Baler 32

60 14 0
                                    

Hesitations

Naka pikit na ang mga mata ko dahil inaantok na ako pero biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napadilat ako.

Its Adrian, the fucking liar.

"I'm sorry, na gising ba kita?" Mahinang tanong niya sa pinto, tumalikod nalang ako at hindi na pinansin ang sinabi niya.

Save your sorries, I don't need it.

"Sige, balik ka na sa tulog mo, sorry ulit" Aniya pero hindi ko parin siya pinansin.

Narinig kong binuksan niya ang ilaw sa kasilyas at nag hilamos bago ng toothbrush, hindi ko naman na amoy na amoy alak siya, baka hindi siya gaanong uminom ng marami.

Nang matapos siya ay pinatay na niya ang ilaw sa kasilyas at tanging ilaw nalang ng lampara sa gilid ang bukas.

Dahan-dahan siyang humiga sa tabi ko kaya tumalikod muli ako ng higa, naka harap na naman sa pinto ng kwarto.

"Are you not comfortable?" Tanong niya pero umusog lang ako palayo sa kanya. Hindi naman siya siguro manhid at bobo para hindi malaman ang gusto kong iparating sa kanya.

"Sa sofa nalang ako matutulog" Napadilat ako sa sinabi niya pero hindi ko siya nilingon.

Bumangon siya at lumipat sa sofa sa paahan ng kama, sa tapat ng sofa ay may isang maliit na lamesa at TV.

"Matulog ka na ulit dahil byahe na naman mamaya, Good night, I love you" Aniya pero napairap nalang ako sa mga sinabi niya.

Napaka galing na sinungaling, ang sarap hampasin ng kaldero, kainis! I love you mo mukha mo.

*****

Nagising ako dahil kay Adrian na nag aayos na ng mga gamit namin, bumangon ako para mag hilamos at mag bihis ng pang-alis.

"Gising ka na pala, Good morning, Baby" Aniya habang nag-aayos ng mga damit niya sa kanyang travel bag sa sofa, hindi niya yata na pansin na gising na ako.

Hindi ko pa rin siya pinapansin, nang nilingon ko siya ay nakita ko ang mga seryosong titig niya sa akin pero binaliwala ko lang 'yon.

"Nag tanong ka Talia? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?" He coldly asked me, nagulat ako sa sinabi niya, paanong nalaman niya na nag-usap kami ng kapatid niya?

Bigla akong nakaramdam ng kaba, pwede nga palang sabihin ni Natalia kay Adrian na nag tanong ako.

Kinuha ko agad ang phone ko sa side table at nakita sa lock screen na may pahabol na chat si Natalia na hindi ko nabasa, Fuck! I'm done.

Kinakabahan kong hinarap siya, hindi ako kinakabahan dahil nalaman niya, kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.

Seryoso siyang lumapit sa akin at iniwan ang inaayos niya sa sofa, umatras ako ng umatras hanggang sa pader na ang nasa likuran ko.

Seryoso ang bawat hakbang niya palapit sa akin, I can see sadness and seriousness in his eyes sa pag lapit niya sa akin.

Napalunok ako ng mag katapat na kami at ang kanang braso niya ay tinukod niya sa pader sa gilid ko.

Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin, malalim ang pinakawalan niyang buntong hininga.

"Ano ba ang hindi mo pinagkakatiwalaan sa akin? Ang mga salita ko o ako mismo?" Seryosong tanong niya ngunit may bahid ng kalungkutan, umiling-iling siya at umiwas ng tingin.

Bigla akong nanlumo sa sinabi niya, Honestly I don't know why I don't trust you sometimes, I don't no why I hesitate to believe you.

"Sagot Amulet, paano ko babaguhin ang sarili ko para sayo kung ayaw mong sabihin ang ayaw mo sa akin?" He twitched his lips and raised his eyebrows.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon