'mon?" Ani sakin ni Adrian at nakita kong dumaong na ang isang bangka sa tapat namin.

Tumango ako at isina walang bahala ang ginawa ni Ava kay Adrian kahit napuputa ako.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon