Baler 20

78 14 0
                                    

Yakap

"Ngayon ko lang na-appreciate ang mga bagay sa loob. I didn't care about what's inside before. But now, I'm strating to like the history, with the help of my clever and gorgeous tour guide," He chuckled.

Paglabas namin ng museo ay mukha namang nag-enjoy siya dahil seryoso siya sa pagbabasa ng mga articles, facts, at trivia kanina. Hindi ko na inistorbo at nagsariling mundo nalang din ako dahil baka ma-distract ko at mawala ulit ang focus tulad kanina.

Magkasama kami at panay ang tanong niya sa akin at halos ako lang ang gumagala ang paningin sa lugar, samantalang siya ay sa akin lamang nakatingin. Paano niya ma-eenjoy kung pagmumukha ko ang nakikita niya?

"Aba, dapat lang ano! Kung walang nakaraan ay walang kasalukuyan. So, you should really treasure the past, especially the heroes who risked their lives just to give this country the freedom it sought" Wika ko.

"You mean like Dr. Jose Rizal and others?" Tanong niya at muling sinuot ang kanyang shades at naglakad papunta sa kanyang sasakyan.

"Yup. Pero hindi lang sila. Marami ang mga bayani, Adrian. Those soldiers who fought and died in the battles, the medics who healed the wounded soldiers, everyone who risked their lives on the battle or not just on the battlefield, the people in politics who were fighting for the rights of the country, of the people, and so on." Paliwanag ko sa kanya at sumampa na sa sasakyan.

Akala niya yata ay ang mga kinikilala at sikat na bayani lang ang mga bayani talaga.

No. Lahat ng lumaban at nagsugal ng buhay noong mga panahon ng digmaan ay bayani; lahat sila ay may ipinaglalaban at noon ay iisa lang ang adhikain nila, iisa lang ang gusto nilang mangyari, ang makalaya ang pilipinas sa kamay ng mga dayuhan.

Sumunod kaming pumunta sa Chai Chai bikes bicycle shop sa Quezon hi-way para magrenta ng bisekleta.

Bumaba kami ng kotse at doon mismo sa shop ay may nakita akong pamilyar na morenang babae. 'Yong babaeng inabutan si Adrian ng t-shirt noong cooking contest.

Ako ang una niyang nakita dahil sa gawi ko ang side ng shop. Nang umikot si Adrian galing sa kabila at nakita ng babae ay napangiti siya at nilapitan si Adrian.

"Uy! Evanna! Nandito ka pala? Shift mo?" Ngiting salubong ni Adrian, napakamot ako ng ulo at umiwas ng tingin.

"Oo, Ads. Ganitong oras ako dito sa shop" Ads? ano 'yan advertisement?

"Anong sadya mo? Ako 'no?" Sumilay ang mga ngiti ng pesteng si Evanna at kinagat ang kanyang labi, confirm. Malandi.

Nasamid ako sa sinabi niya. Can't she see? Kasama ako ni Adrian, duh? Mag-ba-bike kami, miss, hindi ikaw ang pinunta namin, tss. Umirap ako at humalukipkip.

"Ang init! Mag-uusap kayo o magrerenta tayo, Adrian?" Iritadong tanong ko kay Adrian. May araw pa rin kahit alas-tres na kaya medyo mainit pa rin kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Akala ko ba walang tayo?" Mapang-asar na sabi ni Adrian. Mas lalong akong nagngingitngit. Bwiset talaga!

"Heh!" I hissed. Akmang bubuksan ang pintuan ng sasakyan pero hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito.

Biglang nawala ang inis ko at napalitan ng kakaibang pakiramdam. Bago ito sa akin at parang matagal na panahon bago ko ulit ito naramdaman. Pak oh! Ang rupok!

"Sino siya?" Inosenteng tanong ng babae.

Alam kong may pangalan siya pero ayaw kong banggitin sa utak ko at baka biglang may kumalat na virus. Mahirap na, walang cure sa malanding virus.

"Ako nga pala si Amulet, nililigawan niya" I gave her my sweetest smile. Walang halong kaplastikan, pagmamalaki meron.

Hindi na ako naglahad ng kamay, baka magkaroon ng bacteria, mahirap na, walang sabon sa maruming babae. Eme.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon